Story

135 13 3
                                    

A/N: @YnaPotpot23

Hi! I'm Alvin Rye. College of Nursing. Mabait, sweet, Gwapo, Matalino, Matangkad. Medyo nerd nga Lang. Sa Kabila ng katangian kong iyan. Single Parin ako. Siguro Dahil Weird ako? Pero may kaibigan ako. Hindi kaibigan ang Turing ko sakanya kasi may lihim akong Pag tingin sakanya.

Sya si Agatha Acosta. Sweet, Mabait, Matalino, Maganda, Sexy. Di kompleto ang Araw ko Pag Hindi ko sya nakikita o nakakausap sa Isang araw.

Kaso may Boyfriend na sya. Yun si Brian. Sikat sa University namin. Talo ako 'nun. At alam kong Wala akong Chance Kay Agatha. Kaklase ko pala si Siya. Lagi kami Sabay mag Lunch. At umuwi. Bestfriend nga kasi kami. Isang araw Tinanong ko sya ng Paloko.

"Agatha pano Kung ligawan kita?"
"Baliw ka talaga. Alam mo namang may Boyfriend ako at Bestfriend kita diba?"

Syempre Masakit ung Term na kaibigan Lang ako Dahil mahal ko nga sya. Hindi ko na alam gagawin ko. Buong araw sya Nalang Lagi ang nasa Isip ko. Ewan ko ba Kung Anong Meron sakanya at Hindi ko sya Kayang iwasan. Kahit Alam kong patuloy Lang akong Nasasaktan.

Isang araw. Nakita ko si Brian na may kasamang ibang babae. Ang sweet Nila. Parang sila mag on. May paholding-holding hands pang nalalaman. May yakapan pang nalalaman at Halikan. Ni lapitan ko sya Sabay Tanong. "Sino yan? Babae mo?" Hindi sya sumagod. Umalis Nalang sya kasama ung Babae Nya. At Dahil sa Nakita ko. Tinawagan ko ang Bestfriend ko. Tinawagan ko si Agatha.

"
Best"
"Oh bakit best?"
"Nakita ko ang Boyfriend Mo. May kasamang ibang babae"
"Huwag mo nga akong lokohin Best. Di magagawa ni Brian un sakin. Kasi mahal Nya ako at mahal ko sya. Nagmamahalan kami"
"Pero Totoo ung sinasabi ko"
"Kung Balak mo syang siraan sa Akin, Hindi mo magagawa iyon. Bestfriend pa naman kita! Pano mo ko magagawang lokohin? Tinext Nya palang ako. Nasa resort daw sila kasama ng Family Nya Kaya wag Mo akong lokohin!"

Pagkatapos Nya sabihin iyon Ay Binaba na Nya ang Phone. After that Conversation Di na sya nagrereply sa akin. Finlood ko sya ng Ilang Beses Lalo Lang syang nagalit.

"Tumigil ka na nga! Alam kong may gusto ka sakin, Pero Hindi mo Kailangan mag sinungaling para Lang makuha mo ako. You're just my BEST FRIEND" nang mabasa ko ang txt na iyon. Sobra akong Nasaktan. Feeling ko katapusan ko na. Hanggang sa Sinabi ko sa sarili ko na..

"Alvin, maybe it's time for you to Move on. You don't have a Chance to Agatha" Sabay tumulo ang luha ko. Ilang lingo Rin ang lumipas. Hindi pa kami nag uusap. Kahit sa Txt. Lagi ko silang nakikita ni Brian sa Hallway. Ang sweet Nila. Naaawa Lang ako sa BestFriend ko kasi Di Nya alam na niloloko Lang talaga sya ni Brian. Hanggang sa Ponit na Malapit na ang College Night. Kailangan ng Partner. Nagtitigan kami ni Agatha Habang sinasabi ng Prof namin na Kailangan ng Partner. Mag-uusap na sa kami e. Papalapit na kami sa Isa't isa. Ng Biglang Pumasok ng room si Brian na may dalang Isang malaking Papel at may nakasulat na...

WILL YOU BE MY COLLEGE NIGHT DATE?

