Chapter 7: Cioto

41 1 0
                                    


Chapter 7: Cioto


"Chichi, what happened to your hair!!?" I exclaimed at her. Tumawa siya sa bigla kong pag outburst. Paano naman hindi ako magugulat! Nung bata pa kami, napakahaba ng buhok niya! It was so shiny and perfect! But now, hindi na pantay pantay ang buhok niya, nagmukha talaga siyang wild! And not to mention her hair was dark brown back then!

"When did you hair start to become orange??"

"When I turned 7 years old." She answered. "Hindi ko nga alam kung anong nangyayari nun eh. But I had an idea that I was experiencing what you were going through." She continued.

I see. Nung nakilala ko sila Chichi, kulay gray ang buhok ko nun. Kakasimula pa lang ng pagbabago sa buhok ko nung mga panahong iyon. Originally kulay velvet black ang hair ko. Sobrang curious sila sa buhok ko nun kaya laging pinaglalaruan ni Chee yung buhok ko. Habang yung dalawang lalaki naman ay nagtatanong kung ano ba ang pakiramdam ng naiiba.

"I see..." I managed to say. "What do you think happened to Asly and Wego?" I continued asking. Napaisip naman siya sa sinabi ko.

"As far as I know, wala pa akong nababalitaan tungkol sa kanila."

"Hmm... I guess so. Hindi ko nga alam na may mga ibang tao pala na nag-iba ang kulay ng buhok maliban sa akin." I said. "Have other tribes seen you before?" Napahawak siya sa chin niya.

"Hmm... no. Mga Leticels lang. As per North, West and South, wala pang nakakakita sa akin. Maliban sayo." This just proves my suspicions. Somehow, hindi kami pinag-uusapan sa ibang lugar. Siguro hindi din alam ng West at North na may natulad sa akin.

"No wonder... Siguro code ng mga kingdom na wag tayong pag-usapan sa labas ng sarili nating kaharian."

"Grabe, you came up with that conclusion so fast. Paano mo malalaman kung tama nga ang naisip mo?" She asked me. I shrugged at her.

"I don't know. Nalalaman ko lang, depende sa naiisip ko. Atsaka, it's not like proven ang mga sinabi ko, it's still just a hunch."

"Weird."

Sinamaan ko siya ng tingin. "I'm not weird. That's just how I think, okay?"

"Peace! Hindi kasi ako kasing talino mo no." Umiwas ako ng tingin sa kanya at nagcross-arms. Isa siyang Royal. It's her duty to study!

"Excuses... excuses."

"Honest! I wasn't ditching my duties as a royal. I know as much as you do, but I'm not as smart as you, I can feel it." I gave her a bored look. Kung ganito ang paraan niya para bolahin ako, hindi ako naniniwala. I've had enough people saying weird things about me.

"Anyways... what kind of Royal are you?" I asked her, changing the topic. Hindi ko pa alam kung ano ang relasyon niya sa Royal Family ng Kingdom nila. Hindi niya rin sinabi noong una kaming nagkakilala 12 years ago. So I might as well ask.

"I'm the daughter." I looked at her astonished.

"Ooooh... so you're a princess." Magkapareho pala kami. Kung isa siyang prinsesa, ibig sabihin nun na ang mga naging kaibigan ko pala dati ay pawang mga anak ng Hari't Reyna. Hindi ko lubos maisip na magkaibigan pala ang Daddy at Mommy ko sa Royal Family ng ibang tribo.

"I also have a feeling na mga anak din ng King and Queen si Asly at Wego." She said to me. Kahit papaano, mas lalo akong naging sigurado sa naiisip ko. Hindi lang pala ako ang nag-iisang nakaisip nun. "Anyways, Zee, natutuwa ako na hindi ka na malungkot. Pero wag mo sanang ikasasama ang tanong ko. Ano na ang gagawin mo ngayon? You know... impossibleng wala kang gagawin."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 26, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Elemental Tribes (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon