One

30 1 0
                                    

Gia's POV

"All this time parin ba girl, hindi ka pa ba magsasawang titigan yan? Kung nakakatunaw lang talaga ang mga titig, kanina pa natunaw yan ! Tsk! Kawawa naman."

"Ano ka ba Elle, manahimik ka nalang jan. Baka mahuli tayo."

"Hay naku kung hindi lang talaga kita kaibigan iniwan na kita dito."

"Eh kaya ka nga nandito kasi kaibigan mo ko at saka pwede bang pakihinaan mo yang boses mo masyadong malakas."

"Ihh! Tara na kasi! Mag wa-one hour na tayong nagtatago dito, kinakagat na ko ng mga langgam at kung ano-anong insekto!"

"Konting tiis nalang Elle, promise pag mafull lang toh aalis na tayo."

"Siguraduhin mo lang na mafu-full yang 8gb na memory card mo nayan huh!"

"Oo naman! Parang hindi mo ko kilala."

Nagtataka ba kayo kung ano yung ginagawa namin?

Well, Nandito lang naman kami sa field at nagtatago sa mga halaman. Nandito kasi si Mr. Crush at dahil isa nya kong masugid na taga-hanga, balik tayo sa aking number one hobby. Ang kumuha ng mga stolen pictures niya. Nakakailang memory card na ang nagamit ko dito sa digicam ko para lang makuhanan ko siya. Kaya nandito kami sa mga halaman nagtatago para masilayan ko ang kanyang kagwapuhan. Mukang nagpagplanuhan nilang sa field mag usap-usap para sa darating na event dito sa school and guess what? Magpeperform sila, dahil sila ang nanalong band dati. Inside and out ang gwapo niya, kaya pati boses niya ang gwapo din^___^ (anong connect?)

Haist! Why so gwapo V? ♥___♥

"Sa susunod talaga hinding hindi na ko sasama sayo. Aba't nakakapagod at nakakagutom kaya kahit nakaupo ka lang! Ewan ko ba naman sayo Gia at bakit ang lakas ng tama mo dyan sa lalaki na yan! Oo nga't sabihin na nating gwapo siya, matalino, may talent, kinahuhumalingan ng mga kababaihan pero dakilang SNOBBER naman! -__-"

Nandito na kami sa canteen ngayon at kumakain. Nagutom kasi si Elle sa ka ii-stalk namin kay crush. Hindi ko pala napuno yung memory card ng digicam ko :( Umalis na kasi sila agad eh! Nakakaiyak tuloy T.T

Pero I dont lose hope kasi hindi pa naman tapos ang araw. AHihi ♥___♥

"Bakit ba ang bitter mo? Diba isa ka rin naman sa mga babaeng may munting paghanga sa kanya? At ako ang nag iisang babaeng may malaking PAGHANGA sa kanya! Hihihi"

"Ay! Ang landi mo friend... wala akong crush sa kanya noh saka noon yun hindi na ngayon kay papa Gion na ko noh :3"

" 'Wag ka ngang mag pout! Hindi mo bagay, ang pangit mo. Kaya ka pala hindi ka pinansin noon ni crush dahil nag papacute ka sa kanya at nag papout ka pag magtatanong siya, natakot siguro yun." Promise ang epic ng mukha niya kung makikita niyo lang. Yung pag pout niya eh hindi pacute, kundi nakakatacute. Mukha siyang papatay ng tao na tatae na hindi mo maintindihan XD

"Ah ganun! Sige hindi na kita sasamahan pa, pagmaag i-stalk ka sa crush mo! Magsama kayo ! Hmmp"

Hala nagtampo si ate. Maasar nga !

"Kahit hindi mo na sabihin talagang magsasama kami ♪sa pagdating ng panahon, diba ikaw din at ako ohh. Pagtumitibog ang puso ko'y maging tibok ng puso m---- ARAYY!"

Ang sakit ah. Batukan ba naman daw ako T.T

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na wag na wag kang kakanta sa harap ng maraming tao? Hindi na nga maganda yang boses mo wala ka pa sa tono? Kawawa rin yun lyrics ng kantang kakantahin mo. Paano nalang kung natuloy tayong sumali sa Singing Bee? Edi una palang, talo at pinagbabato na tayo?!"

Natawa nalang kami sa mga sarili namin, dahil para kaming mga sira at isip batang mag kakatampuhan pero sa bandang huli ay magkakabati rin. May mga bagay na akala mo mas nakaka angat ka pero may mga bagay din na mas nakaka angat sila. Lahat ng tao o bagay sa mundo ay hindi perpekto, maging sa isang relasyon ay walang perfect partners. ( Hindi purket pagsinabing partners ay yung maglovers na. Hindi ba pwedeng partners in crime mo muna?)

Hindi ito magiging matibay at matatag kung hindi niyo mararanasan ang mga ganoong bagay. Kaya mahal na mahal ko 'tong bestfriend ko eh, dahil kahit anumang pagsubok ang dumating sa amin sa bandang huli ay magiging iisa parin :)

#FriendshipGoals nga naman! :)

Si Crush Kasi ! (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon