CELINEs' POV
. . .
Lumipas na ang isang buong araw na nandito ako sa loob ng ospital. Hindi ko talaga maalala kung anong nangyari sakin, basta ang naaalala kolang nahilo ako tapos pagtapos nun dumilim na lahat. Nagising nalang ako nandito nako.
Ramdam ko parin ang panghihina ng katawan ko hanggang ngayon, siguro dahil narin sa impact ng pagkakabagsak ko sa lupa nung nahimatay ako. Nakakatayo naman na ako kaso masakit parin nang kaunti pag naglalakad.
"Si Aki? Anong oras uuwi si Aki, Dan?" Tanong ko kay Daniel na nakakabatang kapatid ni Akio; nag aayos siya ng mga gamit namin dito sa ospital. Siya muna ang pinabantay ni Aki sakin habang nasa school siya.
"Mamaya nandito na yun si Kuya, mga 5:30pm siguro." Sagot naman niya. Tumango tango lang ako tsaka inayos yung higa ko sa kama.
"Dan, pwede pakisuyo nung phone ko? Nasa bag ko yun." Sambit ko kay Daniel. Agad naman siyang pumunta sa sofa kung san nakalagay yung bag ko tsaka inabot sakin yung phone ko.
Agad ko namang chinat si Aki para malaman kung anong ginagawa niya, kung nasa school paba siya o nasa coffee shop na. I miss him already, kahit nandito naman siya buong gabi kagabi.
. . .
Nagtatawanan kami ni Daniel dito sa kwarto ko dahil sa asaran nilang dalawa ng Kuya niya sa Twitter, bwisit ang energetic parin nila kala mo mga di puyat.
Pero natigil 'yun nang biglang pumasok si Doc sa loob ng kwarto ko.
"Looks like you're doing fine now, Ms. Benitez." Bungad sakin ni Doc nang nakangiti. Tumango tango naman ako tsaka ngumiti.
"Well good news, bukas na bukas din pwede na kayo umuwi. Mukang okay kana naman. May masakit paba sayo?" Tanong sakin ni Doc.
"Wala naman na po, Doc. Mejo nalang po sa mga binti ko pero tolerable naman po tsaka nakakalakad naman po ako." Sagot ko sa kanya. Finally, makakauwi narin. Ayoko dito sa lugar nato talaga, parang ang bigat sa pakiramdam.
"Good then, sige aasikasuhin kona yung mga papers niyo para makauwi na kayo bukas." Sambit ni Doc tsaka ngumiti. Pagtapos non ay umalis na.
Nagkatitigan kami ni Daniel, parehas naming di matago ang saya.
"You should tell Kuya Aki na, for sure matutuwa yun." Excited na sambit ni Daniel.
Agad kong binuksan ulit yung phone ko tsaka chinat si Akio.
