Today is the day. Ngayong umaga ay aalis na ako sa aming bahay dito sa Laguna para mag aral sa isang sikat at tanyag na Unibersidad sa Maynila. Kasalukuyan akong nag liligpit ng aking mga dadalhin sa aking apartment na lilipatan sa Maynila."Anak mag iingat ka don ha? Umuwi ka rito kapag may oras ka" kanina pa ito sa Nanay. Todo ang paalala sa akin akala mo naman ay mangingibang bansa ako, mangingibang bahay oo. Pero hindi ko masisisi si Nanay,
alam kong nasasabi niya lang ang mga ito dahil mahal na mahal niya kami."Opo naman nay, ako pa? Pinalaki niyo po ata akong malakas!" pag bibiro ko sa kanya.
"Nako, dumali ka na naman. Basta ang mga bilin ko Mira ha."
"Opo, nay."
"Ay siya nakaligpit na ba ang lahat ng mga gamit mo?" pagtatanong nito. " Nandito na si Mang Aron, yung mag hahatid sa iyo doon sa apartment na iyong pag iistay-an"
Napabalikwas ako ng upo. "Ano po? Nanjan na po?" gulat na pag tatanong ko.
"Abay oo naman"
Napatingin ako sa orasan. Ay siya nga, alas dyis na ng umaga. Hindi ko na namalayan ang oras dahil sa pagkkwentuhan namin ni Nanay. Napakamot nalang ako sa ulo at dali daling niligpit ang mga dadalhin ko. Nais tumulong ng aking bunsong kapatid kaya naman tinulungan niya ako sa pagbubuhat ng aking mga gamit papunta don sa kotse. Ilang saglit pa ay naibaba at nailagay na namin sa kotse ang aking mga gamit. Dala ang maleta at bag, bumaba na ako upang tuluyang mag paalam.
"Nay, uuna na po ako, alagaan niyo po ang sarili niyo ha. Ako naman po ay dadalaw rito kapag may libre akong oras." pag papagaan ko ng loob sa kanila.
"Ay dapat lang. Kumain ka ng marami ha, huwag kang mag papagutom. Pag lang ikaw talaga nangayayat ay pupuntahan kita don para ipagluto ng mga pagkain."
"Opo nay." Tumingin ako sa kapatid kong bunso. "Bunso ingatan mo si nanay ha." sabi ko rito habang ginugulo ang buhok niya.
"Opo naman ate! Ako na pong bahala kay Nanay! Mag iingat ka po roon ha! Mamimiss ka po namin." sabi nito sabay yakap.
Yumakap rin si Nanay sa amin. Inihatid na nila ako sa kotse na aking sasakyan.
"Paalam Nay! Paalam Chaze! Mahal ko kayo!" sabi ko habang kumakaway.
"Paalam Nak! Mahal ka rin namin!" hindi napigilin ni nanay na mapaluha kaya ako napaluha na rin.
"Bbye ate" sabi ng bunso kong kapatid na si Chaze at kumawaykaway.
Tuluyan ng umalis ang sinasakyan namin. Itinaas ko na rin ang bintana at pinahid ang mga luhang nasa aking mukha. Sumandal na ako at binaling ang paningin sa daan.
Mapapansin mo talaga pag nasa siyudad na kayo. Maingay, mausok, at higit sa lahat ang mga nag lalakihang gusali. Si Tita nga ang humanap ng apartment na aking pag lilipatan. Kaya malapit lang ang bahay nila Tita sa apartment ko. Pinapapunta na ako sa kanila upang doon na mag hapunan.
Maya-maya pa ay nakarating na rin kami sa apartment ko. Bumaba na ako ng sasakyan at nag patulong kay Mang Aron na mag buhat ng mga gamit papunta sa aking apartment.
"This is it pansit. Kaya ko to." sabi ko sa aking sarili at pumasok na sa apartment. Tama lang ang laki ng apartment ko. May isang kwarto, sala, kusina at banyo. Kasya ang tatlo hanggang limang katao ang pwedeng manirahan dito.
"Salamat po mang Aron sa pag hatid sa akin!" sabi ko at inabot na ang bayad.
"Salamat din Ineng, good luck para sa iyong bagong tatahaking landas."
"Salamat po! Mag ingat po kayo sa pag uwi." sumakay na si Mang Aron sa kotse at umalis. Pumasok na ako sa apartment at tinawagan sila Inay at sinabing nakarating na ako sa aking apartment.
Nag simula na akong mag unpack ng mga gamit ko. Una ko ngang binuksan ang maleta na aking dala, bumungad sa akin ang litratro naming pamilya. Si Nanay, si Chaze at ako. Ngayon palang ay namimiss ko na agad sila. Nilagay ko iyon sa aking lamesa at inayos na ang iba pang mga gamit. Pag katapos kong mag ayos ng mga gamit, pumunta na ako sa higahan at nahiga. Hindi ko na namalayan na ako'y nakatulog na. Mag gagabi na nga ng ako ay magising. Naligo na nga ako at nag palit ng damit. Kakaunin daw kasi ako ni Tita dito sa aking apartment.
Maya maya lamang ay may kumatok sa aking pintuan. Binuksan ko iyon at bumungad sa akin sina Tita Cecil at ang bunso niyang anak na si James, mag kasing edad nga pala si James at ang kapatid ko na si Chaze.
"Miraaaaaa!" sabi ni tita at yumakap sa akin. "Kamusta kana? Ang laki laki mo na oh, dati ang liit-liit niyo pa ni Alfred, ngayon malalaki na kayo sakin!"
"Oo nga po e hehehehe, teka nasan po si Alfred? Pasok po kayo." pag tatanong ko rito.
"Naroon sa bahay, nag hahanda ng hapunan kasama ang Tito mo."
"Ay ganon po ba?" Ibinaling ko naman ang tingin ko kay James. "Hello James! Kamusta kana? Ang laki mo na ah" sabi ko rito.
Ngumiti ito sa akin at kumaway. "Hi ate ganda!" bati nito sa akin.
"Ay nako tita, si James na ang nag sabi na maganda ako ha. Ang bata tita hindi nag sisinungaling, alam mo yan" pag bibiro ko. "Salamat James, ikaw naman ang gwapo, gwapo mo." sabi ko sabay pisil sa matambok na pisngi nito.
Tumawa naman si tita. "Ay oo naman maganda ka talaga Mira, kaya nga walang panget sa mundo e HAHAHAHA" pagbibiro rin nito sabay hagalpal ng tawa.
"Tita naman eh!" sabi ko sabay pout.
"Ito naman, binbiro lamang" sabi nito ng nakangiti. "Oh nagustuhan mo ba ang apartment mo?"
"Maganda naman po, gustong gusto ko po. Kung tutuusin pwede na nga pong manirahan kayong pamilya dito e."
"Eh bakit hindi kasi sa amin ka nalang tumira? Para may kasama ka."
"Ok na po ako dito Tita, huwag po kayong mag alala." paninigurado ko rito.
"Ay siya, basta kung may kailangan ka pwede mo kaming lapitan ok? Ikaw ba'y gayak na? Tara na sa aming bahay at nag hihintay na ang Tito mo at si Alfred."
"Opo gayak na po ako tita, tara na po. Tara na James" sabi ko sabay hawak sa kamay nito.
Kinuha ko ang susi at lumabas na kami. Ni lock ko ang pintuan at pumunta na sa bahay nila Tita Cecil.
BINABASA MO ANG
When Rain Meets Sunshine
Teen FictionMira decided loves to explore new things. She decided to leave their home, to study in the popular university in the city. Little did she knew something awaits her.