Chapter One

29 4 3
                                    

 

Fam's POV



"Hindi ka na ba talaga mag babago?! Lagi ka na lang bang mambabae?!"





"Ano bang pinag sasabi mo?! Naniniwala ka sa mga chismis. Mas pinaniniwalaan mo pa ang mga chismosa kesa sa sarili mong asawa?!"



 

 

"Dahil hindi imposibleng gawin mo yun! Malandi kang lalaki!"





"Aba talagang!"





Akamang sasaktan ng papa ko si mama, pero pumagitna na ako sakanila habang umiiyak ako. Tinulak ko silang dalawa para magkalayo muna sila sa isat isa.




 

"Lagi na lang ba kayong mag aaway?! Wala na kayong ibang ginawa kundi mag away! Sa harap ko pa!. *sniff* Minsan na nga lang tayo mabuo, tapos magiging ganito pa?! Mag sawa naman kayo!" sigaw ko at tumakbo palabas ng bahay.





Tinatawag pa ko ng papa ko, pero hindi ko sya nilingon at nag patuloy ako sa pagtakbo. Sumakay ako sa kotse at nag pahatid ako kay manong sa kabilang subdivision.




 

"Tahan na po ma'am, magkakaayos din po ang mga magulang nyo" sabi ni manong.





Hindi na lang ako nagsalita at nakatingin lang ako sa labas habang patuloy sa pagtulo ang mga luha ko.





Lagi na lang silang nag aaway, walang araw na nag kikita sila na hindi sila nag babangayan. Simula ng mahuli ng mama ko ang papa ko na may babae, ay nawalan na sya ng tiwala kay papa. Hindi ko alam kung inuulit pa ba ng papa ko yun kaya ganyan na lang magalit si mama.





Kakauwi lang ng papa ko galing Germany dahil meron silang business trip doon, at meron nakapag sabi kay mama na meron nanaman daw babae si papa. At ang mama ko naman ay agad naniwala kaya ang dapat na masayang family bonding ay nauwi sa isang away.

How Can I?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon