Chapter 1

17.2K 384 12
                                    


Enjoy reading guys....
-Daughter Of Goddess

+++++

The CEO's Slave

Chapter One

"Mommy!!!"

Napapitlag ako sa lakas nang sigaw nang anak kung si Francheska.

Mabilis ko silang hinanap. Muntik na akong mawalan nang malay nang makita kung nakahandusay ang anak kung lalaki sa garden.

"Anung nangyari?" natatarantang tanong ko saka mabilis na binuhat si Francis at isinakay sa sasakyan ni Alice na naiwan niya.

"Mommy bigla po kasing huminto si Kuya sa paglalaro at sinapo ang puso niya at nahimatay nalang po bigla" nagkakanda utal na sabi ni Francheska.

"Oh my god" naibulalas ko.

Malamang inatake na naman nang sakit niya si Francis. Mabilis kung pinaharurot ang sasakyan papunta sa ospital.

"A-alice?" nauutal na sabi ko pagkasagot niya sa tawag ko.

"Bestfriend may nang yari ba?" nag aalalang tanong niya sa akin.

"Bestfriend si Francis sinugod namin sa ospital inatake na naman" naiiyak na sabi ko.

"Best! Kalma kalang pa- Miss Alice pinapatawag na po kayo" narinig kung sabi sa backround ni Alice nang naputol ang pag sasalita niya. "Wala akong pakialam, sabihin mo sa kanila i-pack up na ang shoot may emergency ako sa bahay" pasigaw na sabi ni Alice sa nag salita. "Best nandyan kapa ba?"

"O-oo Alice, busy ka pa yata, okay lang ako unahin muna ang trabaho mo"

"Hindi mas uunahin ko naman kayo nuh, give me five minutes and i'll be there. Okay?"

"O-okay"

"Calmdown, wait nasan ka ba na hospital?"

"El Fuentebella hospital" narinig kung napamura si Alice.

"Okay, i-i'll be there" sabi nito at nawala na sa linya.

"MOMMY si tita Alice po oh!" sabi ni Francheska sabay turo kay Alice na paparating. Nagmamadali ito sa paglalakad, halatang galing sa photoshoot dahil nakamake-up at hindi na nakapag palit nang damit dahil sa halatang iyon ang ini-endorse niyang damit.

"Bestfriend!" tili niya agad at napangiti ako nang muntik na siya matapilok sa paglalakad ng mabilis mabuti nalang may nakasalo sa kanya. "Bitiwan mo nga ako" mataray na sabi ni Alice sa sumapo sa kanya.

"Ang sungit mo naman, samantalang dati baliw na baliw ka sakin" narinig kung sabi nung gwapong lalaki na si Raymer kapatid ni Frank.

"Che!! Lumayo ka nga sakin" sabay tulak niya kay Raymer na natawa nalang.

"Okay goodbye" pagkasabi ni Raymer nun mabilis niyang hinalikan sa labi si Alice at kumaripas nang takbo.

Naihagis naman ni Alice ang hinubad niyang highheels kay Raymer pero hindi naman ito tinamaan. Lumapit sa akin si Alice nang nakayapak. "Oh bakit tatawa-tawa ka dyan?" nakasimangot na sabi ni Alice.

"Natatawa kasi ako sa inyu" nakangiting sabi ko.

"Ewan ko sayo, kamusta na ang pamangkin ko?"

Nawala ang ngiti sa labi ko nang maalala ko si Francis. "Wala pa rin lumalabas na doctor dyan sa ER"

Lumapit siya sa akin at niyakap ako. "Wag kana masyado mag alala bestfriend"

The CEO's Slave(CharDawn)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon