2

41 0 0
                                    

Characters:

Lance Kristofer Dy = “Dylan” or “Tofer”

Bianca Marie Velo = "Bianca"

Ryan Lee = “Ryan”

Niña Angeline Hernandez = “Niña”

Nathan Dizon = "SangMin" or "Nathan"

Carla Gamboa = "Carla"

Mae Aduna = "Mae"

Stephany Ablir = "Steffi"

Kristofer Dy

 - Bianca and Dylan's son (season 2)

Kris Dy

– Dylan’s brother

Larry Dy – Dylan’s dadKristy Dy – Dylan’s mom

Mar Velo

- Bianca’s dad

Chapter 1

After 3 years and 6 months

Grabe, after three years at ilang months andito na ulit ako.. nasisinghot ko na naman ang pulusyon ng pilipinas! Haaaayy grabe.. ang tagal ko din palang nawala, ang tagal kong nag bakasyon.. ang dami kong namiss dito. Pero ok lang rin, palagi naman akong updated kay Mae at Ryan eh. Ayon, ano pa nga ba? Nalaman ko na lang na nagpakasal yung dalawa! Pero ‘secret’ lang daw yun, sayang daw at wala ako.. si Carla at Vander may baby Bella na. Ako? Ano nga bang balita sakin? Wala.. ganun pa rin. Nag stay lang kami ni Sang Min sa Korea for 8 months tapos nag punta na kami sa London para tapusin yung mga kelangan tapusin. After nun bumalik ulit kami sa Korea kasi yung dad niya namimiss na daw kami!

Tama, kami. Kami na nga ni Nathan. Siya ang nag palakas ng loob ko para makalimutan si Tofer.. ay hindi na pala dapat Tofer ang tawag ko sa kanya, Dylan na lang dapat. Pero ang tanong ko lang minsan sa sarili ko.. nakalimutan ko na nga ba siya? O in denial lang ako.. oh well. Ayoko na lang isipin yun. Eto ako, naka upo sa may airport ng pilipinas, nag hihintay ng sundo… samantalang sila--

“MOM! MOM! Looky looky, uncle Sang Min bought me a wowipop!”

Si Kristof, siya ang aking buhay ngayon.. siya nag papalakas ng loob ko sa araw araw na dumating.. pag namimiss ko ang pilipinas, iniisip ko lang na kung hindi ako umalis ng pinas, siguro.. wala sakin si Kristof..

“A lollipop? Wow! Did you thank uncle Sang Min?” nag nod lang ang baby ko.

“Hun, parating na siguro yung driver, sabi kasi ng maid kanina pa raw umalis, so andito na yun in a minute.” Sabay kiss sa pisngi ko. “Hindi mo ba tatawagan sila Carla at Mae para sabihing andito ka na?”

Carla.. Mae.. Oo nga pala.. kelangan ipaalam ko sa kanalina na nandito na ko sa pilipinas..

“Hinde, wag na muna. Baka magulat lang sila pag nakita nila si Kristof eh.. tsaka na lang siguro pag handa na ko mag pakita sa kanila..”

Hinawakan lang ni Nathan ang kaliwang kamay ko at ngumiti.

“Mommy.. im hungry.. di pa tayo kain?” binuhat ni Nathan si Kristof

“What do you want to eat naman?”

“Mmm…MCDONALDS!!”

“Okay! Then we’ll eat at McDonalds, ok?” haay. Spoiled talaga si Kristof kay Nathan. Haay pero masaya ko kasi alam kong mahal ni Nathan si Kristof.

Dumating na yung driver nila Nathan after ilang minutes. Dumiretso kami sa unang Mcdo na nadaanan namin para makakain. Pagtapos naming kumain umuwi na kami sa bahay nila Nathan sa may.. BF Parañaque. Masyado kaming malapit sa mga kakilala namin, baka mamaya kumalat na nandito na ko sa pilipinas. Kelangan ko gumawa ng paraan para walang makakilala sakin.

Nakaupo ako sa may sofa sa may living room. Nagiisip.. nagmumunimuni. Si Nathan at Kristof naman nasa kwarto, nag lalaro.

Ang tagal ko rin pala talagang nawala dito sa pilipinas.. ang daming nag bago. Wala akong halos masabi. Nung dumating kami ni Nathan sa Korea, naculture shock ako eh. parang ako lang magisang taga earth dun, kasi lahat sila nag kokoreano! Ang alam ko lang naman na salita is Sa Rang Hae.. dun nung ipinakilala ako ni Nathan sa Dad niya grabe tuwang tuwa. Sabi ni Tito mabuti daw at pilipina na tipuhan ni Nathan, at maganda pa raw napili niya. Syempre ako naman tuwang tuwa! Mahal ko na kagad tatay ni Nathan nung sinabi pa lang niyang maganda ako! Hehe! Yung mom naman niya pure Korean, nakakatuwa kasi nag tatagalog na rin siya. English tagalong Korean dun sa bahay nila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 10, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon