The Start~

10 0 0
                                    

First day of school, as 4th year. Grabe, graduating na pala ako. Syempre, dapat cool ang uniform para madaming chicks! Basta last school year 1999-2000, wala kayo! Bilang ko ang mga babae ko: 187! Saan ka pa.

Naalala ko noon, school year 2000-2001. Ang laki ng pinagbago ng school namin dati walang mga benches ngayon meron na. Dati yung cover court namin may bubong, ngayon wala na! Napansin ko rin na nagbago na ang security guard ng school, dalawa kasi ang pangalan na tinatawag sa kanya. Nalilito tuloy ako, baka kasi doble kara!

Pagpasok ko ng school noon, ang una kong nakita ay ang mga kabarkada ko. Ayun dati pa rin kami, walang iwanan! Sina Chris Lloyd Pateng, Jeffrey Kyle Cortez Uprema, George Roy Pinetek, Patrick Linabhan at Renato Bato. Ayon, nagbatian kami, parang sampong millenium na hindi nagkita pero araw araw naman silang nasa bahay namin!

Sabi ni Renato "yeah! Damn! Bui maraming chicks!" Sumatsat naman si Jeffrey "haha, garu bui maasa ka na naman na madaming chicks ang malapit sayo!" Sabi naman ni Chris "grabe ka Pre, nasasaktan ang damdamin ni Renato my dear!" Ang sagot naman ni Renato "ewan ko sayo Chris, nakashabu ka na naman!" Sabi naman ni Chris "hanep ka Renato! Hunting nakita!" Ang sinabi ko naman "ngee! Yung iba naman mukhang pang shake, rattle & roll mga pare!" At tumawa silang lahat.

Sabi ni Patrick "tingnan nyo yun Pre, bottom to top ah! Maganda ang legs: check! Sexy: check! Ang mukha: si Shrek!" Nagtawanan na naman sila.

Ayon nagsalita na naman si Chris, "grabe ka Pre, nasasaktan na naman ang damdamin ni Renato, ex niya baga yan" at sinabi naming lahat kay Renato "sorry po!" Ala chichay mode. At nagpatuloy na kami sa paglalakad para hanapin ang classroom namin. Sabi ni George "uy mga Pare! Pumunta muna tayo sa Canteen."

At pumunta nga kami. Bumili kami ng Piatoss at Coke, ang paborito naming snack tuwing break time. Nagkwentuhan kaming magkakabarkada.

"Naaalala nyo pa ba mga Pre yung nabugahan ni Patrick noon at nagpipilit ng tawa?!" Sabi ni Renato. "Hanep ka man Pre! Atleast nagustuhan ako nung babae, HIPON nga lang siya!" Sabi ni Patrick.

Sabi ko naman, "sino baga yung ang nainom noon ay toyo imbes na coke, nakipagdiskusyon pa sa akin ay." "Yan! Si Jeffrey! Nagka UTI!" Sabi ni ni Chris. "UTI?" Tanong naman ni Jeffrey. "Ung Toyo Ininum" sagot ni Chris. "Tarantado ka talaga Pare kahit kailan!" Sabi naman ni Jeffrey.

At bigla akong tumingin sa kaliwa, nahiwagaan ako. Isang magandang babae, natulala, ang ganda kasi niyang pagmasdan. At ng mga oras na yun, sinasapak na ako ni George pero namamanhid ako. Parang dinedeclare noon ng puso ko "CRUSH ko siya."

"Pare! Ui Pare!" Bulong ni Patrick. "Ah, ano?" Sabi ko. "Kanina ka pa tulala dyan ah." Sabi ni Patrick. "Ah, wala yun bui" sabi ko. "Hala! Tara na mga Pare! Ma-time na, hahanapin pa natin ang classroom natin" sabi ni Jeffrey.

"Ayiee! Si Jeffrey sinisipagan ng mag-aral! Baka maging valedictorian!" Sabi ni Renato. "Haha garu! Syempre, ayoko ng mapagalitan ng nanay ko." Sabi naman ni Jeffrey.

"Tara na, tara na" sabi ni George. Sabi ko sa kanila "mauna na kayo." "Sure ka Pre?" Tanong ni Chris. "Oo, sige na, sige na" sabi ko. "Sige, kitakits na lang mamaya." Sabi ni Patrick. At nauna na sina Jeffrey, at ako tatanungin ko ang pangalan ng crush ko.

Pero ng palapit na ako sa kanya, umalis na sya ng table niya. Nalungkot ako pero sinabi ko sa sarili ko na hahanapin ko siya. At ginawa ko yun, halos nalibot ko ang buong school mahanap lang kung saang year at section siya.

At ayun, nahanap ko na rin ang classroom ko. Nakakainis nga lang at hindi ko kaklase ang mga kabarkada ko. Nakakainis nga at kaklase ko yung ex ko, nakokonsensiya ako at niloko ko siya.

Pero laking gulat ko, pagpasok ko ng classroom, di ko maintindihan! Grabe ang saya ko, toda max kung baga. Si CRUSH kasi, classmate ko! Gusto ko sanang tabihan siya kaso,baka sabihin niya feelingero ako at assumengero.

Nagsimula na akong dumamoves! Tinabihan ko siya at sinabi ko "Ui! Miss, anong pangalan mo? Alam mo ba sa exam ng puso ko ika'y pasado?" Takte, ang corny ko, urhmnnnn. Bigla siyang umalis at lumipat ng upuan.

"Ui teka lang! Pangalan mo di ko pa alam" haaay ang kulit ko talaga. "Pwede ba, huwag kang maingay. Tumahimik ka nga!" Sabi niya sa akin.

"Riiiiiiing" ay time na pala. Bago ako umuwi, nakita ko siya. Anyway, di ko pa rin alam ang pangalan niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 29, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ClassmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon