Fam's POV
Pagkagising ko ng umaga, agad kong kinuha ko ang phone ko at nakita ang napakaraming message at missed calls ng mga magulang ko. I took a deep breath saka nilapag ulit ito sa kama. Ayoko na munang maalala ang nangyari kagabi. Ayoko munang isipin ang nasirang bonding namin.
Tumingin ako sa wall clock at nalaman kong 5am palang. Pag talagang sa ibang bahay ako natutulog, napaka aga kong magising. Pero pag sa sariling bahay at kwarto ko, tinatanghali ako.
Humiga ako ulit sa kama para matulog ulit, pero may narinig akong boses na namiss ko. Na isang taon kong hindi narinig. Dahil sa tuwa at excitement na naramdaman ko, nawala ang antok ko at agad na bumangon at lumabas ng guest room.
"OMO! I miss this house! Isang taon din akong nawala. Grabe!" rinig kong sabi ng babae mula sa baba.
Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ni Ice at lumabas siya na nag kukusot pa ng mata at halatang inis na inis. Haha siguro narinig niya ang boses ng babaeng kinaiinisan nya kaya ganyan siya.
"Bwiset! umagang umaga. Bakit ngayon pa dumating yan" inis na sabi niya. Tinignan niya ako at umaliwalas ang mukha nya. "Gising ka na rin pala, Fam. Haha. Good morning" bati nya. Hidni pala nya ako napansin kanina.
"Good morning din" bati ko sakanya saka siya nginitian.
"Nga pala, musta ka na? Ayos ka na ba?" tanong nya. Yung kagabi siguro ang tinutukoy nya.
"Yup." I assured him.
"GOOD MORNING KUYA YELO!!!!!!!" pareho kaming napatakip ng tenga ni Ice ng biglang bumati ng pagkalakas-lakas ang babaeng kaaakyat lang.
BINABASA MO ANG
How Can I?
RomanceBestfriend ko siya. Mula bata palang kami hanggang ngayon na malaki na kami. Meron na akong feelings para sakanya, pero hindi ko masabi dahil natatakot ako na baka mawala ang matagal naming pinag samahan, at paano ko sasabihin kung mahal niya'y iba?