Inayos ko ang mga mga gamit ko bago lumabas ng room. Maaga kaming nakalabas dahil mas nauna kaming mag-asssemble nung SU sa comlab. Sinugurado ko na kumpleto yung set ng screwdrivers.
Pagkalabas ko dumiretso ako sa locker's area, medyo malayo-layo ito sa room na kinaroroonan ko kaya binilisan ko na. 4:41pm na kase at may shift pa ako mamayang 6pm. Malayo pa ang lakaran palabas ng school maging ang byahe ko.
"Pre wait!" napalingon ako sa tumawag sa akin. Inayos ko rin ang nakasukbit kong bag.
"Oh?" pagkalapit niya sa akin, ngumiti ito at tumalon sa akin.
"Hintayin mo ako. Sabay tayo." sinamaan ko siya ng tingin. Eh iba naman ang way namin parehas.
"Hindi mo kasabay sila Brian at Yush?" tanong ko.
"Hindi eh. May practice ng basket si Yush tapos si Bry naman may practice sa choir. Diba may event tayo next week?" naalala ko, may Women's month nga pala. Hindi na lang ako papasok kung wala naman kaming klase.
Nagsimula na akong maglakad ng mabilis.
"Akala ko ba uuwi na tayo? Pa-locker room to ah?"
"May kukunin ako." tinanguan niya lang ako. Nakarating na kami sa locker's area at kinuha na ang pakay ko. Kinuha ko ang isa kong book sa electronics, yun ang aaralin ko mamaya sa shift ko.
"May pasok ka nga pala no? Sipag naman." sinarado ko ang locker ko at hindi kalayuan ay naroon si Psalm. Inilabas niya sa locker niya yung ukelele niya.
"Tara." hindi ko na siya inantay pa at nagsimula nang maglakad.
"Sungit mo naman pre." kahit na ganito ang pakikitungo ko sa kaniya ay nakasunod pa rin siya. Habang naglalakad ay tumutugtog siya.
Akala ko ay acoustic guitar lang ang kaya niyang tugtugin. Panay lang din ang pagsasalita niya kahit na hindi ako tumutugon.
"Kumusta pala partner mo sa disassembly/assembly sa hardware? Swerte ko, si Pia kapartner ko." tiningnan ko lang siya na parang nanunuya.
"Yan na naman sa bombastic side eye. Ganiyan din tingin nila Bry at Yushi sakin kanina. Pero sa totoo lang, swerte talaga ako kase may idea na yung partner ko sa gagawin namin." habang naglalakad ay napaisip din ako.
"Si Cean nabunot ko." matapos marinig ang pangalan na sinabi ko, napatigil siya sa paglalakad at pag-iistrum.
"Shemay pre, good luck na lang." tinap niya ang balikat ko. Nasa gate na kami kaya nagpaalam na siya sa akin. Bago naghanap ng sasakyan at dumiretso ako sa malapit na convenience store para bumili ng vitamilk. Dala-dala ko sa jeep ang vitamilk at doon ininom. Ito na kase ang magiging gabihan ko.
Inabot ako ng ilang traffic at muntik-muntikan pa akong malate.
"Ey, 5:58. Magpalit kana, andami nang estudyante." tinawanan lang ako ni Xander bago siya bumalik sa pwesto niya katabi ang kasama niya sa shift na ito. Sila ni Robby ang afternoon shift, parehas silang estudyante tulad ko.
Pagkatapos ko magpalit ay saktong pagpasok ni Nat. Humahangos ito at saktong 6pm nang masilip ko ang relos ni Xander.
"Palit na, may pasok pa ako!" sigaw ni Rob habang nakangiting iniiscan ang pinamimili ng mga estudyanteng nakapila.
"Ako na nga diyan." saad ko pagkatapos maiscan ni Xander ang pinamili ng isang customer.
"Aba naman, ikaw na talaga. Uuwi na ako eh." tumatawa itong umalis at dumiretso sa employee's room. Para kunin siguro ang bag niya.
Pinalitan na rin ni Nat si Rob at naging busy kami until 7:40. Uwian kase ng mga estudyante. Tinutulungan na nga kami ni Kuya Den na security guard nitong convenience store. Sa gabi lang siya nagbabantay dito dahil nga 24 hours na bukas.
BINABASA MO ANG
LIFEBLOOD
Teen FictionAyan na naman siya. Napabaling ang tingin ko sa relos ng kasama ko sa trabaho. Saktong 8pm ulit siya pumasok at dumiretso sa commercial coolers. Tulad ng palagi niyang kinukuha, hawak na niya ang dalawang bote ng kape at umikot sa retail shelves. I...