Chapter 28

56 1 1
                                    

Enjoy reading!

💗

- - - - - - - - - - - - -

Hinatid ako nina Jamillah at Greyzel sa Mansion, all the memories that I have came back and I emotionally reminiscing everything...

"Ma'am Scarlet?!" Halata sa boses ni Mang Bogus ang gulat nang masilayan niya ako..

"Kumusta po kayo Mang Bogus?" Tanong ko,

"Nako Ma'am ayos na ayos lang po. Biglaan po ata ang pag uwi niyo wala pong nasabi sa amin si Mr. Richmond." Aniya,

"Surpresa po Mang Bogus." Saad ko, "Andyan po ba sina Dad at Cecilia ?"

"Ay opo, nasa hardin po sila at kumakain ng meryenda. Ako na po pala ang mag papasok ng mga bagahe niyo Ma'am."

Tumango naman ako sa alok ni Mang Bogus, nag simula na ako mag lakad papasok sa main door. Pagkapasok ko boses na agad ni Cecilia ang umaalingawngaw sa buong Mansion...

"Do you have an update about your Ate Scarlet?"

Napahinto ako nang marinig ko 'yon.

"Wala po dad, that's kind of odd nga ih." Sambit ni Cecilia, "Hindi kaya may nangyari kay Ate Scarlet."

Agad naman akong napabusangot sa sinabi ng kapatid ko..

Grabe pinahamak pa ako, sa assumption niya.. Kahit kailan talaga 'to.

"Don't say that, Cecilia."

Tahimik akong naglakad papunta sa pwesto nila, when I did. Sumandal lang ako door frame at pumamewang..

"Oo nga buong buo pa kaya ako 'no." I said,

"Oh andito pala si ate ih." Saad ni Cecilia na tila wala sa sarili at tinuro pa ako..

I let out a small laugh, "I'm home dork."

Her both eyes went wide at agad na tumayo mula sa pagkakaupo.

"Ateeeeeee!" Ipit tili niyang sigaw at agad akong hinagkan... "I miss you... I miss you.." Paulit-ulit niyang bigkas..

Taimtim kong hinagkan si Cecilia at hinaplos haplos ang likod niya..

"I miss you, Gail." I softly said..

Agad siya kumawala sa bisig ko at nginusuan ako.. "Dahil miss kita, today is an exception."

I saw dad stand up from his seat and spread his arms for me.. "Welcome home sweetheart." Nakangiting bati sa akin ni dad..

"Dad." I cried and immediately went to his arms..

I buried myself in his embrace,

"Happy to see you again, dad." I said,

"Me too, sweetheart." He said back..

"Pasali naman ako." Sabay naman kaming natawa ni dad sa komento ni Cecilia..

"Come here."

[ON HOLD] Dear Miss Montevelda (MST #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon