Hindi ko alam kung paano ako dapat mag-react ngayon. Parang hindi talaga totoo lahat ng mga nangyayari parang binibigyan ako ng masamang panaginip na ayaw matapos. Kahit pa ulitin ko nang paulit-ulit sa isip ko, hindi pa rin tinatanggap ng buong sistema ko, ng buong pagkatao ko, ang katotohanan na tapos na. Tapos na talaga ang pagiging Melody Athaya Guevara ko.
I really didn't think this would happen to me. Sa lahat ng mga bagay na pinagdaanan ko, sa lahat ng mga pagsubok na hinawakan ko, hindi ko man lang naisip na aabot ako sa ganitong punto.
In just pan of hours, I am no longer single.
I am now married and from this very moment I am now Melody Athaya Hideko. Hindi ko maintindihan kung ano ba talaga ang meron sa epilyidong iyon basta ang alam ko lang, tuwing naririnig ko o binabasa ko ang epilyido na iyan, punong-puno ako ng galit. I will hate that surname forever.
I just hope this is all just a dream... I really hope this is just a bad nightmare that I will suddenly wake up from at any moment.
“Let’s go inside. So you can change your dress. I know you wanted to take them off earlier.”
Sinamaan ko siya ng tingin, hindi ko na itinago ang pagkainis ko. “Are you serious? Wala akong gusto, Rein. Itong dress na ’to, ayaw ko nito at mas lalong ayaw ko na maging asawa ka!” galit kong sigaw sa kanya.
Parang sumikip ang dibdib ko habang sinasabi ko ’yon. Lahat ng inipon kong galit at sama ng loob, sabay-sabay na lumabas. Pagod na pagod na akong magpanggap na okay lang ang lahat, pagod na akong sundin ang mga bagay na hindi ko naman ginusto.
Wala akong pakialam kung marinig kami ng driver. Hindi ko na inisip kung nakakahiya o kung anong iisipin niya. I was just saying the truth. Matagal ko nang kinikimkim ang mga salitang ’yon at ayoko nang pigilan pa ang sarili ko.
Hindi ako magsasawang iparamdam sa kanya na mali ang decision niyang pakasalan ako. Mali para sa akin at mali para sa buhay na ayokong pasukin. Kahit ilang beses ko pang sabihin, kahit magsawa pa siya sa pagtutol ko, hindi magbabago ang nararamdaman ko.
Suot ko man ang dress na simbolo ng kasal na hindi ko ginusto, malinaw sa isip ko na hindi ako magiging masaya sa tabi niya.
Sinamaan niya ako ng tingin. "Are you going inside our house or are you just staying in the car?" inis niyang tanong, obvious na bad trip na siya.
Hindi na ako nag-aksaya ng oras para sagutin siya. I just rolled my eyes, ramdam ko ang bigat ng hangin sa pagitan namin. Akma na akong bababa ng kotse nang ilahad niya ang kamay niya, parang inaasahan na tutulungan niya ako. Pero bago pa niya ako mahawakan, mabilis kong hinawi ang kamay niya at bumaba ako ng sasakyan nang mag-isa.
Hindi ko kailangan ng tulong niya. Hindi ko kailangang umasa sa kanya para lang makalakad o makapasok sa bahay na ‘yon. Kaya kong gawin ang lahat nang mag-isa. Matagal ko nang natutunan na sariling lakas ko lang ang aasahan ko, lalo na ngayon na pakiramdam ko ay isa na lang akong bisitang napilitang manatili sa buhay niya.
Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala siya. Masyado akong distracted sa sarili kong inis kaya nagulat na lang ako nang maramdaman kong hinawakan niya ang braso ko. Mahigpit. Walang tanong, walang warning. At bago pa man ako makareact, hinila na niya ako papasok.
Wala na akong nagawa kundi magpahila. Hindi ko na pinilit kumawala dahil alam kong useless din naman. Sabay kaming pumasok sa loob ng bahay, ang bawat hakbang ko ay mabigat, parang pilit na pilit ang katawan ko na sumunod.
Oo, bahay namin. Kahit ayokong aminin, kahit ilang beses kong itinanggi sa sarili ko. Bahay namin ito ngayon. Kahit ilang beses akong tumanggi, kahit ilang beses kong iparamdam na ayoko sa sitwasyong ‘to, wala na akong choice.
YOU ARE READING
Bound By Love And Debt (Hideko's Club #1)
RomanceShe said no to the man she loved. Not because she didn't want him. But because loving him meant losing everything. Sold to save her family, she finds herself bound to a stranger-trapped in a marriage built on debt, not love. Now she must choose: pr...
