6 - Asukal at Sili

156 13 35
                                    

"Only Jesus can give wholeness to a broken life." 😄 Have a blessed and wonderful day, guys! 😄😄

And to all insecure girls out there, I want you to know that you're fearfully and wonderfully made by God. Dont let other people change who you are. 😊😊😊

Vanessa's Point Of View.

"Nay, naka-uwi na po ako!" sigaw ko. Pumasok ako sa kwarto ko. Lumabas ako pagkatapos ko nilagay ang bag ko sa tabi ng kama ko at nagbihis. Umupo ako sa sala at nagpahinga. Tinaas ko pa mga paa ko, haha.

"Nak, paalala ko lang pag-aaral mo ha. Ayaw kong makita kang nahihirapan paglaki mo." Si Nay talaga, parati nya yan pinapaalala sa akin. Ganyan ang nanay ko, mabait, emotional kung minsan, pero parati ka nyang mamahalin. Kahit na nga si Angela, mahal na nya rin eh. "Opo naman, Nay! Ako pa!" ngiti ko sakanya.

"Nga pala, anak. May nanliligaw ba sayo?" Nanlaki mga mata ko nung pumasok ang mga salitang yun sa tenga ko.

"Nay, hindi naman po ako kagandahan para may manligaw sa akin!" biro ko naman. Pero hindi niya kinuha yun bilang biro. "Anak, gawa ka ng Diyos, wag mong sabihin na hindi ka kagandahan. Ikaw talaga." kinurot niya kaliwang pisngi ko. Uhruy, ang chubby chubby ko kasi...

Ito ang bahay namin. Hindi kami mayaman o mahirap. Simple lang. Hindi ako kasing yaman nina Darren o ni JK. Ito, may nanay ako, may tatay ako. May dalawa rin akong kapatid...... yun nga lang nasa langit na silang dalawa. Sa katunayan, ang sarap parin ng buhay kahit maraming sakit at kung ano pang negativity ang nararanasan ng karamihan. Pero, ako? Hindi parin ako susuko kay God.

Kahit na talikuran ako ng buong mundo, andiyan parin ang Diyos para sa akin.

Dito ako naniniwala: Kung may mangyari mang masama sa inyong buhay, isipin niyo nalang na may dahilan ang lahat. Malay mo, nangyari yun para sa ikakabuti mo. Hindi lang natin napapansin. (A/N: Lo, AMEN! 😂🙏)

Alas sais na, wala parin ako magawa. Nood, kain, review. Nood, kain, review. Oo, nagrereview ako. Naka-advance na nga ako ng 2 lessons sa tatlo naming subject eh! (A/N: wag assuming, vaness lol) Nakita ko yung computer. Halos isa o dalawang taon ko nang hindi na bubuksan Facebook account ko ah. Nagpopost ako, kaso hindi ako mismo.... si Nay.

Tinype ko na ang email account ko't password. Arghm, ano na kasi full name ni Darren? Ma-stalk nga. Hindi parin ako sumuko kahit nagiging bitter siya sa akin. Hindi parin ako nawalan ng pag-asa na.. magustuhan niya rin ako. (A/N: Umm.. kunyari nalang may FB si Darren ha)

Ano na kasi full name ni Darren?

Darren Lee ba yun? Lyndyn? Leo? Ano na kasi last name nun? Espanji? Espantero? Espanyol? Argh, hindi ko naman alam full name nun eh, paano ko naman mahahanap? Hayysss.. sumasakit na ulo na sa kakaalala sa pangalan niya.

Unti-unti nang bumigat mga mata ko at tuluyan nang sumarado.

***

"Nak, gising. Malalate ka na sa practice mo." narinig ko boses ni nay. Huh? Eh Saturday naman ngayon diba? Dumilat na mga mata ko at nakita ko sarili ko sa kwarto ko. Nakita ko ang sticky note na may nakalagay na "Saturday classes". Tsk, oo nga pala.

Pero, pano ako nakarating sa kwarto ko..? Naku, binuhat siguro ako ni tay... nanaman. Sinasabi ko naman kay tay na hindi na ko bata eh.

Pero wala eh, I'm still his little princess until now.

Bumaba nako sa sala. Pagtingin ko sa orasan...

7:35?!?!?!?

Hindi ko pinaniwalaan mga mata ko nung una, pero 7:35 na talaga! Tumakbo ako sa banyo at naligo sabay sepilyo. Lumabas ako ng bahay pagkatapos kong magbihis.... Hindi na ko kumain..

Second Choice [jk labajo and d. espanto fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon