Mga mars, chinika ako kanina ni boss wafu. Parang nag-explain sya kung bat ganun setup nila ni Miss Val. Sa isip ko naman, parang di naman nya need ma-explain diba? JOWA BA KO???
Pero ayern nga. Parang napagtsitsismisan nga raw sila sa office kaya dumerekta na sya ng explain sa'kin kasi wala nga raw akong kinakausap sa office tas laging di ako kasama sa mga eat out. Tingin yata ni sir, introvert ako. Di nya alam dito ako nagkakalat sa account ko lol
Pero ayern nga mga mars. Nag-explain sya na wino-work out naman daw nila yung setup pero napapagod na rin daw si Sir Rence habang tumatagal kasi nauna na yatang sumuko si Miss Val sa kanilang dalawa. Two years na raw nyang nilalaban yung kanila pero si Miss Val na nagsasabing wag na lang ituloy yung kanila.
Ang ano lang, heartbreaking kay boss wafu. Mabait naman si sir. Super understanding. Tsanggala di ko nga ma-grasp level of understanding at compassion nito, pero alam nyo mga bakla, kung ako lang gusto ko na lang syang pasukuin dun. Kasi parang sya na lang yung nagho-hold on sa kanilang dalawa. Si Miss Val parang wala na ring pake.
Gina Rose
Bakla ala una na ng madaling araw matulog ka na hoy
5m Like Reply↪️ Midnight Desaville
PAKE MO BA EH MAY CHIKA AKO???
Saka kumain kaming dalawa lol
5m Like Reply↪️ Gina Rose
Sabi na may kalandiang nagaganap dito eh
Madaling araw punyeta landi paaaaa
4m Like Reply↪️ Midnight Desaville
Hoy!! Nauna akong kumain nakita lang nya ko sa kitchen!!
3m Like Reply↪️ Gina Rose
Napakasiba talagaaaa pati sa bahay ng ibang tao walang patawad!
3m Like Reply↪️ Midnight Desaville
Lul inggit ka lang
1m Like Reply♥♥♥
BINABASA MO ANG
Midnight's Unslept Hours
Historia CortaMay bagong trabaho si Midnight: ang maging assistant ni Laurence Sequera. At bilang dakilang Marites, handa siyang suungin ang lahat para lang makapag-update ng tsaa sa kanyang nasasakupan. Pero hanggang saan nga ba aabot ang kanyang mga chika kung...