Prologue

6 1 0
                                    

Inayos ko ang eyepiece ng aking microscope. Practicals namin ngayon sa Microscopy sa Anatomy and Physiology lab. Inikot ko ng dahan-dahan yung knobs para makita ko naman ng maayos yung specimen sa slide.

"Madam, ang hirap naman netong ifocus!", ani Aienne habang binubutinting naman yung kanyang microscope.

"Miss De Guerra, third meeting na natin. 'Di pa rin kayo bati ng microscope mo? Last week pa kayong LQ.", pabirong sabi ni Sir Lucas nang marinig si Yen. Totoo naman kasi, imbis na nakikinig kasi habang may pre-lab discussion kami, asa labas naman si gaga at nakikipaglandian sa kanyang flavor of the week.

"Sir, feel ko andito na 'tong microscope na 'to nung tinayo yung building natin. 19kopongkopong pa ata 'to eh!" reklamo nanaman niya. Buti nalang at medyo bata pa 'tong mga professor namin kaya't medyo light pa silang pakisamahan. Ewan ko ba dito kay Yen, inuuna yung lovelife kesa sa pag-aaral, pag hindi naman niya trip, study first kuno.

'Di ko na pinansin yung mga sumunod n'yang reklamo, basta ako, busy na busy nalang sa pag-iidentify anong specimen ba 'tong nakikita ko. I smiled proudly as I saw the slide clearly. I raised my hand and called Sir Lucas para maicheck n'ya itong microscope ko.

He nodded then asked, "Anong specimen 'yan?".

I wrinkled my brows and checked the slide again. Hm, I see multilayered cells na iba't ibang size, tapos may hair-like structures sa labas. Pero kung papakatignan mo, parang isang layer lang s'ya. Umupo ako muli nang maayos, at tumingin kay Sir.

"Pseudo-stratified ciliated columnar epithelium, Sir!". Tumango muli si Sir and tinawag si Miss Marie. Natuwa naman ako nang marinig na sabihin ng professor kong may future ako sa histology. As far as I know, isa 'tong histo sa mga course na nakakaubos sa'ming mga MedTech. Kahit ilang weeks palang simula ng nagstart yung klase, lagi na rin akong napapansin ng mga prof ko. Hindi sa kalokohan gaya netong si Yen, kundi sa performance ko sa school.

"Girl, tulong! Ikaw na may laude laude!" Pangungulit ni Yen sa tabi ko. Tinawanan ko nalang at tinulungan 'tong kaibigan kong hirap na hirap na sa pagcacalibrate ng microscope.

"Thank you, Miss! Thank you, Sir!", bati namin nang palabas na kami ng classroom.

It was one stressful yet fulfilling day. Naglalakad na kami ni Yen pauwi sa Plaza de Anghel. It's already 6:30pm, pero hindi pa naman ga'no madilim ang paligid. Gawa na rin siguro ng July palang.

"Madam, hindi ka paba hinahanap? Alam mo naman si Auntie, ayaw na ayaw kang ginagabi.", bulong ni Yen habang naghihintay kami ng jeep. "Alam mo, Rae, 'di ko alam kung paano mo kinakaya magstay sa inyo. Ang tali-talino mo na nga, lagi ka pang inaaway ni Auntie.", dagdag n'ya.

Pinara ko naman yung jeep sa harap namin. Alam na ni Yen na hindi ako sumasagot kapag ganyan na yung topic. Hindi naman sa ayaw kong sagutin, I just choose not to.

The ride home was silent. Ramdam na ramdam kong tumitingin si Yen sa 'kin, hindi ko nalang 'to pinapansin. Sanay na kasi ako rito, sobrang maalaga s'ya sa'kin.

I bid Yen good bye as I reached my stop. It's already 7:30, sobrang traffic kapag Lunes at ginabi ka pauwi. Naglakad pa 'ko ng ilang minuto bago makarating sa dorm. This is the part where I stopped opening up to Yen. My mother left me, kicked me out of the house. Iniwan na kasi kami ni Tatay dahil sa bisyo niya't pambababae. Nang nalaman niyang nabuntis n'ya yung babae n'ya, itinakbo nilang dalawa pati pangtuition na inipon nila Ate't Kuya.

I've been living alone since I was in senior high, and I have been relying on myself since then. Sinubukan ko na ring kausapin sila Ate and Kuya, pero pilit na binablock ng mama ang communication ko sakanila. I miss them both.

I guess that's what life is when you're unwanted.

Hintayin n'yo lang, Mama and Tatay. You'll see that I'm worth something. You'll see that I'm more than less.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 16, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

More Than LessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon