02

3 0 0
                                    

"So kamusta kayo guys? Ay wait si Amaia nalang muna tutal ngayon lang naman sya naka attend ng reunion naten." Paninula ni Issa

Nakwento sa akin nila Chloe na kada reunion daw ay may ganto raw talaga. Isa isa kinakamusta ng presidente namin at kinakausap.

"Kamusta ang buhay sa ibang bansa?" Dagdag na tanong ni Enzo sa akin.

"Okay naman eto naka survived ."pabiro kong sagot ko sa kanila na ikinatawa nilang lahat.

"Kala nga namin magdadala ka ng boyfriend eh." Sabi naman ni Millie

" Wala pa yan sa isip ko as of now, gusto ko kase mag focus sa resto muna." Saad ko at lumagok ng alak at nasaktuhan ko nakatingin pala sakin si Kaiden. Muntikan pa nga ako masamid pero diko nalang pinahalata.

"Matanong ko lang ah, hindi ka na ba nag boyfriend ulit pag ka break nyo ni...." Hindi na tinuloy ni sienna ang sasabihin nya dahil nginitian ko sya.

"Akala ko ba kamustahan to bat parang ako lang ini interview nyo?" Pabiro kong tanong sa kanila.

"Eh taon taon kami nagkikita kita tapos kami active sa messenger pero ikaw na ngayon lang umattend at di pa pala reply sa GC naten." Pagdadahilan ni Issa.

"Oh sige, after i graduate college nag migrate na ako to Canada well nung una mahirap yes kase magisa lang ako don syempre and naculture shock din ako. Natanggap naman ako sa work na inaplyan ko and sa walong taon kong paninirahan don madami na akong napundar isa na don ang resto ko dito. And those years nakilala ako ng isang editor thru my novels, nahing maayos naman ang pagsusulat ko kaya i decided to resign na and umuwi din dito. But im not yet fully sure if I'm staying here for good." Mahabang pag kwekwento ko sa kanila.

"So? Asan don yung love life mo?" Tanong ni enzo.

"Wala, wala nadin kase akong time sa ganyan i mean makakapag intay naman yan basta ang priority ko ngayon ay ang future ng pamilya ko at ang future ko." saad ko. "Ayoko din naman kase makakilala ngayon ng iba tapos di naman mag wowork, gusto ko pag nakahanap ako sya na yon like sya na yung makakasama ko hahang buhay." pagtutuloy na saad ko.

"Wow, ayan ba ang epekto nang pagiging writer mo?" tanong ni Chloe. Maski sila nagugulat sa mga sinasabi ko kase di naman ako ganto kalalim magsalita noon.

"I don't know, well maybe kase ayoko matulad sa mga characters ko. I just wan a simple life." Sagot ko at lunagok ulit ng beer di ko napansin na naka ubos na pala ako kaya inabutan ulit ako ni Clarence ng isa pa.

"Just wow, now im curious san mo nakukuha yung mga ganyan?" Tanong naman ni Gabbi

"Sa mga tao nakakasalamuha ko, like experience nila ganon, or sa mga napapanood ko. Ultimo isang senaryo sa kalsada nagagawan ko ng kwento. Kaming mga writers kase hindi namin kailangan ng love life just to have a story fabric." sambit ko naman.

Nagpalakpakan ang mga klaklase ko na ikinagulat ko, napailing na lamang ako sa kanila.

"Ibang iba na talaga si Amaia ngayon guys! Pero proud na proud kami sa achievements mo lalo na yung isa dyan hahahaha joke." komento ni paulo

"Sa ngayon, isa nalang hihilingin namin. Ang magkaroon ka ng boyfriend." saad ni Clarence.

"And dahil dyan, let's do the spin the bottle!" Masayang suggestion ni Irish na sinang ayunan nang mga klaklase ko.

Lumipat kamo sa infinity pool kasi mas maluwag ang pwesto don at mas maliwanag. Ganon oa din ang pwesto namin naka paikot. Kumuha si enzo ng empty bottle at nilapag sa gitna.

"Okay, so here is the mechanics kung sino ang tapatan ng bote sya ang bubunot ng dare sa fishbowl. May 50 dares kaming niready dyan. At para din alam nyo, may isang dare dyan na good for a month. Ibig sabihin gagawin nyo yung dare for a month. Kaya goodluck guys!" nilapag ni micah yung fishbowl sa gitna at naglapag naman si Clarence ng dalawang bote ng tequila at lemon at asin sa gitna.

"And kapag hindi nagawa yung dare or tinanggap yung dare, three shots of tequila." dagdag ni Paulo

"Sige ako na unang mag spin." Saad ni Enzo

Sa bawat pag ikot ng bote at pagtapat nito sakin ay nakakaramdam ako ng sobrang kaba dahil naglaro kami noon neto at di ko nagustuhan yung dare na nakuha ko. Dahil sa takot ko noon ayoko naman umuwi ng bahay na amoy alak kaya no choice ako kundi gawin yung dare at ang dare na yon ay sayawan ng sexy dance si Kaiden. Ayoko na maalala ang panahong iyon kaya mabilis kong kinatok yung ulo ko.

"Ang buena mano naten ay si..... Clarence!"

Lumapit sa gitna si Clarence at kumuha ng papel sa fishbowl, binasa nya ito ng malakas.

"Holding hands with your enemy for one hour" saad nya, isang buntong hininga ang pinakawalan nya. Ang Enemy nya kase ay ang ex nyang si nicole.

"So dare or three shots?" Nang hahamon na tanong ni Issa sa kanya.

"Ayoko naman naging KJ sa larong toh so dare!" Lumapit sya kay Nicole pero inirapan kamang sya nito at wala naman syang nagagawa kundi hawakan yung kamay ni Clarence kase limang shots ng tequila ang kapalit.

"Your time starts now!"malakas na sigaw ni Issa na may hawak na phone na sa tingin ko na naka timer doon.

Hinawakan naman ni Clarence ang kamay ni Nicole na nakapag pasigaw sa mga klaklase ko at ang iba naman ay nag sisisigaw ng salitang "comeback" simula kase nung naghiwalay sila para silang aso' pusa kung mag away. Mabait naman kase si Clarence pero may pagka palaaaar din kaya siguro laging naiinis sa kanya si Nicole.

Muling pina ikot ni enzo ang bote habang ako naman ay panay lagok sa aking bote ng alak. Halos maubos ko na ang pangalawang bote.

"Mr. Kaiden it's your turn."

~~

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 07, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Us AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon