Mira's POVNakarating na kami sa bahay ni tita Cecil. Pumasok na kami sa bahay at bumungad ang mga pagkaing nakahanda sa lamesa.
"Oh andiyan na pala kayo, Hi Mira, ang laki mo na ah" bati sa akin ni tito.
"Hello tito! Kamusta na kayo?"
"Ayos naman, ay siya buti't dumating na kayo. Tara na't kakain. James tawagin mo na si kuya"
Tinawag ni James ang kuya nitong si Alfred. Inilibot ko ang aking mata sa kanilang bahay at wala pa rin itong pinagbago. Umupo na si Tita at pinaupo na rin ako sa tabi ni tito. Lumabas na si James at kasunod nito sa Alfred.
Nagulat akong tumingin sa kanya. "Oh bakit ganyan ka makatingin?" pagbibiro nito sa akin.
"Grabe ang tangkad mo!" sabi ko dito sabay palo sa braso.
Ngumiti naman ito. " Tangkad lang? Gwapo hindi?"
"Ay tita kelan pa po kayo nag pa aircon? Ang hangin po kasi."
Tumawa si tita. "Ay hindi ko din alam iha, mas matangkad na nga yan sa amin ni tito mo e."
Umupo na ang lahat sa lamesa at nag dasal muna ang lahat bago kumain. "Kakain na!" Sabi ni James.
Hanggang ngayon ay nakatitig pa rin ako sa pinsan kong ito. Ang tangkad na, ang gwapo pa! Ay nako, kung hindi ko lang talaga pinsan to..... Joke.
"Hwag mo 'kong titigin, baka matunaw ako, alam kong gwapo ako pero kumain ka muna." pagbibiro nito.
"Tsk." Inirapan ko nalang siya at kumain nalang ng tahimik.
Pagkatapos kumain ay tumayo si tita at kumuha ng ice cream sa refrigerator. Kumuha ito ng mga mangkok at ibinahagi sa amin.
"Thank you po, tita." sabi ko ng bigyan ako ng mangkok. Sumandok na akong ice cream at kumain. "Kamusta vacation, ready kana ba this school year?" tanong ko kay Alfred.
"Pake mo?" sumagot ito ng pasungit.
"Napaka sungit mo naman"
Ngumisi ito. " Just kidding, ok lang naman vacation and ready na syempre."
"Ikaw James ready kana ba mag high school?"
"Opo naman ate ganda!"
Bumulong si Alfred. "Tsk ganda"
Sinamaan ko to ng tingin. "Buti pa ang bata na aappreciate ang ganda ko. Kaysa sa isa diyan" sabay hawi ng buhok.
Tumawa naman sina tito at tita.
"Hays wala talagang pinagbago kayo, ganyan na ganyan na talaga kayong mag pinsan noon." sabi ni tita.
"May pinag bago ako ma, ako tumangkad, siya hindi."
Sinamaan ko siya ng tingin. "Ikaw ah kanina mo pa ako sinusungitan, may galit kaba sakin?!" pagtatanong ko.
Narinig ko namang natawa sina tita. Hindi ako sinagot nito at patuloy na kumain ng ice cream.
"Pag bigyan mo na iha, ngayon kalang kasi ulit nakita kaya ganyan." sabi ni tito.
"Pag bibigyan kita ngayon, alam ko namang miss mo ko." sabi ko with full of confidence.
"asa" maikling sagot nito ng nakangiti.
Inubos ko nalang ang ice cream ko kaysa maubos ang pasensiya ko dito kay Alfred. Pag katapos ay niligpit na namin ang aming pinag kainan.
"Ako na po mag huhugas tita." pag boboluntaryo ko.
"Ay nako hwag na, ako na ang mag huhugas. Pumunta ka nalang sa sala at manood ng tv." sabi nito ng nakangiti at kinuha ang mga platong hawak ko.
Gaya ng sinabi ni tita pumunta ako sa sala at nanood ng tv. Natapos rin agad si tita at nakinood na rin samin. Nakipag kwentuhan pa ako sa kanila at napag desisyonan na umuwi na.
"Tita uuwi na po ako, mag aayos pa po ako ng gamit ko. Salamat po sa pagkain." pag papaalam ko.
"Uuwi kana? gabi na ah? dito ka nalang kaya matulog?" pag tatanong ni tito.
"Ay nako, hindi na po tito. Sa bahay nalang po ako" pag tanggi ko dito.
"Ay siya mag pahatid ka nalang kay Alfred, gabi na oh. Alfred ihatid mo si Mira sa apartment niya."
Agad namang tumayo si Alfred at kinuha ang susi.
Lumabas ito at binuhay ang motor."Marunong kang mag motor?" pag tatanong ko.
"Obvious ba?"
Inirapan ko siya. Sumakay na ako at nag suot ng helmet.
"Mag ingat ka Alfred sa pag ddrive ha" sabi ni tita.
"Bye Tita, Tito, James. Mauna napo ako" sabi ko sabay kaway.
Pinaandar na ni Alfred ang motor niya. Hindi naman kalayuan ang bahay nila Tita akin. Mahigit 5 minutong pag lalakad lamang. Agad naman kaming dumating sa Apartment ko.
"Salamat" sabi ko rito at iniabot ang helmet.
Tumango naman ito at umalis na. "Ingat" habol ko pa dito.
Pumasok na ako ng apartment at nag ayos ng mga gamit. Tinawagan ko rin sila Nanay.
"Nay, nakauwi na po ako. Galing po ako kila Tita Cecil."
"Ganon ba? Kumain kana ba?"
"Opo, doon po kami kumain."
"Ay siya mag pahinga kana."
"Miss kana namin ate!""Miss ka na rin ni ate Chaze, at Nanay. Sige po ibaba ko na. Mag liligpit pa ho ako ng mga gamit."
"Ay siya sige na. Paalam mag iingat ka jan ha. Love you."
"Paalam ate, love you. Mwah Mwah"Napangiti ako. " Paalam, Mahal ko den kayo." at binaba ang tawag.
Bumuntong hininga ako dahil nami miss ko na agad sila Nanay at Chaze. Pero kakayanin ko to! Para sa pangarap!
Inayos ko na ang aking mga gamit. Iniligay ko na ang mga susuotin sa kabinet. Pati na rin ang mga sapatos at sandals ko ay inayos ko na rin. Nilagay ko na rin sa banyo ang aking twalya, toothbrush, sabon at iba pang gamit. Maya maya ay nakaramdam na rin ako ng antok.Bukas ko na nga lang itutuloy ang pag liligpit sa iba kong mga gamit. Maaga pa kasi akong gigising bukas, para mamili ng kakailanganin sa aking school na papasukan. Naligo na ako saglit at nag patuyo ng buhok. Sinuklay suklay ang aking buhok at umupo sa kama. Tapos na nga ako sa pag papatuyo ang aking buhok. Niligpit ko na ang aking twalya at pinatay ang ilaw. Humiga na ako at pinikit ang aking mga mata.
Ilang saglit pa ay bumangon ako at hindi makatulog. Pumunta ako sa kusina para uminom ng tubig. Pagkatapos ay bumalik na ulit ako sa kama at nahiga na. Ilang saglit pa ay tuluyan na akong naka tulog.
BINABASA MO ANG
When Rain Meets Sunshine
Teen FictionMira decided loves to explore new things. She decided to leave their home, to study in the popular university in the city. Little did she knew something awaits her.