Paboritong Lutuin ni Nanay

78 1 0
                                    

Maganda ang umaga ng Sabadong iyon.

Naghahanda na ang mag-inang Sina Ressy at Along Nita.

"Nanay, ano po ang iluluto natin ngayon tanghali?" tanong ni Ressy sa ina.

"Anak, magluluto Rayo ng Pinaupong Manok," wika ni Along Nita.

"Iyon po bang buong manok? Masarap po talaga iyon, lalo na kung may pinya," sabi ni Ressy.

Maya-maya ay nakatanggap ng tawag ni Along Nita, sabay sabi kay Ressy.

"Anak, aalis muna ako.

Kailangan ako ng Lola mo.

Ikaw na muna ang bahala sa iluluto nating ulam ha?"

"Nanay, paano po iyon?

Hindi ko po yata alam kung paano iluluto ang paboritong lutuin ni Tatay," pag-aatubiling sabi ni Ressy.

Kaya mo 'yan anak.

Sundin mo lang ang nakatalang panuntunan sa pagluluto niyan.

Tiyak na magagawa mo 'yan Nang maayos may panghihimok na sabi ni Along Nita habang papalabas into ng bahay.

"Naku po! Ano ang gagawin ko!"nagugulumihanang sabi ni Ressy sa sarili.

Ng unit kailangan niyang sundin ang kanyang nanay dahila papauwi na ang Tatay niyang gaming sa trabaho.

"Teka, ano na nga ba ang sinabi ni Nanay?

Sundin ko lang daw ang panuto o direksiyong nakatala sa kanyang aklat ng mga resipi.

Tama! Iyon ang aking gagawin," sabi ni Ressy sa saril.

Agad na sinimulan ni Ressy ang pagbabasa ng resipi.

Nakatala rin doon ang mga sangkap na kakailanganin.

Isa-isa niyang kinuha ang mga gagamiting palulutuan.

Ayan, handa na ang lahat.

📌-----------------------------
                    Pinaupong Manok

Mga kailangang Sangkap:

• 1 buong manok na katamtaman ang laki
• 1 sibuyas na pinag-apat ang hiwa
• 1 buong bawang ba pinong-pino ang gayat
• 1 maliit na piraso ng pinitpit na luya
• 2 kutsarang krema
• 1 balot na mixed vegetables
1 carrot na ginayat nang pahaba
•1 kutsarang toyo
• 2 tangkay ng dinikdik na tanglad
• 1 boteng sarsa
• 1 maliit na lata ng pinya

Pamamaraan:

1. Kuskusin ng asin ang balat na manok upang maalis ang lansa.

2. Alisin ang mga lamang-loob na maaaring natira sa tiyan ng manok.

3. Banlawan nang husto.

4. Ilagay sa butas-butas na lalagyan upang makatulo.

5. Ilagay sa loob ng tiyan ng manok ang mga sumusunod:

• ginayat na isang buong sibuyas

• ginayat na isang buong bawang 🍗

• dinikdik na dalawang tangkay ng tanglad
• pinitpit na luyang katamtaman ang laki

6. Painitin ang kawali.

7. Pagkaraan ng sampung minuto ay patakan ng tubig ang kawali. Kapag 🧄 nagbubyo-buo na ang tubig at gumugulong na ay maaari nang ilagay ang buong manok.

8. Ilagay na ang manok sa kawali

9. Ilagay ang sabaw ng pinya.

10. Takpan.

11. Kapag kumukulo na ay bahagyang hinaan ang apoy nang dahan-dahan 🍍 lang itong maluto.

12. Kapag malambot na ang manok, ilagay na ang krema, pinya, at gulay.

13. Tikman ayon sa panlasa.

14. Ilagay na ang sarsa.

15. Takpan at muling pakuluin ng 🥕 sampung minuto.

16. Patayin na ang kalan ngunit huwag munang bubuksan ang tapik.

17. Pagkaraan ng sampung minuto ay maaari na itong ihain.
Recipe Book💗
-------------------------------

"May kumakatok yata," sabi ni Ressy habang dumudungaw sa bintana.

"Naku, naririto na nga si Tatay," sabi niya.

Maganda tanghali po, Tatay," bati ni Ressy sabay ang pagmamano.

"Ano ba 'yang naaamoy ko?

Ano ang niluluto ni Nanay?

Tila paboritong kong ulam 'yan," sabi ng Tatay.

"Wala po si Nanay, Tatay.

Pinapunta po siya ni Lola sa kanila.

Nagmamadali pa nga po, eh," sagot ni Ressy.

"Kung ganoon, sino ang nagluluto? tanong ni Tatay na nagulat nang bahagya.

"Ako po, Tatay," sabi ni Ressy.

"Talaga? Marunong ka na palang magluluto?" tanong ng ama.

"Sige nga, tikman ko na ang niluto mo.

Pero hintayin pa rin natin si Nanay bago tayo kumain," dagdag pa niya.

Pagdating ni Aling Nita, laking tuwa nito sa nakitang ulam.

"Aba, mabuting bata talaga itong si Ressy.

Maaasahan ka na sa pagluluto, anak.

Sabi ko naman sa'yo ay sundin  mo lang ang aking resipi," masayang sabi ng Nanay habang kumakain.

Napapadali ang gawain kung may sinusunod tayong mga tuntunin o panuto.

Marunong ka na rin bang magluto?

Pag-aralan mo, matututo ka rin tulad ni Ressy.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 12, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Paboritong Lutuin ni NanayWhere stories live. Discover now