CHAPTER 22: "Unknown character"

305 10 0
                                    

3rd POV:

"Master....Ano pong gina--"

"Shut up." Isang malamig at nakakangilabot na asik nito sa butler kaya na payuko ito ng wala sa oras.

"Paumanhin po Master." Nababahalang ani nya.

Matagal na kasing itong na wala mga dalawang taon na siguro ito or higit pa.

"Kamusta ang mga apo ko." Ani nito sa malamig na tuno.

"Ok lang po sila Master na susubaybay ko naman po sila at ang ibang bantay...pero kasi---"

"Direct to the point Butler Bai." Ani ulit nito bago umupo sa sofa.

"Ang apo ninyong babae, nagsisimula na pong magpakita ng putinsyal katulad ng kanyang ama." Nababahalang ani nito kaya napatingin naman sa kanya ang matandang Master nya.

"Yun lang ba ang maibabalita mo sa akin Bai?" Ani nya dito kaya nag simula muling mag sabi si Butler Bai sa kanya ng mga balita tungkol sa dalawang magkapatid.

"Nakauwi na pala sya, hindi manlang bumisita dito at ang apo kong babae may karelasyon na bampira kahanga-hanga naman." Nakangiting tugon nito na interesadong interesado talaga.

"Master, hindi ba kayo na babahala?" Ani ni Butler Bai na kinatìngin naman sa kanya ng matanda.

"At bakit naman ako na babahala?" Ani nito sa takang boses kaya bumugtong hininga muna si Butler Bai bago sumagot.

"Bampira po ang karelasyon ng apo ninyong babae at hindi lang po yun palaging nasapiligro ang buhay ng apo nyo tulad ng aking na balita sa inyo na muntik na syang mamatay." Ani ni Butlet Bai sa kanya kaya ngumiti ito bahagya.

"Kilala ko si Kriston Apollo Flerenzo, isang Hunter Vampire at alam kong strikto sya sa kanyang sarili kaya hindi ako nag aalala sa apo ko at sa pag-kwekwento mo palang sa akin sa kanilang dalawa halatang umiibig sya sa aking apo kaya hindi ako na babahala malaki ang respeto ko sa Bampirang yun dahil minsan nya na akong linigtas." Mahabang lintaya ng Matandang Master nya kaya na pa tumango nalang si Butler Bai bilang pag sang-ayon.

"Ang apo kung babae at lalaki isa sa kanila ang liwanag at ang anino doon ako na babahala dahil isa sa kanila ang pweding mamatay sa bandang huli."

---End Of Chapter---

Bampirang Maharot Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon