"Hi Miss Anj! Nandyan na ba ang guwapo nating Boss?" Malambing kong bati sa sekretarya ng Chief Operating Officer.
"Yes Miss Heather. Pasok ka na po." Magalang na ganting bati nito. Bagay talaga sa kanya maging sekretarya, gandang dapat ipinagyayabang.
"Thanks, Miss."
Naamoy ko agad ang halimuyak ng coffee beans. Ang magaling kong boss-slash-kaibigan ay ayun sa kaliwang panig ng kanyang opisina. It has a complete set-up of coffee station, from the machine to ingredients and other essentials. Naka de-kwatro ito sa high stool habang inaamoy amoy ang tasa nitong may laman na kape.
"Hoy Theo-"
"Good afternoon too, Heather." Putol nito saken.
"Nagsasayang ka ng papel, pang anim na 'to bat ba ayaw mong pirmahan?" Angil ko sabay bagsak sa bar counter ang resignation letter ko na may malaking sulat ng "rejected" in red ink.
Tinaasan lang sya nito ng kilay. Halata sa mukha ang pagod sa trabaho.
Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili, kahit nagpupuyos na ang dibdib ko. Ayokong sumigaw o tumili dahil baka magtawag na naman ng executive si Anjie para pumagitna sa amin kung sakaling magpang-abot kami ni Theo. Kung hindi ko lang immediate superior itong kurimaw na 'to, nasabunutan ko na siya. Ang sarap bumalik sa college, iyong natutuktukan ko pa siya gamit ang makapal na libro kahit magkalayo ang height namin.
"Tinapos ko na yung feasibility report ng Spark Island resort kahit due pa yun ng October as per your demand. Wala na 'kong pending projects. Pati nga cubicle ko malinis na. Pirmahan mo na kasi to." Panlalambing ko dito.
Nginisihan nya lang ako ng malaki. "Nabasa mo na email ni Mom?"
"Hindi pa. Gusto mo sa kanya ako magpasa?" Pananakot ko.
"You should read that. Now." Anito saka ako tinalikuran at bumalik sa mesa nito.
"I-summarise mo na lang. For sure magpapareserve lang yun si Tita Dolly ng conference hall. Trip na naman ba nya magpa dinner sa mga amiga nya?"
"I don't think so." He lazily answered.
"Anong kinalaman ng resignation ko aber? Kaya ko gawin yun sa bakasyon ko."
"My parents had a meeting with their lawyer yesterday. Mom amended her will."
"And?"
"She wants to have dinner with us."
"Huh? Kasama ako sa dinner slash business meeting?" Lito kong tanong.
Nakakasama naman na talaga ako sa family dinner nila, kahit noon pa. Close kami ni Tita Dolly, pinagchichismisan nga namin ang mga amiga nya.
Tumango ito bilang sagot pero naiwan ang tingin sa akin.
"Sa will, kasama ako?" Biro ko.
"Yup." Walang ganang sagot nito.
Ano daw?
Tumayo ito at mabagal na naglakad papunta sa akin. Nagsalita lang ito muli ng makalapit. Kinailangan ko pa siya tingalain dahil hanggang dibdib lang nito ang abot ng paningin ko.
"Apparently, Mom gave you a part of her share and an executive position in the company."
Hindi ko napigilan ang sarili at napanganga sa harap nito. Biruan lang namin iyon ni Tita Dolly nung nakaraan, bakit naman tinotoo niya.
"No." Tanggi ko matapos makabawi.
"Yes." Matigas na sagot ni Theo.
"No-"
"You know how persistent Mom is."
Gusto kong magwala, nasuntok ko tuloy si Theo sa dibdib kaso walang bigat iyon. Nakakapanghina ang balita nya.
"Sabi ko sa nanay mo hanapan ako ng mapapangasawa, hindi bigyan ng shares!"
Executive position? Company shares? Hindi ako natutuwa dahil mas mahirap na trabaho ang nakikita ko. Pinanganak ba ako para maging alipin ng mga Lopez? Mukhang hindi ako favorite ni Lord, hindi na talaga ako makakapag-asawa.
Naninikip ang dibdib ko kaya walang salita ay nilayasan ko si Theo pabalik sa aking cubicle. Pagkarating ay dali-dali kong binasa ang email ni Tita Dolly.
"Good day dear Heather,
I hope you are doing fine.
The end of fiscal year is approaching, your Tito and I are in talk about the position reshuffling within the organisation. We wish to invite you to a dinner meeting here in the mansion tomorrow. I've asked my son regarding your availability in case of meeting conflict. Be here before dinner time.
PS. I've got new bonsai, can't wait for you to see it.
Regards,
Dolly L"
Walang nabanggit sa email na babahagian ako ng shares o bibigyan ng executive position. Kung hindi sinabi ni Theo ang tungkol doon hindi ko mamasamain ang email na ito, kaso may ideya na ako.
Maaari na nang pa-power trip lang si Theo kanina sa taas. Pero seryoso kasi ang mukha nito. Sabi pa ni Anjie na pagod ang boss niya, effort naman kung mangpaprank pa.
Puwede ko naman sila hindi siputin bukas pero malamang na hindi papayag si Theo. Magsakit-sakitan kaya ako?
BINABASA MO ANG
Love, Heather
RomanceAng goal ni Heather ay makapagtapos ng pag-aaral, makakuha ng medalya pagkagraduate, makapasok sa magandang kompanya, yumaman at kalaunan ay bumuo ng sariling pamilya. Nakamit naman nya iyon bukod sa panghuli. Paano'y ginawa syang anino at sekretary...