PAHINA 3

5 0 0
                                    

umaabot tayo sa puntong muntik na natin bitawan ang isa't isa dahil sa pag-aakala natin na sa pag hihiwalayan natin mahahanap yung peace na hinahanap natin.

pero hindi.

dahil parehas naman nating alam na ang isa't isa ang pahinga natin na, na sa isa't isa natin yung peace na gusto natin.

iisipin ko palang na wala ka parang hindi kona kaya isipin pa ‘yon

sanay na ako sayo

sa mga payo mo, sa mga matatamis mong salita, sa boses mo, sa presensya mo, sa pagmamahal mo, sa pag-aalaga mo, sa mismong ikaw.

 

at iisipin ko palang na hindi ikaw ang kasama ko ay para bang hindi ko kaya dahil gusto ko ikaw lang gusto ko ikaw lang gusto ko at mahal ko, ikaw lang ang gusto ko bub
 
 
 
nakikita ko nalang yung ibang tao bilang normal lang dahil ikaw yung gusto ko e para bang babanggitin palang ang pangalan mo ay tila may espesyal akong nararamdaman, sobrang halaga mo sa 'kin kaya kung tignan ko nalang ang ibang tao ay normal nalang.
  
  
  
siguro sa tingin mo ay may mas better pa sa 'yo siguro sa palagay mo ‘yon pero saakin? wala.

 
hindi ko naiisip na may mas be-better pa sayo love dahil para saakin enough kana sobra sobra pa nga ang pagmamahal na binibigay at pinaparamdam mo saakin
 
 

kaya walang rason para ipagpalit o pagsawaan kita dahil masaya ako sayo mahal ko. ako na ang nag sasabi, masaya ako sayo at masaya ako sa relasyon natin kahit madalas ang tampuhan at away hindi ako magsasawang manatili sa 'yo at intindihin ka sa bawat sitwasyon.

hindi ko man naibibigay ang iba mong pangangailangan dala ng malayo ako sayo, pero ipinapangako ko na mamahalin kita ng tunay at iingatan kita tulad kung paano ka ingatan nila tito tita at ni lola

mamahalin kita ng tunay at magiging tapat ako sayo.

hindi ko magagawang lokohin ka mahal ko, dahil lumaki ako sa pamilyang maayos at tinuturuan kami ng tama at habang lumalaki ko ay nasaksihan ko kung paano mahalin ng aking mga magulang ang isa't isa nakita ko kung paano sila magmahalan ng tunay at paano sila maging tapat sa pagmamahalan nila

at sa tingin ko na adopt ko ‘yon

  ———————————————————————

MENSAHE

kung ang buhay ay isang libong
ang nakilala ka ang paborito
kong kabata.

sa isang libong pag-iisip
wala don ang iwan ka.

minamahal kita at minamahal kita
sa lahat ng pagkakataon.
 
 

at bakit ako mapapagod sayo
kung ikaw nga ang pahinga ko.
 
 

alam kong walang kasiguraduhan
ang lahat pero handa ako maging
sigurado sayo.
 
 

at sana palagi nating aayusin ang
bawat tampuhan at away.





totoo ang mga salitang aking binibitawan   dahil hindi naman nagsi-sinungaling ang nararamdaman.

PahingaWhere stories live. Discover now