"Ma'am, out na po ako!" paalam ko sa aming Manager-in-Charge bago iscan ang daliri sa biometrics.
"Anong station ka ulit, Ash?" tanong ni Ma'am Angel habang nakaharap sa monitor sa loob ng opisina.
"Lobby po ma'am, Nacheck na rin po ni Ma'am Joyce yung turn over ko po" mabilis kong sagot, tukoy ko sa isa pa naming MIC.
"Dumating narin po yung katurn-over ko Ma'am" pahabol ko sa kanya.
"Okay sige, ingat ka sa pag-uwi" tumingin siya sakin ng nakangiti tapos ay bumaling ulit sa harap ng monitor.
Pagkatapos kong mag time out ay mabilis akong pumunta sa locker namin para magbihis. May pasok pa ako mamayang 4:30pm at alas cuatro yung labas ko dito sa Mcdo.
"Chief, uwi na po ako" paalam ko sa security guard ng tindahan para macheck na yung bag ko na dala.
"Nagmamadali ka na naman Ash." sabi niya sabay tawa pagkatapos macheck ang laman ng bag ko.
"Ano pa nga ba Chief, may pasok ulit ako." saad ko at umalis na.
Pagkadating ko sa room namin ay agad akong sinalubong nila Dave at Miguel. Naging magkaibigan ko sila simula nung senior high school palang kami at ngayon naman na 2nd year college na ay kasama ko pa rin sila.
" Ano ba yan Ash, tatalunin mo ba ang Prof natin sa pagiging on time at dalawang minuto nalang bago mag 4:30pm saka ka lang dumating?" Bungad ni Dave sakin nung naka upo na ako. Pinapagitnaan din ako ng dalawa.
"Manahimik ka Dave, sumasakit ang braso ko kaka-mop sa trabaho" reklamo ko kasi totoong masakit ang braso at kamay ko.
Sobrang bigat naman kasi ng mop doon sa trabaho. Para ka naring nagbuhat ng sampong libro. Hindi pa nakakatulong na andaming bata kanina na customers kaya tapon dito, kalat doon.
"Oh, uminom ka muna ng tubig" sabay bigay sakin ng mamahalin na lalagyan ng tubig ni Miguel.
Isa akong scholar dito sa isang pribadong paaralan sa Cebu City kaya nagseseryoso ako sa pag-aaral habang nag papart-time sa isang fast-food restaurant.
May mga magulang pa naman ako at isang matandang kapatid na lalaki pero gusto ko pa rin ma-experience ang ibang mga bagay. Sakto lang ang kinikita nila papa para sa pang-araw-araw namin. Dagdagan pa ng kapatid ko na walang ginawa kundi magtambay at bisyu.
"I told you that you can work on our resort" dagdag pa ni Miguel.
Binaba ko muna ang kanyang tumbler bago sumagot.
" Saka na, pag-iisipan ko. Sayang naman yung nasimulan ko dun. Thanks " sagot ko sabay sauli ng kanyang tumbler.
Tumango nalang siya at maya-maya naman ay dumating na si Atty. Alcala para simulan ang discussion kaya hindi na kami nakapag-usap. Law on Partnership and Corporation ang kanyang subject na isa sa mga major namin this semester. Business Administration kasi ang kinuha naming course.
I've always been dreaming to become a business owner someday. To live by the mission and vision of my business and to help other people for a long term cause.
"So partnership is a contract whereby two or more persons bind themselves to contribute money, property, or industry to a common fund, with the intention of diving the profits among themselves" panimula ng aming Prof.
Nakinig ako ng mabuti sa aming professor. Isa si Atty. sa mga paborito kong teacher dito sa course namin kasi pinapaintindi talaga niya sa amin kung ano ang ibig sabihin ng phrase or sentence na nasa libro namin kaya naging madali lagi sa amin ang kanyang mga klase.
"Is there anybody who can answer me, when is the contract perfected?" tanong bigla ng aming prof.
Nagtaas naman ng kamay si Miguel.
YOU ARE READING
Give it all (Sanchez Series #1) ON-GOING
RomanceAshley Grey Sanchez is not your typical kind of girl, almost like a boy. She knows her gender identity is female but the people around her tend to turn it up side down. You can't blame them because... Ashley prefer those loose tshirts, pants, dark...