PROLOGUE

8 2 0
                                    

Aeris.

It was a rainy night, when suddenly a truck was speeding towards us.
Everything went silent, my sight went black.

There was a strange beeping sound, what was that?

When i opened my eyes, i was in a hospital bed.

"Leone, asan si- Ah!" umaray ako sa sakit na nadama ko nang magalaw ko ang braso ko.

"Dahan dahan" bulong ni Leone habang inaayos niya ang kalagayan ng braso ko. "Comatose si Zale, hindi namin alam kung kailan at anong oras siya magigising" mahinahon na sabi niya habang kinukuha ang pagkain sa lamesa, katabi ng higaan ko.

Makalipas ang tatlong buwan, wala pa ring nagbago. Ganoon pa rin ang gawain ko, kinakantahan ko si Zale, kwinekwentuhan ng kung ano ano. Habang wala siya, si Leone ang nandyan para sa akin. Siya na rin ang nagbibigay ng mga pangangailangan ko na dapat ang kapatid niya ang magbibigay.

Mali ba na hanapin ko sa iba ang pagkukulang ni Zale?

"Aeris" pagtawag ni Leone sakin, agad akong tumigil sa ginagawa ko.
"i like you" ngumiti siya, nagulat ako sa sinabi niya.

Sino bang hindi magugulat?

"Leone..alam mong hindi tayo pwede" tinitigan ko siya sa mata, nababasa ko sakaniya na nanghihinayang siya.

"ako nang bahala, please give us a chance" he kissed my forehead before leaving my apartment.

"survive for me Zale" mahinang bulong ko.

Thrill Of The Chase Where stories live. Discover now