Enjoy reading!
💗
- - - - - - - - - - - - -
"What?!"
Napatakip ako ng tainga sa pag sigaw ni Jamillah,
"Oo nga kakasabi ko lang diba, nag asawa ka lang nabingi kana." Saad ko,
"Mag kasama kayo ni Logan sa iisang project," Aniya habang inaabot sa akin ang plate na may sandwich,
Nandito kasi ako sa bahay nila ni Hayden ngayon, niyaya ako mag agahan bago pumuntang opisina...
"Sa kasamaang palad," I commented and took a bite of the sandwich..
"Pinaglalapit lang ng tadhana?" Pang aasar ni Jamillah,
Kumuha ako ng table napkin, sabay punas sa bibig ko..
"Matchmaker lang?"
She let out a small laugh, "Nako Scarlet huwag nga ako.. Baliktarin man natin ang mundo nang paulit-ulit, alam nating dalawa na siya pa rin ang mahal mo." Paliwanag niya,
"Shut up." I said,
Lalo lumakas ang tawa niya, "Sige ikait mo pa."
"Mahal, inaasar mo na naman ba si Scarlet?"
Napatingin kami ni Jamillah kay Hayden, na kakarating lang at may dalang cup of coffees...
"Hayden asawa mo itago mo na ah." Reklamo ko,
Siya naman natatawang umupo sa tabi ni Jamillah,
"Sarap pakinggan na tawaging asawa mo,"
Gumusot ang mukha ko, nang masaksihan kong mag pabebe ang bestfriend ko sa asawa niya...
Instead na masira mata ko sa nakikita ko, kumuha na lang ako ng newspaper.... I was peacefully reading every page when something caught my attention...
"Dating?" Bulong ko,
Julia Alcantara is rumored to be dating the CEO, Logan Earl Young.
I immediately closed the newspaper and stood up from my seat,
"Scarlet?" Tawag sa akin ni Hayden, "You okay? Coffee ka muna."
I smiled lightly, "Next time.. Papasok na ako sa office, marami pa akong work." Kinuha ko na ang handbag ko, "Bye guys!"
Matapos ko mag paalam lumakad na agad ako palayo, ngunit si Jamillah humirit pa..
"Drive safely baka tumirik na naman ang sasakyan mo."
I look back, "No, my car is fine already."
"Kaya naman kasi bumili ng bago ih." She added,
I waved at her, "Bye!"
I made it to the office at the right time, I was walking in the parking lot. When suddenly I received a notification,
Agad ko binuksan ang phone ko at binasa ang notification,
Emilia's 5th Birthday
"My baby," I whispered...
"Good morning, Ms. Sungit."
Napaangat ako nang tingin,
"Hindi na good ang morning, kasi nakita na kita." Pagmamaldita ko, sabay tago ng phone ko...
"Sungit talaga." He commented,
BINABASA MO ANG
[ON HOLD] Dear Miss Montevelda (MST #1)
RomanceMontevelda Sisters Trilogy Book #1 Scarlet Eve is a desirable model that has her own principle in life "fool around but don't fall in love." But she doesn't expect to find a deep attraction that turns into a connection, towards a mysterious man name...