RAW 1

17 0 0
                                    

Wala na bang ibibilis ang bilang? Kasalanan ko bang nakaka-antok sa klase n'ya kaya hindi ko mapigilan ang humikab nang humikab? Nakakasagot naman ako sa mga tanong n'ya ah? Kahit hindi naman ako sobrang nakikinig, naiintindihan ko naman.

"1... 2... 3-7, 1... 2... 3-8, 1... down, down, down pa... Ms. Razon! you're already a second year criminology student, still not learning? sige ibaba mo pa 'yan at 'wag mong itataas hanggat wala akong sinasabi!" nakakahiya naman talagang masigawan ng chocolate na 'to lalo na sa harap ng mga bagong k-klase ko. 

Tanginang push-up 'to, hindi ko na kaya!

Our class ended up like shit, maybe just for me. Sino ba'ng hindi maiinis kung na-late ka lang ng ilang segundo ay pinag-duck walk ka na, mula front door ng room namin until I reached my seat that literally located at the back. 

Criminology's good, I'd really enjoy studying this course. I learned a lot and at the same time, I know that this 'a lot' is not just that 'a lot' kapag nasa serbisyo na 'ko. 

I think I'm one of the luckiest, nag-aaral ako sa isa sa mga hinahangaang Unibersidad sa Pilipinas. My parents didn't contradict my decision upon taking this course, they're always supportive. We're not really rich, sakto lang para mapunan lahat ng pangangailangan ko at  ng kapatid ko. 

"Justicia!" napangiwi ako nang marinig ko ang sigaw ni Rue. I'd somehow hate my name even though I want justice... for all, kaya ko nga kinuha 'tong kurso na 'to diba? "Grabe naman yung pa tiger look mo Ma'am, parang papatay ah?" I rolled my eyes. 

"Oo, at ikaw ang uunahin ko, ang sarap mo i-trial by ordeal." I spat. Alam n'yang ayoko sa pangalan na 'yon, pakiramdam ko kase ay ako ang humihingi ng hustisya. She raised her hand like someone pointing a gun at her. 

" Yes Ma'am, chill...balita ko pinag-initan ka raw ni Chocolate ah? " I just rolled my eyes, napakabilis naman talaga lumipad ng chismiss. 

" Na-late lang naman ako ng ilang segundo, pinag-duck walk na'ko. Napahikab lang ako, pinag-push up pa, makatarungan ba 'yon sa unang araw ng pasukan?" lalo pa akong nainis ng humalakhak s'ya, tanga yata 'to.

" 'To naman parang bago pa sa Crim, first year yarn? Second year na tayo uy! hindi na dapat bago sa'yo yung mga gano'n at naging Prof na natin 'yang si chocolate ah, kilala mo na kung pa'no mag handle ng mga estudyante n'ya yan." 

She's right, Crim's good and also sometimes Crim's hell. College of Criminal Justice Education here's always on Top 3 in Criminology Licensure Exam. What do you expect? Syempre napakataas na expectation ng mga Prof  sa mga students nila. 

" Anyway, may nakita akong mga pogi kanina-" kung may ii-ikot pa ang mata ko ay naiikot ko na, we're in a library right now, tutulog sana ako dahil hindi ako nakatulog ng maayos kagabi kase may lumipat sa tapat ng inuupahan kong apartment.

 Alas dose ba naman ng gabi, naghahakot ng mga gamit and hindi pa natapos doon dahil hanggang alas kwatro ng madaling araw eh nagawa pa nilang mag-inuman sa labas na katapat lang ng terrace ko. Hindi ako nakatulog ng ayos kase ang lakas ng boses nila habang nag c-chikahan. 

"Eto na naman po tayo sa mga pogi ni Ruela..."

"Talaga ba Justicia? Baka mamaya, makita mo yung mga tinutukoy ko ay mag-laway ka." natigilan ako, oo nga naman. Pero kase I'm trying to focus on me now, kakagaling ko lang sa nakaka-gagong relationship kaya nakakadala mag pogi hunting sa ngayon, siguro ay tsaka na lang. 

" Hoy Ruela, baka nakakalimutan mong apat na buwan pa lang akong single. Wala pa 'kong balak mag commit ulit." utas ko. 

"Duhh, sino bang may sabing jowain mo? Sabi ko lang naman may gwapo, wala naman akong sinabing jowain mo at hindi ka naman papatulan ng mga yon." kung ikamamatay n'ya lang ang tingin ko ay may crime scene na rito ngayon. Hindi na s'ya tumigil humalakhak. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 17, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Right After Wrong (Criminology Series #1)Where stories live. Discover now