Synopsis:

4 3 0
                                    

Inis kong binuksan ang sasakyan at pinatakbo ng mabilis. Isang lugar lang ang nasa isip n'yang puntahan ngayon.

***

"Magandang gabi ho ma'am, sino po ang pakay nila?" Tanong ng guard.

Sinabi ko sa kanya ang pupuntahan ko at tumango siya. Saglit pa syang lumayo at may kinausap sa telepono. Maya maya pa ay lumapit sya sakin at inabot ang kapirasong papel.

"Thank you..." I said.

Tinignan ko ang address at umalis na. Madilim ang paligid pero maliwanag ang buwan kaya ipinagpatuloy ko ang pagmamaneho.

Sinulyapan ko ulit ang papel at saka tumingin sa malaking bahay na nasa harapan ko. Bukas pa ang mga ilaw. Isinuot ko muna ang jacket ko bago tuluyang bumaba.

Tahimik ang paligid kaya napalunok ako. "This is the reason I don't watch horror. Tss--

"Hoy!"

"Ay tangina!" Napatalon ako sa gulat.

Inis ko syang nilingon at sinamaan ng tingin. "Crazy.." bulong ko.

"Tss." Binuksan nya ang gate at pumasok na sa loob.

Sumunod ako sa kanya pero mabagal lang ang paglalakad ko. Muntik pa akong matapilok dahil sa dilim dito sa labas, kaya dahan dahan akong pumasok. Ayokong madapa.

Kumatok ako kahit bukas ang pinto.

***

Huminto kami sa isang malaking pinto at binuksan agad yon ng maid. Ngumiti muna sya sakin bago tuluyang senyasan ni Mrs. Mikaelson na umalis.

"This is your room Iha, tell me if you need anything so I can tell to manang Flor right away." Aniya.

Tinignan ko ang kabuuan ng kwarto at masyado itong malaki para sakin. Hindi ako nagrereklamo pero sadyang malaki talaga ang kwartong ito.

I cleared my throat before opening my mouth. "M-Masyado po yatang malaki ang kwarto ko?" Tinignan ko si Mrs. Mikaelson pero lumagpas ang tingin ko sa kanya at nagtuloy sa nakabukas na pinto ng banyo ng kwartong ito.

Kumaway si Mrs. Mikaelson sa anak "Oh, Iho you're here! Do you need anything? Tamang tama, Cele just arrived ten minutes ago." She said and smiled at me. Ngumiti rin ako ng kaunti.

"We've met earlier..." He calmly said.

I looked at him and he's already looking at me. Tinaasan ko sya ng kilay.

'What?' bulong ko ng walang boses.

'Nothing.' sagot nya.

Kumunot ang noo ko. "Baliw..."

CelesteWhere stories live. Discover now