Yara's POV
“Magandang umaga, D'yos.” Bumaling sa akin si Agatha. “Magandang umaga din, queen.” Ngumiti ito.
“Good morning din sayo, Agatha.” Bati ko pabalik sa kanya.
Tumayo si Tyzell galing sa kanyang pagkakaupo, lumapit ito kay Agatha na nakatayo lang sa aming harapan.
Kita kong may inilabas ang asawa ko sa kanyang bulsa. Isang maliit kulay itim na box iyon. Inabot ni Tyzell yung box kay Agatha, agad naman iyung tinanggap ng babae.
Napakunot ang aking noo nang makita kong may ibinulong si Tyzell kay Agatha. Pakiramdam ko ay napaka importanteng bagay iyung ibinulong ng aking asawa kay Agatha. Isang importanteng bagay na mukhang bawal kong malaman.
Medyo nilamon ako ng kuryusidad dahil doon. Salubong na salubong ang dalawa kong kilay habang nakamasid sa kanilang dalawa.
May mga pinag-usapan kasi sila ngunit hindi ko iyon marinig. Masyado kasing maliit at mahina ang kanilang mga boses. Mukhang isang sekreto iyon na hindi ko pwedeng malaman.
Ilang sandali pa ay natapos din sila sa kanilang mga pinag-usapan. Muling umupo si Tyzell sa aking tabi. Si Agatha naman ay ngumiti lang sa amin habang binubulsa niya yung maliit na box na ibinigay nitong asawa ko sa kanya.
Ano kaya ang laman nung box na iyon? Bakit parang ayaw ni Tyzell na makita ko ang laman non.
“Agatha will stay here with you until I get home to-tomorrow.” Hinawakan niya ang aking dalawang kamay. “Wife, gusto kong mangako ka sa akin na hihintayin mo ako kahit na ano man ang mangyari.”
Kumunot ang aking noo. Nagtataka ang aking mga mata na tumingin sa kanyang mga mata. “Bakit? May mangyayari bang hindi maganda doon sa pupuntahan mo?”
Bumuntong hininga lang siya. “I promise I will back to you no matter what happens.” Hinalikan niya ako sa akong noo.
Tumagal ng ilang sigundo ang paghalik niya sa akin doon. Parang sinisimot niya ang oras na kapiling niya pa ako.
“Hindi lang transakyon ang pupuntahan mo sa Japan, tama?” Seryuso kong tanong sa kanya matapos niya akong halikan sa aking noo.
Humigpit ang pagkakahawak niya sa aking mga kamay. “May isang maliit na bagay lang akong kailangan ayusin sa Japan, wife. Hindi naman iyon delikado.”
“Paano mo nasabing hindi delikado? E, tungkol naman sa underground society ang aasikasuhin mo doon.” Lumunok ako. “Sasama ako.” Mariin kong bigkas.
Kita ko kung paano dumaan ang gulat sa mga mata ni Tyzell. “No! Hindi ka pwedeng sumama sa akin, wife.”
Mabilis akong umiling-iling. “Sasama ako. Pakiusap, Tyzell, pasamahin mo ako.”
“But you're pregnant, I don't want you to get into trouble, wife. So please, stay here in our house.” Hinalikan niya ang likod ng dalawa kong palad.
“Ayaw mo akong masali sa mga gulo pero lalayo ka naman sa akin, lalayo ka sa amin nitong anak natin.” Tukoy ko sa batang laman ng aking sinapupunan. “Mas gugustuhin ko pang mapalapit ako sa mga gulo kaysa sa mapalayo ako sayo. Sayo lang ako nakakaramdam ng kaligtasan, e. Kahit na ilang batalyon na bodyguard pa ang iyong uutusan na bantayan ako ay hinding-hindi ako nakakaramdam ng kaligtasan kasama sila. Sayo lang ako ligtas, Tyzell.”
Mariin siyang napapikit at sunod-sunod na napabulong ng malulutong na mga mura.
“Wife, please, understand me.” Ngumiti siya sa akin. “Babalik ako, pangako.”
“Ayaw kong umasa diyan sa pangako mo, love.”
“Hindi ako paasa, wife. I know how to fulfilled my promises, trust me.” Nagsusumamo ang kanyang mga mata na tumingin sa mga mata ko.
BINABASA MO ANG
MY FRIENDS SOLD ME TO A MAFIA LORD TO BE HIS VIRGIN WIFE (COMPLETED)
ActionSi Yara ay isang magaling na detective, isang araw ay bumisita ang kaibigan niya sa agency nila sa bahay nila ng mga kaibigan niya, kinausap siya nito para sa isang misyon. Ang misyon na 'yon ay ang magpapakasal siya sa isang kinatatakutan at pinaka...