Chapter Two

20 0 1
                                    

Months have passed. Finally, bakasyon na. Hindi ko na gusto si Rylley at I'm totally healed and nakapag move on na ako sakanya.

That love was just a puppy love for me. Grade 7 palang naman ‘yun and alam ko na makakakilala pa ako ng mas better kaysa sakanya.

-----------------------------------------------------------

"Calli, tara sa simbahan, maglinis daw tayo" sabi ni Xianaya, leader namin sa usherettes. Mabilis akong pumunta sa simbahan para tumulong sakanila.

Nakita ko ‘yung isang lalake na nagseserve sa kabilang baranggay, kaya nilapitan ko ito.

"Hi Kurt! Kanina pa ba kayo rito? Nagpunta naba sila Tita Bey?" pagtatanong ko.

"‘Uy! kumusta? Kakarating lang halos, papunta palang daw sila sabi ni Kuya" saad niya.

Simula nung araw na ‘yon, naging close kami at nagkachat din kami.

Halos araw-araw rin kaming magkachat at nag uupdate sa isa't isa. Mula sa umaga hanggang sa gabi, magkausap kami.

Marami siyang sinesend na memes at nakakakilig na pictures, kasama ang mga pictures niya. Bumabanat din siya na parang may something sa amin.

May something nga ba? o assumera lang ako?

Dumating sa point na nalaman na ng mga kasama kong nagseserve, at niloloko kami.

Tuwang tuwa siya sa tuwing niloloko kami, at hindi maipinta ang mga ngiti niya sa kanyang mukha.

After ilang weeks ng pag-uusap namin, umamin ako sakanya, yes I confessed dahil hindi ko na kayang itago pa. I assumed that he felt the same way, pero sadyang ganon lang pala siya sa lahat ng tao. Sadyang mabait lang pala talaga siya.

The hell? So lahat ng pagpapakilig na sinabi niya sa akin, sinasabi niya rin sa ibang tao? All this time, akala ko lahat nang ‘yon totoo.

"Sorry, Calli. Hindi ko alam na tinototoo mo na pala. Akala ko walang meaning sa‘yo mga ‘yan." paghingi niya nang pasensya.

"No Kurt, wala kang kasalanan. Kasalanan ko naman, tinotoo ko lahat ng mga banat mo, akala ko eto na ‘yun. Akala ko ikaw na."

"Sorry, Calli"

"Walang magbabago ha? ‘Wag sana magbago tingin mo sa akin 😭" dagdag ko.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa oras na ‘yan, hindi ko alam kung kaya ko ba siyang harapin pagtapos nito.

Bakit ba kasi ako na-attached? Bakit ba kasi ang bilis ko maniwala? Na lahat nang ‘yon, may ibig sabihin, na lahat nang ‘yon totoo. Hays, bakit lagi nalang palpak?

Umiiyak ako nung araw na ‘yon, hindi lang dahil sa pag reject niya sa akin, kung hindi nasira na rin ang friendship na meron kami.

Ang hirap magkagusto sa kaibigan no? Lahat isusugal mo. Mga memories, pagkakaibigan at tiwala na meron sainyo, lahat ‘yun wala na. Hindi ko ba talaga deserve na maranasan ang pagmamahal? Lahat nalang ng taong nagugustuhan ko, hindi binabalik yung nararamdaman ko.

There may be someone out there that I deserve.

Sana, sana sa tamang panahon makilala ko rin siya.

After several weeks, nagkita kami ulit sa parish ngunit hindi na nagpapansinan. Nangyari na ang kinatatakutan ko, ang hindi na siya makausap. Sana masaya siya, dahil masaya ako sa tuwing masaya siya.

-----------------------------------------------------------

"All I want is love that last, is all I want too much to ask?" pagkanta ko habang naglilinis ng kwarto nang biglang may mag notif sa cellphone ko.

"Hi calli! Sorry pala di kita masyadong napansin kahapon, busy kasi ako e. Pasensya na ulit!" Kurt chatted.

"‘Oy! Okay lang yon!" I replied.

*Kuys kurt reacted ❤️ to your message"

Masasabi ko na masaya ako dahil wala na akong nararamdaman sakanya. Siguro na-attached lang talaga ako nang mabilis kaya minadali ko. Sana makahanap siya ng taong mas mamahalin niya.

"All i have is myself at the end of the day"  ang linyang ‘yon ang nagpaiyak sa akin.

Ako ba ang mali? Bakit lahat ng taong minamahal ko, hindi nagiging okay sa akin? Ako nga ata ang mali.

That day, I promised myself na wala munang pag-ibig, mamahalin ko na muna sarili ko. Hindi para sa ibang tao, kundi para sa akin.

-----------------------------------------------------------

"Keep it up, Cal" sabi ni mama pagsend ko ng grades ko sakanya sa 4th quarter. Late ko kasing nakuha card ko.

"Keep it up", ‘yan ang salitang lagi kong naririnig sa tuwing makikita nila grades ko. Wala man lang "proud kami sayo, Cal". Ang hirap pala no? Ang hirap kapag simula bata ka nakakakuha ka na ng matataas na grado kaya parang wala nalang sakanila na with high honor ka.

Sabagay, who am I without my achievements?

Ano ba ako sakanila? Anak nila ako oo, pero ni minsan hindi sila nagbigay ng oras para kamustahin man lang ako. Para itanong man lang kung ayos lang ba ako at kung ano kinahihiligan ko ngayon.

I tried to improve myself, but I failed. Sorry, I didn't become the person you wanted me to be.

Bakit parang ang unfair naman? Bakit parang wala akong kakampi sa lahat ng bagay? Bakit lahat sila tinatalikuran ako?

I was there when they needed me, but no one was there when I needed them.

Hindi ko alam kung saan ako lulugar, kung saan ako dapat lumugar. Ang gulo na, sawa na ako sa ganitong set up.

I was hurt too. What's the point of talking when no one cares?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 11, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Chosen OneWhere stories live. Discover now