Chapter 5

1 0 0
                                    

Vee

10 years ago...

Ilang araw nang nandito si Leo. Ganoon pa rin naman ang routine namin. Lalabas sa umaga para maglaro, uuwi ng tanghali para kumain at maglalaro ulit sa hapon. Kadalasan, inaabot na kami ng ala-sais sa labas. Fortunately, Sab agreed to play hide and seek. Wala s'yang topak simula nung umuwi si Leo. Baka binilan ng mommy n'ya ng bagong laruan kaya good mood.

I sighed, sana lagi nalang s'yang may bagong toy para hindi n'ya ko laging inaaway. Saming lahat ako kasi ang pinakapaborito n'yang sungitan eh.

" What's with the deep sigh? Pagod ka na ba, dimpy?" Leo sat next to me as he handed me a white towel. Nginitian ko lang s'ya at umiling. Hindi naman ako pagod, masaya nga ako eh. Kumpleto kami, tapos lagi pa kaming tumatawa. This moment is perfect. If only I am able to freeze the moment, I will.

Siguro iniisip n'yo, six palang ako pero ang lalim ko na magsalita. Hindi naman talaga, natututunan ko lang 'to kay Tita Mommy. Sabi n'ya kasi, always treasure what I have raw. So I won't have any regrets in the future. Kaya sa bawat oras na kasama ko ang mga kaibigan ko, I always make sure na we're all happy.

'Kahit na minsan lagi akong tinotopakan ni Sab.'

"Bukas na birthday mo, Dimpy. What do you want?" Leo asked while wiping his sweat. Hmm, ano nga bang gusto ko? Marami naman akong damit, hobby kasi ni Tita Mommy na bilan ako ng damit kada napupunta s'ya sa bayan. Yung mga super twins na damit? Favorite ko 'yun!

Hindi naman ako mahilig sa laruan. Siguro kung may gusto ako, painting materials lang. Gusto ko kasi matuto magpaint. Hindi ko naman gustong magpabili kay Tita Mommy. Malaki na kaya yung nagagastos n'ya sa tuiton ko. Leisure are not my priorities today hehe.

" Wala naman, nandito na kayo nila Liv eh. Masaya na 'ko don." napangiti naman si Leo dahil sa naging sagot ko kaya napangiti na rin ako. I really love to see people smile. Para 'kong nasa rainbow kapag puro nakangiti yung nakikita ko eh. Wala lang hihi.

" Hmm, I'll just get whatever I think you might like." Leo uttered and stood up. Ipinagpag nito ang pangibaba n'ya na bahagyang namuti dahil nakaupo kami sa gilid ng gate nila Liv. He extended his hand towards me, as if asking me to grab it. Kaya kinuha ko ito upang makatayo. Ipinagpag ko rin ang likod na bahagi ng dress ko.

Not so long ago when I heard Tita Mommy calling me while shouting that the dinners ready. Nagpaalam na kami sa isa't isa. Ipinaalala ko rin sa kanila yung celebration ng birthday ko bukas. 3pm 'yon eh, sa ice cream parlor ni Tita Mommy ang venue. Hindi naman engrande, simpleng birthday party lang na may kantahan at magic magic.

Hindi ko naman kasi talaga gusto 'yong ganon. Si Tita Mommy lang ang nagpilit, seventh birthday ko raw kasi saka minsan lang naman daw.

Tomorrow came too fast. I woke up with the voices of people singing happy birthday. Tumayo ako at hinipan ang candle ng cake na hawak hawak ni Tita Mommy. Inilibot ko ang mga mata ko upang silipin kung sino sino ang nandito. Nandito pala sila Lola Konsi pati si Tita Max, mommy ni Leo. Nandito din si Tita Venice, mommy naman ni Liv. Ofcourse nandito ang mga bestfriends ko, sila Liv, Sab, Ven, Sky, and Leo.

" What did you wish?" Leo asked as he handed me his gift. It was a box wrapped with a cute customized wrapper. Tapos yung design is yung face ko na nakangiti haha. This is too cute!

" I wished for my Tita Mommy's good health. Saka winish ko din na sana our friendship will stay strong forever." I answered while smiling. Inabot ko naman yung regalong ibinibigay n'ya. Inilapag ko lang muna 'to sa ibabaw ng kama ko. Mamaya ko na bubuksan hehe, kahit super excited na ko.

Sabay na kaming bumaba ni Leo. Nagkwentuhan lang kami kasama ang mga parents namin. Hindi kasi madalas si Tita Aria dito, kaya kapag nagkakaroon ng pagkakataon na nakakapagtagal siya dito. Laging dito sa bahay ang venue ng kwentuhan nila.

After about an hour, dumating na 'yung magaayos sa'kin kaya umuwi na rin muna sila Liv para mag-ayos.

It took me about two hours before the make up artist finished the look. Nakasuot ako ng Merida themed outfit. Favorite disney character ko kasi 'yon. She's just brave and intelligent, and I aspire to be like her and Tita Mommy. They're my role models.

Ilang minuto lang ay pumunta na kami sa Ice cream parlor na pagmamay-ari ni Tita Mommy na hindi naman kalayuan sa bahay namin. Closed s'ya for today, kaya wala masyadong tao at kami kami lang ang nandito.

" Happy Birthday to you~

Happy Birthday, Happy Birthday~

Happy Birthday to you~"

Hinipan ko na ang cake ko na nakapatong sa isang mesa sa harap. After I blow it, I plastered a wide smile. Hindi naman talaga happy para sa'kin ang araw na 'to. I just don't want to show Tita Mommy na nalulungkot ako, kasi siguradong masasaktan s'ya. And hurting her is the least thing that I'll do.

How could this day be happy if today is also the day I lose my parents? Hindi naman ako nakukulangan sa pagmamahal na ibinibigay ni Tita Mommy sa'kin. Pero minsan, hindi ko rin maiwasan isipin kung ano bang pakiramdam na may magulang. Mas masaya ba ko kung nandito sila? I think so.

Pakiramdam ko kasi, kasalanan ko kung bakit sila nawala. Kung hindi ako dumating sa buhay nila, baka sakaling buhay pa rin sila hanggang ngayon.

Hindi ko ipinahalata na nalulungkot ako, instead I smiled once again before I sit down in the designated chair that they created for me.

Napatingin ako sa pintuan ng Ice cream parlor nang tumunog ito, tanda na may pumasok. Tita Mommy immediately stood up and walk towards the guy that enter the shop. She greet him with a kiss on the cheek which made me wonder.

" Vee, anak. This is my fiance, he'll be your Tito Daddy from now on."

After the party, Tita Mommy introduced me to her fiance daw. I smiled at the guy. Naglakas s'ya palapit sa'kin saka lumuhod para mapantayan ako.

" Hi, Vee. I'll be your Tito Daddy from now one. I promise, I'll take care of you and you're Tita Mommy."

He uttered while smiling at me, so I smiled back.

This is the perfect gift. At last, I'll finally have a complete family.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 06, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The 13th StreetWhere stories live. Discover now