Chapter 10: DDD

10 0 0
                                    

CHAPTER TEN! ^___^

_____________________________________________

ABBOTT'S POV

"Danilo Felix Tan. That's his name."

Tinaas ko yung mga kilay ko.

"Oh, bakit?" Tanong ni Zahra.

"Uh... wala na yung karugtong?" tanong ko din pabalik.

"Danilo Felix Tan. Yun lang naman talaga pangalan niya." Derechong sagot ni Zahra.

"Bakit, Abbott, may inaasahan ka pa ba?" Tanong ni Kuya Dan.

"Ah! Wala. wala. hehehehe." yun na lang sinagot ko.

Pero sa totoo lang, akala ko may karugtong pang sasabihin si Zahra...

Yung mga tipong "Danilo Felix Tan. That's his name. And humor is his game" YUNG MGA GANUN?

"Hoy, Abbott, tara. Hindi na maipinta mukha mo eh." Anyaya sa akin ni Kuya Dan.

"Kasi--"

"Ano yun? Sabihin mo nga sakin."

-____- napa 'Kasi' pa kasi ako eh.

"Akala ko talaga may idudugtong si Zahra na... yung parang..."

"Sige lang. Ano yun?"

"Yung after niya sabihin yung pangalan mo, may karugtong na 'and humor is his game' na ganun."

"Grabe 'to, pasalamat ka nga at di ko naisip sabihin yun." Sabat ni Zahra.

"Hahahaha. Owsha awat na. Pero kayong dalawa ha..." sabi ni kuya Dan sa isang warning tone.

"Huh?" tanong ko naman.

"Bakit Zahra tawag mo kay Arielle? Zecond-- anu ba yan-- second name niya ba yun?" udyok ng curiosity ni Kuya Dan.

"Arielle Zahra Sy. That's her name. And Albert's her game. >:D " sabi ko. Bwahahahaha.

"ARAAAAAAAAAY!!!"

"And Albert's her game pala ha? Ayan."

Pingutin daw ba tenga ko?

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" tumatawa lang si Kuya Dan pati si Treveen.

"Haha-teka-haha-hehe-Bot--he- hindi ako natatawa dun sa sinabi mo eh, dun lang sa piningot ka ni Miss. Sino ba yung Albert? Boyfriend ni Ms. Sy?" Pilit na sabi ni Treveen habang gume-get over sa katatawa.

"Boyfriend--- ha?? Uy wala akong boyfriend ah." sagot ni Zahra.

"Eh, kasasabi niyo lang po kanina--"

"I claim myself to have a boyfriend. pero hindi ko sinabing may bf ako. Feeling may bf lang ako. Hehe."

"Ang ganda ng usapan niyo! Tara na nga lang sa dining room." change topic... Kuya Dan talaga oh.

Pag dating sa dining, grabe manghang-mangha pa rin talaga ako sa bahay ni kuya Dan.

"Upo na kayo, magluto lang ako. Mabilis lang." Sabi ni Kuya Dan.

"Teka, kuya, tulong na rin ako," paalam ko.

"Ah... sige, sige, para mas mabilis."

"Naks kuya Dan. Para kay Ms. Sy ba yang pagluluto mo?"

"Naku, Giselle, wag mong bigyang--" sagot sana ni Kuya Dan kaso...

"Parang katulad lang din nung mga nababasa ko sa Wattpad... yung lalaki nagluluto para sa babae. Dinner Date. ^___^  " ang patuloy ni Treveen.

The ThiefTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon