01

5 0 0
                                    

I check my phone and several messages came by when i woke up.

From Gabriel:
Good morning!

To Gabriel:
Morning! How are you?

I replied to him and nakita ko na may on going Video call sila Irish kaya nag join ako.

"Hoy ano yung nabalitaan ko andito ka na daw sa pilipinas Amaia?!" Bungad ni irish saakin "kelan ka pa dumating kang gaga ka? Di ka man kang nagsabi." Dagdag nya pa

"Kahapon lang at surprise nga kaya diko sinabi." Sagot ko

"By the way, since nandito ka na, palagay ko naman makakadalo ka na nang reunion naten." Sambit ni irish sa akin.

"Yup, speaking or reunion bukas na daw pala yon, minove nila para daw makapag pahinga tayo nang linggo." saad ni chloe

"Agad?" Gulat na saad ko sa kanila

"Yes kaya kung ako sayo mag ready ka na." sabi naman ni gabbi

Nagkwentuhan lang kami at maya maya nag paalam na kami sa isat isa dahil may mga kailangan pa daw silang gawin.

"Pa sama ako sa resto." saad ko kay papa

"Sure ka ba dyan nak? Wala ka bang asikasuhin?" Paninigurado ni papa

"Opo pa gusto ko din po tignan." sagot ko naman

"Oh sya halika na kung ganoon."

~~~~

Nagiisip isip talaga ako kung tutuloy ba ako sa reunion namin. Iniisip ko palang kinakabahan na ako, ayoko sanang pumunta kaso magtatampo naman ang mga kaibigan ko kung di ako pupunta. Wala naman saking problema kung magkita kami ni Kaiden iniisip ko lang na panigurado aasarin kami ng mga kaibigan at klaklase namin. Ayoko sana maging awkward kami sa isa't isa.

Isa pa 8yrs naman na din ang nakalipas and i know that i already moved on. Hindi ko lang alam kung anong mararamdaman ko pag nagkita kami ulit, nakamove on naman na ako matagal naman na din yon nung nangyari yon. And im pretty sure na wala nalang sa kanya iyon. Mga pasaway lang talaga mga kaibigan namin dahil sila ata ang hindi makapag move on tungkol sa amin.

Napag alaman ko kase na kada taon lagi nilang inaasar si Kaiden dahil hindi ako nakaka attend at nakikita ko na kung pano sila mangaasar bukas.

"Nakauwi ka na pala di ka man lang nagsasabi." sambit ni Lia

"Ganyanan na pala Ms. Amaia Cassandra Vasquez" pagsasaad ni Ria sa buong pangalan ko

Napalingon ako at nagulat nang makita ko ang dalawa kong pinsan, kambal sila si Lia at Ria. Eto ang dalawang pinsan ko sa side ni papa simula bata pala ang ka close ko na sila. Agad naman akong tumayo at niyakap silang dalawa.

"Kelan ka pa dumating?" Tanong ni ria

"Kahapon lang, naisipan ko din bisitahin tong resto kaya nandito ako." Sagot ko sa kanya.

"Yayamanin na talaga ang aming paboritong pinsan" puna naman ni lia. Niyaya ko sila umupo sa inuupuan ko at doon nagkwentuhan.

"Teka, kumain na ba kayong dalawa?" tanong ko sa kanila

"Oo naman, doon nga kami nakaupo sa dulo oh di mo napansin masyado ata malalim iniisip mo kaya di mo kami nakilala." saad ni Lia.

Tinignan ko ang tinurong lamesa ni Lia kasalukuyan itong nililinis ng aming tauhan. Nakwento din pala ni mama na madalas kumain ang dalawing ito dito.

"Salamat sa supporta sa aming munting negosyo ah." Pasasalamat ko sa kanila

"Ano ka ba? masarap ang luto nila tito at tita kaya halos araw arawin namin ang pagkain dito." Sambit ni Ria

Us AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon