Chapter 2

4 1 0
                                        

The mansion, as usual, is deafeningly quiet as Cristina entered. Malamang ay nasa maid's quarter na ang mga katulong dahil pasado alas nwebe na din ng gabi. Lalabas na lang sila kapag may utos sya o kaya ang kanyang ama.

Home.

But it doesn't even feel like home kahit kaunti. Para bang napakablangko ng paligid kahit pa naglalakihan at kumikinang ang mga mwebles sa bawat sulok. Kahit pa simula pagkapanganak ay dito na nakatira si Tina, araw araw nya pa ring nararamdaman ang pagiging unwelcome nya sa sariling bahay. Pero anong magagawa nya, hindi naman sya pwedeng bumukod. Hindi nya kaya. At lalong hindi pwede.

Pinilit nyang burahin ang iniisip at pinili na lamang umakyat sa kanyang silid. Buti na lang din pala at inaya syang kumain ni Lukas dahil kung hindi, mapipilitan syang kumain na naman mag - isa sa napakalaki nilang dining area. Malaki nga, mag - isa naman syang kumakain. Hindi rin kasi sya pwedeng magpa - akyat ng pagkain sa kwarto dahil ayon sa kanyang ama, hindi ito proper etiquette at hindi sya prinsesa para pagsilbihan ng ganon.

Pagpasok nya sa kwarto, nagulat sya nang makita ang malaking katawan ni Eduardo Chen, the patriarch of the family. Hindi naman kasi ito madalas pumapasok sa kwarto nya dahil kapag may kailangan ito, pinapapunta na lamang sya ng kanyang ama sa opisina sa bahay.

"Good evening, sir. I'm sorry I came home late." maiksi at mahinang boses nitong saad.

Sir.

Yan ang tawag nya sa kanyang ama. Ayaw na ayaw nitong matawag na "Dad", "Papa", o kung ano pa mang pangalang pang - ama pwera na lamang kung nasa harap sila ng mga importanteng tao. It's a facade that they put up to show everyone they have a good relationship when in reality, walang kababakasan ng pagiging pamilya sa kanilang dalawa.

"Are you starting to defy my orders, Cristina?" nanggigigil nitong saad habang matalim na nakatingin sa anak.

"No, sir." lalo pang humina ang boses ng dalaga. Lumapit naman ang matanda sa nakatungong pigura ni Cristina bago mahigpit na hinila ang buhok nito sa likod para magkapantay sila ng tingin.

"Prepare yourself any time this year. We have Singaporean clients to meet. Baka sakaling may makagusto nang asawahin ka para magkaron ka naman ng silbi." Madiin nitong sabi bago binitawan ang buhok ng anak na sinundan naman ng malakas na pagtulak ng ulo paunahan. Muntik na mapasubsob si Cristina sa sahig, buti na lamang ay naituon nya agad ang mga kamay.

"Yes, sir." Yun lamang at padabog nang sinara ni Eduardo ang pintuan nya.

Nakahinga naman ng maluwag si Cristina habang dahan - dahang hinihilot ang ulunan nya. Medyo mahapdi kasi ang anit nya dahil sa higpit ng pagkakasabunot ng ama. Pero maswerte na din sya dahil simpleng sabunot at pagbatok lamang ang ginawa nito ngayon. Kapag kasi mainit ang ulo nito, iba't - ibang klaseng pagbubuhat ng kamay ang natatanggap nya.

She did her night routine as if nothing happened, as if she's so used on what happened.

Totoo naman, sanay na talaga sya sa pananakit ng kanyang ama.

Kung tutuusin, hindi naman nya talaga ito tunay na ama. Hindi alam ng karamihan dahil pilit din itong tinatagong sikreto, na bunga si Cristina ng affair ng kanyang ina. Resulta sya ng isang one night stand nang minsang magtravel mag - isa si Elena pa Europa. Tinangka pa nitong palabasin na anak nila ito ni Eduardo pero sa kulay abo pa lamang niyang mga mata at natural na brownish na buhok ay mapaghahalataan nang wala itong lahing Chen.

Dahil don, labis na lamang ang galit ni Eduardo kay Cristina dahil hindi nya naman ito tunay na anak. Lumala pa ang galit na yon nang mamatay si Elena dahil sa cervical cancer dalawang taon matapos nyang manganak. Nang mamatay ang ginang, naiwan ang batang si Cristina sa pangangalaga ng mga katulong sa mansyon. Lumipad kasi patungong America si Eduardo para lunurin ang sarili sa negosyo upang maibsan ang lungkot at sakit dahil sa pangloloko at pagkamatay ng asawa. Minahal nya naman ito pero sa huli ay ginago pa rin sya ng babae.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 13, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Way Back into His ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon