FIRST DAY
KANINA pa ako nakatitig sa nakabukas na cupboard dito sa kusina at iniisip kung paano ko makukuha ang cup noodles gayong nasa pinaka taas ito.
I looked around to see if anyone is here and I saw nothing. Marahan kong hinila ang isang dining chair para tungtungan. It's six in the morning so they're still probably sleeping.
"Gotcha..." Tagumpay kong nakuha ang cup noodles at isinira na ang cupboard.
Nalito pa ako nung una dahil hindi ko alam kung paano gamitin ang takure'ng nasa harapan ko. Iba kasi 'yon sa nakasanayan ko. Mabuti na lang at dala ko ang cellphone ko pagbaba kaya nag-search ako.
Nang matapos ay lumabas na ako sa kusina at dumeretcho na sa labas para magpahangin. Binati pa ako ng mga tagasilbi at tumango naman ako.
Pagkarating ay hinubad ko muna ang tsinelas ko at naglakad na sa pinung buhangin hanggang sa makarating ako sa parteng malapit sa tubig. Umupo ako at tumingin sa cup noodles na hawak ko. Walang tinidor!
Tatayo na sana ako para bumalik sa kusina pero may lumitaw na tinidor sa harapan ko at nilingon ko ang may hawak nito. Elijah's hand is in his pocket while looking at me seriously.
"Here." He said and sat beside me.
Inabot ko ito at ngumiti. "Thanks."
"Hmm.."
Pasimple ko syang tinignan pero sersyo lang syang nakatingin sa harapan na tila malalim ang iniisip. Mahilig nga pala ang isang 'to sa dagat.
"Stop staring at me woman." Sabi nya ng hindi ako nililingon.
Nagkunwari akong nakatingin sa likod nya at nagsalita. "I'm not."
"Tss." He hissed.
Elijah is not really like that. He's serious, but not that serious. He's quiet, but not that quiet. Ganon siguro talaga kapag nasaktan ang isang tao no? Napipilitang magbago kahit hindi nila gusto.
'Ang tanga mo kasi Celeste!'
"Alis na ako." Tumayo si Elijah at pinagpagan ang kanyang pajama.
Inubos ko ang natitirang noodles at tumayo na rin. "Ngayon na?" Tanong ko bigla.
Takha syang tumingin sa'kin. "You want me to stay?" He asked.
"H-Ha? N-No, go ahead.." Ngumiti ako ng kaunti at tinanguan nya lang ako at naglakad na siya paalis.
Nakatanaw lang ako sa kanya hanggang sa mawala na sya sa paningin ko at bumalik nalang sa pagkakaupo sa buhangin.
This place is beautiful and peaceful. I like it here. The house is huge itself, kasinlaki ng mansyon. Luma ang pagkakadisensyo ng bahay tulad ng mga ancestral houses, but, once na pumasok ka ay puro modern inspired ang mga furnitures. I guess they'd value the house that much. Kung may pinalitan man sila ay mga gamit lang then the rest is history. Matagal na kasi ang bahay na 'to. Generation to generation.
May swimming pool rin sa unang palapag at hindi kalayuan ang dalampasigan kung saan kasalukuyan akong nakaupo. Malapit ang dagat sa bahay na ito walking distance lang. May pathway na nagdudugtong sa likod ng bahay para makarating dito. Ang ganda nga eh. Hindi overcrowded ang lugar pero hindi rin naman maunti ang mga taong naninirahan dito. It's like living between rurality and urbanization.
Halos isang oras pa akong tumambay dito bago nagpasyang pumasok na sa loob dahil nakikinita kona ang pag-angat ng araw.
***
"How's your day Iha?" Mrs. Mikaelson asked me before chewing her food.
We're having breakfast now. Wala ang dalawang kapatid ni Elijah, may pinuntahan. Maaga namang umalis ang daddy nya. Kaya naman kaming tatlo lang ni Elijah at Mrs. Mikaelson ang nasa hapag.
"Okay naman po. I had a good sleep, Mrs. Mikaelson." I politely said.
Tinignan ko si Elijah na tahimik na kumakain sa harap ko.
"Ano ka ba Iha! Stop calling me Mrs. Mikaelson. It feels too old! Call me tita, okay?" Maktol ni Mrs. Mikaelson.
Ngumiti nalang ako. "Okay po."
Totoo kasi nyan ay hindi ako sanay sa pagtawag ng tita sa mga taong malapit sa'kin. Hindi ako kumportable. Ayos na sa'kin ang Mrs. at Mr., Iyong mga kamag-anak ko lang ang tinatawag ko ng ganon pero nagawa pa akong lokohin.
Kung nandito lang sana sina mommy and daddy.
Patuloy lang ako sa pagkain ng magsalita si Mrs--tita Helen. "Iho, kailan ang start ng first semester mo? Ready na ba ang mga gamit mo?" She asked Elijah who's still busy with his food.
I looked at him. Kanina pa sya ganyan. Halos matunaw na ang mga pagkain sa harap nya dahil sa pagtitig na ginagawa nya.
'Tss, wala namang aagaw sayo nyan eh!'
Bulong ko sarili.
"Yes, mom. Next week ang start." Sa wakas ay nag-angat na sya ng tingin pero sa akin unang tumama ang mga mata nya.
"That's good. Ikaw Iha? Ready na ba ang mga gamit mo? Sabihin mo lang sa'kin kung may kailangan ka at ipag-uutos ko."
Nagpunas ako ng bibig at tsaka tumango. "I'm good tita, may ilan nalang kulang but I can handle it myself. Lalabas po ako mamaya para don." Sagot ko.
"Oh, tamang tama! May inutos ako rito kay Elijah pwede kang sumabay if you want. Where's your car by the way?" She asked.
"Dala ko po." Sinulyapan ko si Elijah at nakakunot ang noo nya. "And tita ako nalang po, may pupuntahan din ako so baka matagalan." Dahilan ko. Honestly, wala talaga akong pupuntahan bukod sa bookstore pero 'yun ang sinabi ko. Mukha kasing ayaw nya ng may kasabay. Hindi nya lang masabi.
Alas dos ay naligo ako at nagbihis na para maaga akong makauwi. Kaunti lang naman ang kailangan kong bilhin.
"Kuya Danny, makikibukas naman po ng gate salamat." I politely said to kuya Danny. Si kuya Danny ang personal driver ng family ni Elijah.
"Yes ma'am!" Sumaludo pa si kuya Danny sa'kin at nagmartsa na para buksan ang gate.
Pinatunog kona ang sasakyan at sasakay na sana ako nang may napansin ako. Dahan dahan akong lumuhod para icheck ang kumikinang sa gulong ko. Nagulat ako ng may dalawang malaking pako ang nakabaon sa gulong ko! Bakit may pako ito?! At ang laki laki pa! Imposibleng nagulungan ko ito dahil ayos pa naman ito kagabi pagdating ko.
Nakakainis!
Pano ako aalis ngayon nyan? Kailangan kong dalhin sa talyer ito!
"What are you doing?"
Nalingon ko si Elijah. He's wearing white polo shirt and maong short together with his leather sandals. Naamoy ko rin ang panlalaki nyang pabango. I thought he leave already.
Tinuro ko ang gulong at nakasimangot na tinitigan ito. "I can't use my car, damnit."
Tinignan nya ang gulong ko pagkatapos ay kumurap sya. "I see..." He said and then walked away.
"Ha!" I groaned in disbelief.
Yun lang?! Yun lang ang reaksyon nya?! As in?!
"BEEP!"
Malakas na busina ang narinig ko kaya nilingon ko ito. Binaba ni Elijah ang bintana ng kanyang raptor. "Get in, woman!" Sigaw nya mula sa labas ng gate.
Naglakad ako papalapit sa kanya dahil hindi ko sya gaanong marinig. Ang ingay ng sasakyan nya!
"What did you say?" I asked him. Nakatayo ako sa harap ng sasakyan nya.
"I said get in the car!" Sigaw nya malapit sa mukha ko.
"Huwag ka ngang sumigaw!" Inis na sabi ko.
Sinamaan nya lang ako ng tingin. "Because you're deaf!"
Binuksan ko ang pinto at sumakay na. Hindi na sya umimik pa at pinaandar nalang ang sasakyan.