CHAPTER 19

6 0 0
                                    

"Ganda ng ring mo, bago ba 'yan?"

Kakatapos ko lang magtrabaho at pumasok na ako sa office ko. Nasa Vrecks resto pa rin ako nagstastay bilang manager. Pagkatapos ng construction ng magiging business place ko, doon pa ako magplaplano na mag resign.

Bumaba ang tingin ko papunta sa aking daliri. Bumaba ang kilay ko. Until now, hindi ko pa rin magawang tanggalin ang promise ring na binigay ni Cholo sa akin. Yes, it was his promise ring. Ngunit ang engagement ring na bigay niya, isn't with me anymore.. I kept it in a box before, pero hindi ko na alam kung saan ko na nalugar iyon ngayon.

"I just want to know. Palagi mo kasing suot suot 'yan." ani Krizzy habang kumakain ng chichirya..

Hindi agad ako nakasagot. Nakaupo lang siya sa harapan ng table ko. I don't know. Pakiramdam ko ay hubo't hubat ako kapag hindi ko ito suot suot.

"Binili ko lang to sa mall." pagsisinungaling ko. Dahil alam ko na kapag sasabihin kong galing sa bigay to Cholo.. I'm sure na mag iiba ang reaksyon niya.

"Familiar yang ganyang singsing sakin. Usually nakikita ko ang ganyang klaseng singsing sa isang expensive shop online with worth six hundred thousand pesos at kahit anong kuskos mo diyan hindi talaga magfafade yung kulay niya. Original gold ata yang binili mo. And it looks like a promise ring.. Kung icocompare mo sa price ng engagement ring or wedding ring, mas less pa siya sa 600k." tinitingnan niya pa ng maigi ang singsing sa daliri ko.

Mukha pa siyang nagdududa ng dahil sa nalaman niyang presyo nito at isa itong promise ring. It looks like, hindi siya naniniwala that i bought this for myself! Hindi na ako makakapag isip pa ng ibang palusot!

At namangha ako sa presyo.. Worth 600k?? Seriously??

Alam kong madaming alam si Krizzy pagdating sa mga mamahaling accesories. And he knows the prices of it. Kaya hindi na ako magtataka na pamilyar siya sa mga ganto.

Pag uwi ko ng bahay ay agad akong naghalf bath. After that nag skincare at apply ng lotion sa aking buong katawan.

I stopped my massaging my leg. Nadapo ng mga tingin ko ang singsing sa aking daliri. Noon ko pa ito balak na tanggalin. Hindi ko nararamdaman sa kamay ko na suot suot ko pala at pakiramdam ko ay wala akong singsing sa daliri ko kaya hanggang ngayon ay hindi ko pa rin natatanggal.

"Hanggang suot suot mo ito, ibig sabihin ay mahal mo pa rin ako. Kung tatanggalin mo man yung mga singsing na isinuot ko sayo, ayokong gawin mo iyon. Promise me, ikaw yung gusto kong makasama hanggang sa mamatay ako, Lorine. I'm willing to take a risk only for you to be just mine. I love you, and that's everyday."

Kumirot muli ang dibdib ko. Pumikit ako at pilit na pinipigilan ang emosyon. I bit my lower lip at huminga ng malalim. Tinitigan ko ang singsing sa daliri ko.

"How dare you..." kalmado ko lang na sabi ngunit may ng inis ang timpla ng boses ko. "this ring is not a promise ring..."

Sinusubukan kong tanggalin iyon sa daliri ko. Pero labis kong gulat na hindi ko na magawang matanggal. Ipit na ipit na itong nakakapit kaya nahihirapan na akong ihiwalay. Hanggang sa sumakit na ang balat ko at namumula na rin.

"Bakit ba ayaw mong matanggal!"

I got pissed! He already leave me kaya ano pang rason para manatili ang pagmamahal ko sa kanya!

Kahit anong gawin kong lagyan ng oil at hugasan ang kamay ko hindi ko pa rin magawa. Tumataba na siguro yung daliri ko kaya hindi ko na matanggal!

Nawalan na ako ng pasensya. It's still shiny! Totoo ata ang sinabi ni Krizzy na totoong gold 'to! Now ano ng gagawin ko para matanggal 'to... Ayoko ng titigan pa to araw araw.. Paulit ulit lang bumabalik ang nakadikit na memorya sa singsing na ito..

Love Wins Than Hatred (COMPLETED)Where stories live. Discover now