Chapter 32

77 3 1
                                    

Chapter 32

I threw myself into the pool after taking a quick nap. Even though my room is fully air-conditioned, grabe pa rin ang pawis ko. Palibhasa'y ngayon pa lang nagsisimula ang totoong init ng summer.

Hinilamusan ko ang mukha ko nang makaahon ako from the sudden diving. It's been a while since I last swam here. Lagi na lang kasi akong tinatamad na pumunta rito since nagpalagay ako ng malaking bath tub sa aking bathroom. Mas accessible iyon from me, hassle free pa. I'm sure everyone will agree about that.

"This is nice..." I said as I wore my sunglasses bago maingat na umakyat sa floating bed. Nahiga ako roon at hinayaan ang sarili na tangayin ng tubig.

I feel so tired, sleepy, and stressed. Kakagaling ko lang sa university before I got to nap. Inasikaso ko roon sa high school department ang mga kakailanganin ko for college admission. Medyo marami iyon, plus, nagtagal pa ako dahil ang haba rin ng pila sa registrar.

Damang-dama ko na talaga ang pagiging college student ko these days. Just imagine, I can't even afford to date myself out! Last vacation naman ay halos every week akong lumalabas to unwind.

I sighed. "Ganoon talaga siguro..."

One more thing that has been lingering in my head is... the thought of looking for another course to enroll. Ewan ko ba, sobrang nagdadalawang-isip ako kung final na ba ang Accountancy. Pakiramdam ko ay mahihirapan ako nang malala roon.

I can consider business courses, medicine, or anything else na pasok sa skills ko. However, lagi lang talaga akong bumabalik sa first choice ko.

Normal lang ba iyon? I feel like... I don't want to think about those choices anymore and just... take the risk.

Siyempre, nandoon 'yung takot na baka bumagsak ako any moment. Kapag nangyari iyon, sayang naman ang panahon at effort na inilaan ko sa studies. I mean, I could repeat the subject—if allowable. Pero paano kung... bumagsak lang ulit ako? Paano kung hindi na ako makausad?

Just the thought of being left out terrifies me. College is not a race, yes, but there is a big pressure kapag hindi ka nakakasabay sa karamihan.

How can it not produce a pressure? Makikita mo ang mga blockmates mo na naghahanap na ng trabaho o kumikita na. Tapos ikaw... nag-aaral pa lang. Sa madaling salita, nasa result na sila, ikaw... nasa process pa lang. And worst, you can't guarantee that you will be able to reach that point. You just really have to wait, that's it!

Wala ka talagang makukuhang assurance once na nag-college ka na.

"Final na siguro iyon..." I unsurely said. "That's what my heart wants. Ang hirap naman kung pipilitin ko ang sarili ko na aralin ang course na may high certainty nga to graduate, hindi ko naman gusto."

Natinag ako nang makarinig ng sunud-sunod na pag-doorbell.

"Ate Rosa!" I shouted. Hindi kasi ako makaalis sa pwesto ko dahil basang-basa ang katawan ko. Nakakahiya namang humarap sa ibang tao if that's the case, right?

Nang matanawan ko na lumabas si Ate Rosa sa bahay ay umayos na lang ulit ako ng higa. We're not expecting any visitor in the house, so... I'll just chill here.

This is a must. Sobrang napagod kaya ako!

"Leigh!"

Muli akong napakislot nang marinig ang boses ni Ate Rosa. She's now walking towards the pool habang may hawak na isang box.

"Ate..." Tumalon ako sa pool at naglangoy papaalis roon. Umupo rin ako sa reclining chair namin kung saan siya papunta.

"Delivery daw... "

It Was Never A Competition (Altarieno Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon