Chapter 3

63 6 0
                                    

Adi Pov

"Adi hatid na kita sainyo saan ba bahay mo?"pag pe presinta ni priya sa pag hahatid saakin nauna na yung mga kasama namin at kaming dalawa nalang ang dipa nakakauwi dahil sinamahan ko pa si priya na mag shopping ng mga new clothes nya

"Wag na kaya kona umuwi"sabi ko at nag lakad na

"Dali na please para ikaw una kong maaangkas sa kotse ko"pag mamakaawa nya

"Haystt sige na"sabi ko nag tatalon naman sya sa tuwa

"Yey dali tara na punta na tayo sa school para makuha kotse ko"sabi nito sabahy hila saakin kung nag tataka kayo kung bakit nasa school parin yung kotse nya ay dahil konting lakad lang naman ang mall na pinuntahan namin

Nang tignan ko ang oras sa relo ko ay 6:58pm na

Nang makarating kami sa school ay pumasok na kami sa kotse nya

"Taga saan ka adi?"tanong nito agad konaman sinabi ang address ko pero yung sa condo ko lang

"Sanaol may sariling condo"sabi nya

"Bakit wala kabang condo?"tanong ko rito ng nag tataka dahil mayaman naman sya kilala ang mga lim bilang pang 10 na pinaka mayaman sa asia

"Wala eh ayaw ako bilan nila mommy at daddy gusto nila makasama daw muna nila ako"paliwanag nito

"Only child ka?"tanong ko dito tumango namnan sya

"Wait paano mo nalaman?"tanong nito

"Hula ko lang"sabi ko dinaman na sya nag salita at nag patuloy na sa pag da drive ng ferrari nya

"Andito na tayo"sabi nya at pinarada na ang sasakyan

"Thanks"sabi ko at lumabas na nang sasakyan nya at pumasok na sa building na sinabi kong condo sa totoo lang regalo ito saakin ni Kuya Van nang nag graduate ako nang elementary

Nang makapasok na ako sa loob ay nag siyukuan ang mga staff agad akong dumiretso nang elevator at pinindot ang pinaka mataas na floor

Inip na inip na ako dito sa may elevator dahil sa 30th floor pa ako which is they called penthouse

Kinuha ko nalang ang phone ko at nag scroll muna

*Tingg*

Bumukas na ang elevator at pumasok na ako nang unit ko haystt sa wakas nakauwi rin

Di ko kasi alam kung bat ako pumayag na sumama sa kanila di konaman sila kaibigan bat ba kasi may sinabing libre alam siguro nila na di ako nakakatanggi sa libre haystt

Pumunta nalang ako ng kama ko at nahiga na sa sobrang pagod narin ay nakatulog ako ng hindi nag bibihis

.
.
.

Nagising nalang ako dahil naalimpungatan ako tinignan ko ang oras at 6:30 na kaya bumagon na ako diko to gawain dati yung bumangon para pumasok pero dahil pinilit ako ni kuya van na wag nang mag papa late edi gagawin kona para narin may bago nauli akong kotse

Sabi nya kasi kapag daw di ako nalate nang isang buwan ay bibigyan nya ako ng kotse monthly yan kaya nakaka motivate madadagdagan nanaman kasi ang kotse ko sa parking lot

Pero kung nag tataka kayo kung bakit nag papahatid pa ako kay mang rene kung may sarili naman akong kotse eh dahil grounded ako sa kotse bawal pa ako mag drive nang 2 buwan di ko naman yun masaway dahil si kuya vincent ang nag grounded saakin hindi sa takot ako kay kuya vincent sadyang sisitain nya daw kasi yung mga kotse ko kung susuwayin ko sya kaya di ko na sinusuway tsaka anjan naman si mang rene

Kung nag tataka kayo kung bakit ako na grounded eh dahil naka bangga ako ng isang tindahan di sa di ako marunong mag drive nawalan kasi ako ng preno muntik na nga ako makasagasa ng aso kaya ginilid ko nalang yung manubela kaya lang tindahan yung na bangga ko pero ok nayun kesa yung aso

.
.
.

Natapos kona ang morning routine ko kaya tinawagan ko na si mang rene at lumabas na nang unit ko at pumunta na ng elevator

"Mang rene andito ako sa Musta Verde Condo"sabi ko at pinatay na ang tawag dahil siguradong mag tatanong si mang rene kung bat dito pa ako natulog

Di na din ako babalik muna dito dahil malayo ito sa school at isa pa nakaka buryo kayang nasa elevator kalang ng ilang minuto

Nang mag bukas ang elevator ay agad akong lumabas na dahil nag text na si mang rene na nasa labas na sya

"Oh iha pasok na at ma le late kana 7:20 na"sabi nito kaya dali dali akong pumasok ng sasakyan

"Sya nga pala iha bat jan ka pa sa condo mo natulog pwede namn sa bahay monalang dahil mas malapit yun sa school mo"tanong nito nang nag tataka

"Ahh emergency po kasi mang rene atsaka nilinis konarin"sabi ko at ngumiti tumango naman ito kahit halata sa itsura nya na di naniniwala

"Andito na tayo iha"sabi ni mang rene agad naman akong lumavas at pumasok na sa school nang nag mamadali di narin ako hinarang nang guard dahil kilala naman nya na ako

Nang makarating ako nang tapat nang room ay dali dali ko itong binuksan at salamat walang teacher kaya umupo na ako sa aking lamesa

"Bat ka hingal na hingal? Tsaka bat ka late?"tanong ni priya saakin

"Na late nang gising"sabi ko nalang at umub ob wait late na ako? Pero wala pang teacher ah

"Wait late na ko?"tanong ko dito tumango naman sya

"May nag lilista ba dito kung late tayo?"tanobg ko pa tumango namn sya

"Sino?"tanong ko

"Si Amara"sabi nya naman

"Sino sya asan sya?"tanong ko

"Ayun oh yung naka salamin na malaki"sabi nya sabay turo dun sa may babaeng may salamin na napakalaki at medyo magulo ang buhok

"Thanks"sabi ko at nilapitan yung amara

"Hello"pag bati ko sakanya

"Hii Adi bat ka andito?"tanong nya mukhang mabait namn sya kaya madali lang to mauuto

"Pwede bang paalis ako sa mga late nagyong araw miski nung kahapon"sabi ko nag taka naman sya

"B-bakit?"utal na tanong nya

"May deal kasi kami ng kuya ko kaya pagbigyan mona ako lilibre kita"sabi ko tumango naman sya at binura ang name ko don

"Salamat"sabi ko at hinawakan ang ulo nya at ginulo ang buhok

"Ohh anong ginawa mo dun adi?"tanong naman ni shania

"Ahh wala nakipag negotiate lang"sabi ko at umu ob na ay wait itatanong ko papala kung pano ako naging late kung wala namng teacher

"Pano pala ako naging late kung walang teacher?"tanong ko kay yassie na nasa gilid ko lang

"Ahh kanina pa nakarating dito si Ma'am Mendoza nag karoon lang ng urgent meeting yung mga teachers"paliwanag nito tumango nalang ako at dumiretso na uli sa pag ub-ob


Heart Less Mafia QueenWhere stories live. Discover now