"Hi beh, 'di ko alam kung saan ako papasok. Nakalagay kasi sa receipt nung nagpaenroll ako is Orchids daw ang section ko, pero hanggang ngayon wala ako sa groupchat nila." saad ko kay Kai, dati kong kaklase at kaibigan."Hi, Orchids section k-"
"Guys, si Ginang nandito na!" saad ni Benj kila Kai. Tumakbo si Kai at naiwan akong nakatulala sa corridor. Nakikita ko na lahat ng estudyante ay pumapasok na sa kanya-kanya nilang room, kaya nilakasan ko na ang loob ko na magtanong sa adviser ng Orchids kung kasali ba ako sa section niya.
"Magandang umaga po, Ginang! Kasali po ba ako sa mga estudyante ng Orchids? Nakalagay po kasi sa resibo Grade 10- Orchids." pagtatanong ko.
"Hello anak, ahm ano pangalan mo?" Tanong ng Ginang.
"Callista Jae Gomez po" pagpapakilala ko.
"Walang Callista Jae Gomez ang nakalista sa papel, anak. Mabuti pa, magtanong ka sa bawat room kung naroon ang iyong pangalan. Unahin mo sa room ng Gumamela."
"Sige po, salamat po!" pumunta ako ng Gumamela dahil nandito ang mga dati kong kaklase at alam kong dito ako mapupunta kung hindi man ako nakalagay sa Orchids, tumabi ako kay Fritz dahil siya ang pinakaclose ko at napag-usapan rin namin na tabi tabi kami incase na magkakaklase kami kasama sila Ernie at Gino. "Good morning sir, it's nice to see you!" Pagbati namin kay Sir Jules pagpasok niya ng room. Pumunta ako kay Sir Jules upang malaman kung kasali ba ako sa mga estudyante dito. Sobrang saya ko nang makita ko ang pangalan ko sa listahan. "Alam mo Callista, masaya ako na dito ka sa Gumamela napunta, dahil hindi ko alam kung sinong ilalagay ko na pangulo ng klase kung nalipat ka ng section" saad ni Sir Jules dahil bago pa man ang unang araw, nagchat na siya sa akin upang gumawa ng group chat kasama ang mga kaklase ko dati. Dumating na rin sila Gio at Ernie at tulag ng napag-usapan, magkakatabi kami.
"Good morning class, so it's the first day of school so expect niyo na na you will be introducing yourselves here sa harap."
Nagsimula na ang introduce yourself sa harapan.
"Good morning everyone, I am Callista Jae Gomez, 15 years old." pagpapakilala ko. Kilala ko na ang karamihan dito dahil kami kami rin ang magkakaklase noong grade 9, may mga hindi pamilyar na mukha dahil sila ay transferee. May isa akong hinahanap na lalaki at sa tingin ko ay 'di siya papasok sa unang araw ng klase.
"May isa tayong absent si Mr. De Guzman due to health reasons. So, baka next week pa siya makapasok"
Dumating ang recess time at nilapitan namin ni Fritz ang mga transferee upang magpakilala at makausap sila. May isa akong hindi nagugustuhan dahil medyo mataray siya tumingin sa amin at isa pa, hindi niya kami pinapansin. Nakita ko sila Eula, Shane at Aena, nagsulat ako nang makita ko si Aena dahil hindi ko siya napansin pagpasok ko, kaya nag hi nalang ako. Sila Eula at Shane naman dati kong kaibigan, ngunit umiiwas ako sakanila dahil sa mga pangyayari noong nakaraang face to face.
Natapos ang klase na halos nag introduce yourself lang. Lumipas ang ilang linggo, pumasok na si Rylley at hindi ko maiwasan na hindi maalala ang mga naganap noong kami ay nasa grade 7.
To be honest, mahirap kalimutan dahil hindi naging maayos ang huli naming pag uusap, at pagkatapos ng aming huling pag uusap ay wala na.
Masasabi kong masakit na makita siyang nasa iba, ngunit ano pa ba magagawa ko? Tsaka isa pa, masaya na kami sa kanya kanya naming buhay, kaya ano pa ba ang dahilan para masaktan ako?
Mahirap siya kalimutan oo, pero that doesn't mean na dahil sakanya ay hindi ako makakakilala ng ibang lalake sa buhay ko, masaya na rin naman siya so it's time for me to move on.
He was the first man to show that I was worthy. He was the first man I trusted. He was the first man who made me boost my self-confidence. He was the first man who made me the person I am today. The first man to whom i showed my clingy side to, was him. He was also the first man who broke my heart. He was my first in everything.