Chappy 1: Have we met before?

95 6 4
                                    

Chapter 1: Have we met before?

I picked up a pebble from the ground. Tinignan ko ito then saka ko binato sa ilog ng patagilid. Natuwa naman ako ng malayo ang narating ng bato. Pero nakakadismaya dahil hindi siya nakaabot sa kabila. Lagi naman eh... bumuntong-hininga ako at umupo sa malaking bato na di kalayuan lamang. Pinagmasdan ko yung kulay asul na tubig ng ilog at ang asul na langit mula sa taas. Hindi ko mapigilang mapangiti. Nakakarelax dito, lalong lalo na't ramdam na ramdam ang hangin sa part na to.

Kumuha ulit ako ng isang bato at patagilid ko ulit itong binato sa tubig. Nagskip yung stone ng ilang beses bago tuluyang lumubog sa ilog. Lagi ko itong ginagawa tuwing pumupunta ako dito. Itong ilog na to ang humahati sa dalawang parte ng kagubatan. Ang East at ang West. Samantalang nagmumula ang tubig sa South, at dumadaloy papuntang North.

Pumulot nanaman ulit ako ng bato. This time, mas maliit at mas flat ang hugis at laki nito. Nagfocus muna ako saglit. I focused my strength on my right arm for a moment then nirelease ko ulit yung bato sa ilog ng patagilid. Natuwa ako ng nagskip ang bato ng isang beses sa tubig at naglanding na ito sa kabilang gubat.

"Ouch!" Hala, may natamaan ata ako! Nagulat naman ako ng may nahulog doon sa punong pinaglandingan ng bato. Napakagat ako ng labi... Ansakit siguro nun. Natamaan na nga ng bato, nahulog pa sa puno. At pagkaminamalas ka nga naman, bumagsak pa siya mabatong lupa.

"Are you okay?" Medyo malakas kong sabi para marinig niya ako. Nasa kabilang side kasi siya ng ilog.

"Uhhh..." He groaned in pain at nakahiga lang siya sa lupa na parang star fish. Hindi na siya nagpakapagod bumangon at nanatiling nakahiga at nakatingin sa langit.

"Umm... I'll take that as a no." Sabi ko. Gusto ko siyang lapitan at tulungan dahil nga, siyempre, kasalanan ko to. Naglakad ako papunta sa Southern Bridge na di kalayuan lang at tinawid ko ito. Then mabilis ko siyang nilapitan.

Sinilip ko ang kanyang mukha. "Hey?" I said to him with uncertainty. Tinignan niya lang ako saglit bago niya isara ang kanyang mga mata. Hala... hinimatay kaya siya? O baka naman nalagutan na to ng hininga? Lumuhod ako at inilapit ang tenga ko sa kanyang dibdib. Hmm... tumitibok naman yung puso niya. Buhay pa siya.

"Have we met before?" Inangat ko agad ang ulo ko ng bigla siyang magsalita. Englishero pala to. I sighed... nag-alala ako para sa wala. Mukha naman pala siyang okay.

"I don't think so."

"Really?" He opened his eyes and looked at me. "You look so familiar..." Kumunot naman ang noo ko dahil doon. Eh hindi ko siya kilala eh. Sorry siya, I don't forget a face when I see one. Hindi man halata, matalas ang memorya ko.

Umupo siya mula sa pagkakahiga kaya umipod ako ng konti. At dahil doon saka ko lang napagmasdan ng maigi ang kanyang mukha. Teka... parang pamilyar nga tong lalaking to sa akin. Pinasadahan niya ng tigin yung buhok ko. "Your hair is white." I know... I get that a lot from people. Same reaction lagi sa kulay puti kong buhok.

Tumayo naman ako at pinagpagan ang sarili ko. Pero di nga... mukha talaga siyang pamilyar sa akin eh. San ko ba to nakita? Tumayo na rin siya at hindi ko maiwasang tumingala dahil matangkad pala siya. Pinagpagan niya din ang sarili niya. Abah, at mukha ngang hindi siya nasaktan mula sa pagkakahulog. Wala manlang nabali sa kanya.

Hmm, sabagay felines always lands on their feet.

"Yeah... anyway, sorry. Natamaan ka kasi nung tinapon kong bato." Pagpapaumanhin ko sa kanya. Kumunot naman ang noo niya. Ay oonga pala englishero nga pala tong lalaking to. Magsasalita na sana ulit ako kaso inunahan niya na ako.

"Bato? Bakit ka naghahagis ng bato?" Aba, marunong pala tong magtagalog! Akala ko pa mandin English only ang alam niya.

"Wala lang. I just like it when stones skip on water." Tumango siya sa akin dahil sa sinabi ko. Tumalikod naman siya at pinulot ang mga gamit niyang nalaglag. Saka ko lang napansin na mahaba pala ang buhok niya. Hanggang likod ito and may tali sa dulo nito. Pero ang mas ikinamangha ko ay kulay red ang kanyang buhok.

Elemental Tribes (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon