7 Crush

324 25 8
                                    


GLAIZA

Buti na lang off ko bukas. I feel drained. Iniisip ko pa din ang mga nangyare. I smiled at the thought that Rhian is taking my side. 

Wala sa sariling nahawakan ko ang pisngi ko na hinalikan niya kahapon. Ang swerte ng taong sunod na mamahalin niya.

I don't know pero parang gusto ko siyang protektahan, lalo  na sa Borsok na yun! When I see Rhians bruise parang gusto kong manapak ng tao. Kaya I decided to take her kung saan sila kakain, good to know na sa RK sila pupunta. Tinawagan ko si Angge na tutukan ang grupo nila Rhian at asikasuhin sila ng maayus not being obvious na si Rhian lang talaga ang gusto kong mamonitor dahil siguradong aalaskahin na naman niya ako at magtsismis siya agad kina Kath at Batchi.

Hindi ko pala makikita si Rhian bukas . Haist, ano ba 'to bakit namimiss ko naman ata siya agad.
Tanungin ko kaya siya kung kailan off niya? Hindi kaya ako maging obvious?

Magmessage kaya ako sakanya? Ano naman ang sasabihin ko? Napakamot batok na ako dahil first time kong maging ganito. Sa states kasi sunggab agad wala ng text text or chat chat. Liberated kasi doon. Though alam kong may lahi si Rhian but still hindi naman siya yung tipo na ihihit and run sa kama.

Uuwe na lang siguro ako ng maaga. Bibisita na lang ako bukas sa company or I'd rather say magaaply ako kuno sa sarili kong kumpanya. Inayos ko na ang mga gamit ko para makapag out na  ako.

" Hey G, uuwe ka na?"-biglang bungad ni Bianca. I look around looking if kasama niya si Rhian pero wala.

" Hi B yeah,wala naman ng gagawin at off ko naman bukas"-sabi ko.

" Oh really? what a coincidence. Pauwe na din si Rhian and off niya na din bukas. Pwede bang isabay mo na siya pauwe kasi for sure nandiyan na naman yung ex niyang abangers. At pag off niya nag ooff din si Chief kaya hindi niya naeenjoy ang araw niya. Ikaw na bahala sa Bestie ko ha? I trust you more than I trust those a**holes"-sabi niya.

" Enjoy your day tomorrow G"-pahabol niya.

Napangiti naman ako dahil mukhang nasa side ko din si B. Pagkatapos kong ayusin ang mga gamit ko ay hinanap ko na si Rhian. Maybe I can invite her for dinner tonight bago ko siya ihatid pauwe.

" Hey Rhi, going home?"-kunwa kong tanong.

" Yep but I will leave my car here cause Jason just call me that he'll pick me up"-naiinis niyang tanong.

" Oh may usapan ba kayo?"-dismayado kong tanong.

" He just came here unannounced. Nakakainis na talaga siya"-she blurted in annoyance. Pero mas lalo yata siyang gumaganda pag naiinis.

" Sayang pauwe na din kasi ako eh. Invite sana kitang magdinner dun sa kinainan niyo last night"-sabi ko at kita kong nagliwanag ang mukha niya sa sinabi ko.

" Are you inviting me for a date?"-deretsong tanong niya.

" Ha? date na ba yun eh kakain lang naman tayo"-tarantang sagot ko.

" Hmp! eh anong tawag mo dun sa pag invite mo?"-pikon niyang sabi.

" Ahm wala.  Or baka may plan si Jason for you tonight. Sige I'll go ahead na"-paalam ko.

" Hmp. Bato talaga neto!"-rinig kong bulong niya pero sumunod din naman sakin.

She called Jason at sinabi niyang hindi pa siya uuwe. Kita kong nasa labas na nga ang lalaki at dismayado ang mukha habang papasok sakanyang sasakyan.

SURGEONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon