Bitter to Better

138 8 3
                                    

AN:Before reading this please read the first part [BITTER STORY] thank you! 

CADEN's POV

Katatapos lang ng Christmas break at ngayon balik pasukan nanaman.

Habang naglalakad ako sa field nakita ko si Ms. Masungit or should I say si Cambria Lazaro, dahil curious ako sa kanya nag-effort pa talaga akong hanapin ang Identity niya at iba pang basic information about sa kanya pamisteryosa pa kasi.

"Cambria!" Tinawag ko siya para mahinto siya sa paglalakad
Huminto siya at lumingon sa pwesto ko tinignan niya lang ako tapos nagpatuloy ulit sa paglalakad.

Tss sungit talaga tumakbo na ako palapit sa kanya
"Uy teka sandali lang!" Sabi ko sabay hawak sa braso niya nung naabutan ko na siya.

"Problema mo nanaman!?" Masungit na tanong niya

"Eto naman taggal nga nating hindi nagkita tapos pinahirapan mo pa akong alamin pangalan mo" reklamo ko sa kanya

"Hindi naman tayo close no at sino ba kasing nagsabi sayong alamin mo pangalan ko!" Sabi niya at nagpatuloy sa paglakad

"Moody ka talaga eh no sungit mo! Teka sabi mo tutulungan mo ako" sabi ko habang sinasabayan siya sa paglalakad

"Pake mo! Hoy assuming to wala akong sinabing ganun sabi ko pag-iisipan ko"

Napahinto ako sa paglalakad natanaw ko kasi sa hindi kalayuan sila Fritzie at si Sheen magkaholding hands pa habang naglalakad tss umagang-umaga magpapakabitter nanaman ako.

"Alam mo first thing to do is ACCEPTANCE tanggapin mo na wala ka na talagang pag-asa diyan sa babaeng yan tanggapin mo na natalo ka na, sila na ng kaibigan mo at wala ka ng magagawa pa dun" biglang sulpot ni Cambria sa tabi ko

Napatingin ako sa kanya ng may halong pagtataka sa mga biglang pagsulpot niya at pagsasabi ng kung ano-ano.

"Ganun talaga kahit alam mong masakit tanggapin mo magtiis ka, kasi kung walang acceptance paulit-ulit mo lang papaniwalain ang sarili mong meron pa kahit wala na kasi nga hindi mo pa matanggap"dagdag niya pa, napatingin lang talaga ako sa kanya pilit iniintindi ang mga sinasabi niya.

"Sige kita na lang tayong mamayang break sa tambayan ah dala ka pagkain libre mo, may klase na kasi ako eh!" paalam niya tumango naman ako bilang tugon sa kanya ngumiti siya at tuluyan ng umalis.

Tinitigan ko lang siya hanggang makalayo napabuntong hininga na lang ako at nagpatuloy din sa paglalakad habang iniisip yung pinagsasabi nung babaeng yun .

Siguro nga totoo yun kulang talaga ako sa acceptance. Haystt!! bahala na dumiretsyo na ako sa classroom para sa unang klase ko.

***

"Tagal mo naman kanina pa ako naghihintay sayo dito eh. Tapos wala ka pang dalang pagkain sus! napakakuripot mo talaga" nakasimangot na reklamo ni Cambria sa akin. Nginitian ko lang siya tapos hinila

"Uy teka! Saan ba kasi tayo pupunta? Nagugutom nga ako eh" pagmamaktol niya at nagpupumiglas pa

"Tss kaya nga kakain tayo sa labas pangit tinda sa cafeteria eh!" Paliwanag ko tumigil naman siya sa pagpupumiglas at hinayaan niya na akong hilain siya

***

"Patay gutom ka eh nohh!" Pang-aasar ko sa kanya paano ba naman ang dami na niyang nakain.

"Libre eh Btw ano palang name mo mamaya kidnapper ka pala!" mapanginsulto niya na mang sabi sa akin

"Grabe ka talaga eh noh sa gwapo kong to kung ako mangingidnap sayo aba maswerte ka! Ako nga pala si poging poging Caden Santiago" Sabi ko sabay ngisi at pogi sign pa

BETTER STORY {ONE-SHOT}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon