"Hi Cal! Ano ginagawa mo?"
Nagulat ako nang makita ko ang chat sa akin ni Rylley, dahil hindi naman kami close para magchat siya ng ganto.
"Hi Ry! Nagpapahinga lang, medyo napagod kasi kanina sa school. Naninibago nga ako sa mga ginagawa dahil grade 7 palang tayo at hindi naman ganito sa public." I replied.
"Ahh, papasok ka ba bukas?" reply niya.
"Oo, ayokong nag aabsent baka maraming gawin bukas tapos hindi ko mahabol mga lessons." sagot ko.
Nagtuloy tuloy ang aming pag uusap sa chat at naging close rin kami sa personal. Maituturing ko na siya ay aking best friend dahil siya lang ang lalaking naging close ko ng ganito.
May mga araw pa na sabay kaming kumakain. Lagi kaming magkatabi sa upuan tuwing walang teacher na pumapasok sa room.
"Cal! Crush ka raw ni Ry." sabi sa akin ni Kent.
Hindi ako naniwala sa sinabi niya dahil may trust issues ako at isa pa, bakit naman magugustuhan ni Ry ang isang katulad ko? Gwapo, matalino at alam kong mataas ang standards ni Ry.
Pag-uwi, si Ry agad ang bumungad sa chats ko.
"Cal, gusto kita."
Nagulat ako sa chat niya dahil akala ko nagbibiro lamang si Kent. Hindi ko tinanggap ang confession ni Rylley dahil naniniwala ako na inutusan lamang siya nila Kai na sabihin sa akin ito.
Sila Kai ang mga kaibigan ko ngunit sila rin ang dahilan kung bakit nawala ang pagiging confident ko sa sarili ko. Maraming beses nila ako sinaktan, not physically but emotionally. Marami ang nakakaalam nito, halos buong section namin alam ang napakasamang ugali ni Kai. Marami na siyang nabully at kabilang ako sa mga ito. Naniwala ako at natatakot ako sakanya dahil isang sabi lamang niya sa mga kaklase at kaibigan namin na h'wag akong pansinin ay mangyayari ito.
Simula nung umamin si Rylley ay hindi ko na siya chinat at pinansin, dumating ang Valentine's Day, nabalitaan ko na nagbigay siya ng chocolates sa pinakamatalino sa klase namin. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng selos, gayong hindi ko naman siya gusto. Hindi ko nga ba siya gusto? o hindi ko lang maamin sa sarili ko na unti-unting nabubuo ang feelings ko sakanya?
Kumalat ang pag amin ni Ry sa akin at tinawag akong "paasa" nina Kent dahil pinaasa ko "raw" si Rylley.
Nagkachat ulit kami ni Ry at ramdam ko na hindi na kami tulad ng dati. Updates, good mornings and good evenings, compliments, lahat ‘yon wala na. Lumipas ang ilang araw, nagiging close kami ulit ni Ry, at kasabay nito ang paglalim ng nararamdaman ko para sakanya.
Career day, sabay kaming naglunch ni Ry kasama ng mga friends namin na iba. Hindi kasi ako kinakausap nila Kai at hindi ko alam ano ang dahilan nito. Lagi naman silang ganyan, may mga araw na kakausapin ka nila at may mga araw na hindi. Wala akong ginawa sakanila, pero pinapamukha nilang may ginawa ako na hindi ko alam kung ano ito.
Nang matapos ang career day, masaya ako dahil nakasama ko si Ry sa lunch. Ito ang pinakamasayang araw ko na kasama siya.
Cards out namin at pagkatapos nito, luluwas kami ng La Union.
"Ma'am, ipagpapaalam ko lang po si Callista. Mag aabsent po siya ng ilang araw, pupunta po kasi kami ng La Union dahil namatayan po kami." pagpapaalam ng lola ko.
"Sige po, mrs. Habol nalang po siya sa mga lessons na hindi niya mapapasukan." pagsang-ayon ni Ma'am.
Nakakasama ko pa rin sila Kai kahit hindi maganda ang pakikitungo nila sa akin. Syempre, marupok tayo. Hindi lamang sa pag ibig kundi pati sa mga kaibigan. Nakakatakot kasi na mawala sila dahil sila lang nakakasama ko sa school. Pagtapos ng card's out, kumain kami sa isang restaurant at nagkwentuhan. After 3 hours of chikahan sa restaurant. Bumalik kami ng school at nagpaalam na ako na aalis na kami.
Habang nasa byahe ay kachat ko si Ry at pinapatugtog ang Araw-araw by Ben&Ben. Nang makarating kami sa La Union, in-update ko kaagad si Ry na nakarating na kami upang mabawasan ang pag aalala niya sa byahe.
Si Ry ang nagsasabi sa akin kung ano nangyari sa classroom sa buong araw at kung ano ang mga ginawa nila para alam ko ang mga hindi ko nagawa habang nasa La Union pa. Nagsusulat rin siya ng notes para sa pagdating ko, ipapaliwanag niya nalang ang mga ito. Magmula 2nd quarter, lagi kaming pareho ng average ni Ry.
Dumating ang 4th quarter exam at last day na ng pasukan due to CoVid-19. Sobrang saya naming magkakaklase noong malaman naming walang pasok ng 2 weeks. Ngunit hindi namin alam na hindi na pala kami magkikita ng last day of exam dahil suspended na ang pasok.
Nag uupdate pa rin kami ni Ry sa isa't isa. Lagi kaming nagvivideo calls and chikahan. Not until, nag truth or dare kami. Hindi kami nagkaintindihan sa isang tanong at doon nagsimula ang hindi namin pag uusap. We unfriended and blocked each other. It was a mutual decision. Dahil marupok ako, nagchat ako sakanya using my other account na iunblock ako dahil gusto ko siya makausap.
"Gusto kitang ichat noon, kaso natatakot at nahihiya ako sa ginawa ko" saad niya.
Those words really broke my heart.
After ng chat namin nung araw na yon, wala nang sumunod. Ayaw na namin saktan ang isa't isa. Alam namin na kapag tinuloy pa kung anong meron sa amin, hindi kami mag g-grow at mag s-stay kami kung ano kami.
Ilang araw na simula noong mag umpisa ang lockdown, hindi ako nangulila sakanya. Hindi ko siya hinanap at hindi ko na ulit siya ginulo.
Dumating ang unang araw ng klase ngunit online class lang. Grade 8 na kami, kay bilis ng panahon. Ito na rin ang unang beses na makikita ko ang mukha ni Ry kahit virtual lang. Dito nag umpisa ang sakit. Maraming what if's ang naisip ko.
What if we stayed? What if hindi kami nag truth or dare nung araw na yon? What if pinili naming ayusin? Hanggang ngayon kaya magkausap kami?
Iilan lamang ang mga ito sa mga naisip ko na dapat mangyari kung inayos namin.
Si Lex ang nagcomfort sa akin nung time na nangyari ang mga ‘yon. Siya rin ang dahilan kung bakit inayos ko ang sarili ko. We became bestfriends na walang makakasira. Si Lex din ang nakakaalam ng tungkol sa amin ni Ry, at mga sakit na pinagdaanan ko sa buhay ko. Sa kanya ako nag oopen at umiiyak lagi. Kami ang safe space ng isa't isa.
Naglakas ako ng loob na ichat si Ry at tinry kong ibalik kung anong meron kami, pero siguro ‘di talaga sang ayon ang tadhana. Hindi kami nakapag usap ng maayos kasi hindi na rin kami sanay na magkausap.
After few months, nalaman ko na may nagugustuhan na siyang iba. Wala akong nagawa kung hindi tanggapin nalang. Nagpromise ako sa sarili ko na I will admire him from afar nalang.