Ayun.. Akala ko makakapag usap na kami. Kaso sumabat pa si Brian. Sabi ko sa sarili ko. "Siguro Hindi Nalang ako aattend ng College night"

So college night na. As usual, Hindi ako Pumunta. Kinausap ko ang sarili ko. "Siguro Ang Ganda ng Best Friend ko Ngayong Gabi na Ito" at Dahil sa Gusto ko na nga syang makita. Nag rush akong bumili ng Formal Attire para Maka-attend. At nung Pumunta na ako ng School. Nakita ko si Brian. Ibang babae ang kasama Nya at Hindi ang Bestfriend ko. At this Point. Nilapitan ko na sya at Hindi kinausap. Agad ko syang sinuntok sa mukha Sabay Sabi ng......

"Pano mo naloloko ng ganito ang Best Friend ko?! May nalalaman kang proposal-proposal Tapos ngayon ibang babae ang kasama mo!"

Nag silabasan lahat ng College Students kasama si Agatha Dahil narinig nilang may suntukan sa Labas ng school. Papunta na Sana si Agatha para awatin kami sa Pag aaway.. Habang papalapit si Agatha Biglang nag salita si Brian..

"Never kong Minahal ang Best friend mo! Katawan Lang ang Habol ko sakanya! Tapos!"

Nakita kong umiyak si Agatha ng marinig ang mga sinabi ni Brian at tumakbo sya papalayo. Sunundan ko sya. Nung nahabol ko sya bigla syang nag salita.

"Ang tanga ko talaga! Mas naniwala ako sa Taong niloloko ako kesa sa Best Friend ko! Best friend kong laging Andyan Pag Kailangan ko sya! Yung best friend kong Lagi akong iniintindi!bkt Ganon? Nagpakatanga Lang pala ako?"

Niyakap ko sya Ay Sabay Sabi ng....

"Hindi ka tanga. Nag mahal ka Lang. Ang Kaso.. Ang Hirap kasi niloko ka Lang. Huwag kang mag Alala. Andito pa naman ako diba? Andito Parin ung Best Friend mo na handa kang pasayahin Kahit na Anong oras. Tahan na. Kalimutan mo Nalang sya. Nandito Lang naman ako ee. Handa akong mahalin ka ng Totoo at tapat"

Bigla Nya akong tinitigan Sabay Sabi..

"Siguro tanga talaga ako. Tanga na tanga. Hindi ko napapansin na nasa tabi ko Lang pala ang taong nag mamahal sa akin ng Totoo" Niyakap Nya ako at Ito ang unang Beses na niyakap Nya ako. Naramdaman ko Ung Lungkot sa Mukha Nya. Bigla syang nag salita..

"Alvin"
"Bkt best?"
"Pwede bang Di Nalang tayo mag Bestfriend?"
"Huh? Anong ibig Sabihin mo?"
"Gusto ko Sana ung Mas Malalim pa sa mag Best friend. Diba Tinanong mo ako Dati Kung... Pano Kung ligawan mo ako? I think Hindi mo na ako kailangang ligawan. Kasi alam kong Totoo kang nag mamahal sakin"

Tinakpan ung ung bibig Nya ng kamay ko.. Sabay sabing...

"Simula ngayon. Hindi na kita Bestfriend. From now on you will be my Girl friend. Di mo na Kailangan mag salita. Alam ko na ang gusto Mong sabihin at iparating. Pangako, Hindi ka mag sisisi na ako ang pinili mo. Mamahalin kita Araw araw"

Bigla nyang inalis ang kamay ko sa bibig Nya. Sabay sabing...

"Di mo Kailangan sabihin Lahat yan. Dahil sa Alam kong Totoo ka sakin"

Natawa ako Bigla kasi ang Bilis ng pangyayari. Parang kanina Lang pinapangarap ko Lang sya. Tapos ngayon akin na sya. Siguro kami talaga ang tinadhana ng Bestfriend ko.. Mahal na mahal ko sya. More than I love my self. Pag katapos ng araw na iyon. Naging kami na ni Agatha. Ako na Yata ang Pinaka Masayang lalaki nung araw na iyon.

At dyan nag tatapos ang Love Story namin ni Agatha❤️

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 15, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BestFriend (OneShot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon