Gia's POV
I love this hair. I love this dress. I love that girl looks perfect reflecting on the mirror. Hayy! Ang ganda ko ngayon. Kaya napaka impossibleng hindi mapatingin at mapanganga sakin si V pagmagkita ulit kami dahil aba't pinaghandaan ko kaya ang araw na to. Nag Ayos talaga ako ngayon ng maganda. Yung bihira mo lang akong namakikita na nag ayos dahil hindi naman talaga ako pala ayos na babae. Yung tipong naka jeans, hanging blouse at naka rubber shoes ang style ko na sinamahan pa ng naka pony tail na buhok dahil sa sobrang init talaga dito sa Pilipinas. Pero ngayon heto ako sa harap ng salamin, hindi ko tlaga maintindihan kung ako ba talaga tong nasaharapan ko. Pero impossible namang iba diba?
Ano multo? Possible, dahil may kinuwento sakin si Elle noong nag overnight kami dito sa bahay at sakto namang malakas ang ulan noon at nagka brownout.Tungkol sa babae daw sa salamin. Naku! Takot na takot ako nun nung nagkwento siya kaya medyo napaatras ako ng maalala yung kinuwento niya.
"Ano ba Gia! Naprapraning kana!" Suway ko sa sarili ko. Kung ano ano kasing iniisip ko yan tuloy Tinatakot ko lang sarili ko tss. Ewan ko ba kung saan-saan at kung ano-ano nalang yung sumasagi sa isipan ko. Sabi nga nila ang lawak daw ng imaginasyon ko pero mas maganda ng malawak kesa naman sa wala.
"Luh? Mahaba na pala tong buhok ko?" Parang noong nakaraang buwan lang ako ng pagupit ng buhok na hanggang balikat tapos ngayon hanggang bewang nanaman. Ang bilis niyang humaba ah? 'Ah baka magaan yung kamay na nag gupit?' Sabi ng kabilang parte ng isip ko. 'Oo nga noh! Pero baka dahil lagi akong nakatali hindi ko na napansin na humaba na pala?'
"Siguro nga" pag sang ayon ko sa isip ko.Baka nga naman kasi magaan lang yung kamay ng nag gupit sakin sa parlor at dahil sa lagi akong naka ponytail ay hindi ko na pala napansin na humahaba na pala.
Nakalugay ako ngayon at hindi naka ponytail yung buhok ko kaya napansin kong humaba na siya. Ba't ako nakalugay? Wala lang. Trip trip lang. Para maiba naman yung looks ko ngayong araw na ito. At bukod sa nakalugay naka dress ako ngayon. Oh ha! Nakapag pahinga yung mga jeans ko ngayong araw. Bakit ako naka dress ngayong araw? Wala lang. trip trip lang XD Nakita ko kasi to sa mall nung nakaraang araw nung bumili ako sa National Bookstore tapos napadpad ako sa isang botique at nacutan ako sa kanya kay binili ko siya. Color beige siya na above the knee sobrang simple pero ang elegant niyang tignan. kaya ang elegant din ng presyo pero kaya naman :) At dahil nakadress ako hindi ako pwedeng mag bagpack. Mukha akong ewan -_- Kaya naka shoulder bag ako at naka 3inch na heels.
*buzz buzz*
One Message recieve
From: Elle-ElleMo
HOY BABAE! BAKIT ANG TAGAL MONG BUMABA? DITO AKO SA DINNING NIYO. DALIIIII ANG DAMING FOODS!!!!
"Kelangan naka CAPSLOCK?" Naku kahit kelan ang takaw ng babaeng yun hindi naman tumataba! Makababa na nga.
Elle's POV
Ang tagal talaga ng babaeng yun. Kung hindi lang dahil sa pagkaen na nakahanda sa lamesang ito susugurin ko na siya sa kwarto niya. Pero woy baka iniisip niyo na ang Parental Guidance ko pwes it's a big NO! Aba grasya ito. At ang grasya ay dapat tinatanggap hindi tinatanggihan noh. Saka konti lang kasi nakaen ko sa bahay dahil nagmadali akong pumunta dito kela Gia dahil ang sabi niya dito daw natulog si Gion my loves. Pero bakit parang no where to found siya?.
"Ay! Ang sarap naman nito."
Ano kayang pangalan ng sandwich na ito. Ang sarap! Pati ito, ito, ayun din. Yum yum.
"Ang sasarap talaga ng mga pagkaen nila dito. Papaampon na ngalang ako kela Gia."
Ang sasarap talaga promise yung tipong makakalimutan mo yung pangalan mo pag kumaen ka dito. Woy hindi nga ko Parental Guidance noh sadyang masasarap lang talaga pagkaen nila dito saka ano. Ano. Gutom lang ako. Tss. Bat ba ang tagal ni Gia?
BINABASA MO ANG
Si Crush Kasi ! (Short Story)
Teen FictionBakit ko ba kailangan maramdaman ang lahat ng 'to? Si Crush Kasi !♥