Hindi ko maipaliwanag ang sakit na aking nararamdaman. Hindi ko maigalaw ang aking katawan ngunit ramdam ko na may mga kamay sa aking likod. Magaan ang bawat pagdampi nito sa aking balat ngunit kasabay naman nito ang mahapdi na bagay na siyang tumutusok sa aking balat. Hindi ko mapigilan ang pag-ungol sa sakit. At kasabay ng aking pagdaing ay may mainit na palad ang siyang nakahawak sa aking palad. Ang daliri nito na magaang gumuguhit ng maliliit na bilog at kahit papaano ay pinapagaan nito ang aking makiramdam.
Pilit na binubuklat ang aking mga mata ngunit kahit ang aking mga pilik mata ay wala paring kakayahan na gawin ito. Pilit ko ulit na ginagalaw ang aking katawan, nilalabanan ang sakit sa kabila nito.
"Shhh..." malamyos na bulong ng lalaki sa aking tenga. "Selene si Alec ito, pakinggan mo ang aking sasabihin." Gusto ko sanang sagutin ang kanyang isinaad ngunit kahit ang aking bibig ay hindi ko magawang ibuka ang ito. "Kailangan mong matulog ulit upang hindi mo gaanong maramdaman ang sakit." Kasabay nito ang magaan na pagdampi ng kanyang labi sa aking ulo at saka gamit ang kanyang daliri na marahang hinahagod sa aking buhok.
Mula sa aking pagkakahimbing na pagtulog ay nagising ang aking diwa dahil sa malamyos na pagkanta ng mga ibon. Sa pagbuklat ng aking mga mata ay ang napakagandang umaga. Ang mga pagi ng araw na siyang pilit na sumusulyap sa kurtina ng bintana, pilit nitong sinisilip ang kwartong aking kinaroroonan. Nakahiga ako sa kama, ang aking dibdib ang siyang nakahiga. Gamit ang aking kamay ay ginawa ko ito na pangtukod upang maka-upo sa kama. Hindi ko maiwasang mapasitsit sa sakit ng aking nararamdamang kirot mula sa aking likod.
Napagtanto ko na wala pala akong ni isang saplot kundi ang napakanipis na kumot kaya wala akong nagawa kundi gamitin ito upang takpan ang aking dibdib. Napatingin ako sa boung paligid at nagulat ako na ang kisame ay gawa sa salamin. Kitang-kita ko ang aking repleksyon dito. Tila nakatitig ako sa aking kaluluwa.
Hindi ko maiwasang magnakaw nang tingin sa aking likod gamit ang aking repleksyon mula sa salamin. May mga maliliit na bakas ito ng dugo indikasyon na sariwa pa ang mga sugat. Napabuntong hininga ako nang may maliliit na sinulid ako na nakikita, indikasyon ng tahi sa aking sugat na naging dahilan ng malalim kong pagbuntong hininga.
BINABASA MO ANG
The Rejected Mate
WerewolfRejected and now I am alone. I just hope everything will be fine, I need peace... Could the Moon Goddess help me? All Right Reserved 2021 @NimbusCozen Started: January 23, 2021