Ikalimang Kabanata

1 1 0
                                    

Ikalimang Kabanata

"Avery? Anak? Ready kana ba?" tanong sa akin ni inay

Tumango na lang ako sakanya bilang sagot.

Dalawang linggo na rin ang nakalipas simula nang malaman ko ang buong katotohanan. At ngayong araw na ito. Aalis na kami sa lugar kung saan ako sinilang, lumaki, unang nagmahal, at unang naloko na sa madaling salita ay nasaktan. Ang lugar ding ito ang nakasaksi sa kung paano ako umiyak gabi gabi. Ang baryong aking kinalakihan na akin nang lilisanin.. Ang baryo Maligalig.

Salamat, baryo Maligalig. Dahil sayo, naramdaman ko kung paano magmahal at masaktan. Natuto na ako na kapag nagmahal ako. Wag ibigay ang lahat. Matutong tirhan ang sarili.

Wag matulad sa dating ako. Nagmahal ng buo at sobra sobra. Nang malaman ang katotohanang niloloko lang pala, ubos na ubos na.

"Avery.. Pwede ba tayong mag usap?" tanong sa akin ni Kendrick

Tumango na lang ako sakanya. Magpapa alam na rin kasi ako sakanya. Pumunta kami sa gilid nang ilog.

"Avery, sorry sa lahat nang nagawa ko. Pls, Avery nagsisisi na ako. Avery, pls bumalik kana sakin." nagulat ako ng bahagya sa kanyang winika

"Nang iwan moko. Nang malaman mo ang totoo. Nang makita kitang nasaktan. Doon ko napagtanto. Ang isang bagay na akala ko ay wala lang." wika nya at hinawakan ang aking mga kamay "Avery... Mahal kita. Walang halong biro, mahal kita." dagdag nya

Kinuha ko ang kamay ko sakanya.

"Kendrick, sorry." panimula ko "Aalis na kami nang baryo Maligalig. P-paalam." dagdag ko

"Mahal kita ngunit tama na."

Huli kong wika at tuluyan na syang iniwanan.

Grabe. Andaming masasaya't masasakit na nangyari sakin doon sa may ilog na yun. Dinungisan nila ang favorite place ko.

Ang Ilog nang Maligalig, ang paborito kong tambayan dito sa buong baryo. Bukod sa maaliwalas, mahangin, at tanging huni lang nang ibon ang maririnig.. Iyan na rin ang ilog kung saan naging takbuhan ko noon pag napapagalitan ako o di kaya ay may problema ako. Ang Ilog nang Maligalig ang naging comfort place ko. Ngunit hindi ko inaakalang yan din ang lugar kung saan ko malalaman ang lahat.

Totoo nga ang sinabi nila na, kahit ano pa kaganda ang isang lugar, sasaktan at sasaktan ka pa rin nito. Even the beautiful roses has a thorns also.

Bago kami umalis. Nagtungo muna ako sa bahay nina tita Blessie para ibigay ang liham ko para sakaniya at kay Kendrick.

"Sige, ija. Asahan mong makakarating ito kay Kendrick." sambit nito at ngumiti

Nginitian ko naman sya pabalik at niyakap sya upang makapag paalam na.

Napagdesisyunan ko ring idaan na lang kina Iris ang liham ko para sa kanya dahil madadaanan din naman namin ang kanilang bahay. Nang makadaan kami sa kanila ay saktong papasok nang kanilang bahay ang mama ni Iris kaya't pinasuyo ko na lang sakanya ang liham at nagpaalam na rin sakanya.

I think.. This is it?

Salamat sa mga masasaya, malulungkot, at masasakit na ala ala. Baryo Maligalig.

Special mention:Ilog nang Maligalig

Kendrick's pov.

"Ijo." tawag at katok ni tita sa aking kuwarto

Binuksan ko naman ito.

"Bakit po tita?" tanong ko

"Pinabibigay ni Avery. Oo nga pala, umalis na sila." sabi ni tita at inabot sa akin ang isang papel na sa pagkaka alam ko ay isang liham

"Salamat, tita." pagpapasalamat ko

Nginitian nya naman ako at tinalikuran na. Sinarado ko naman na ang pinto nang kuwarto namin at agad nang umupo sa aking kama para basahin ang liham ni Avery.

Aking sinta,

Oh mahal ko. Kamusta kana?
Alam mo bang nasaktan ako nang sobra?
Pinagkatiwalaan at minahal naman kita.
Ngunit anong ginawa ko para ganituhin mo ako?

Nakakalungkot isipin na sinaktan mo ako.
Ngunit wala na akong magagawa pa dahil nagawa mona.
Pinagkatiwalaan ka namin, ngunit sinayang mo lang.
Ang sakit mo mahalin.

Hayst! Oo nga pala.
Lilisan na kami.
Iiwan na namin ang baryo Maligalig.
Wag mo nang tatanungin kung saan kami lilipat dahil hindi mo rin naman makukuha ang kasagutan.
Yun lang.
Paalam at patawad.

Mahal kita ngunit tama na.

Nagmamahal,
Avery.

Iris' pov.

Nakatulala lang ako sa salamin. Nagdadalawang isip kung babasahin ko ba ang liham ni Avery. Ngunit mas nanaig ang kuryosidad ko at binasa ko ang liham.

Iris,

Kung iniisip mong galit ako.
Ang sagot ko ay hindi.
Hindi ako nagalit sayo.
Nainis oo.

Nang malaman ko ang dahilan mo, naawa ako.
Hindi ko kailanman naisip na may maiinggit pa sa buhay na mayroon ako.
Buhay na isang kahig, isang tuka.
Pangarap lang ang puhunan.

Sa totoo lang Iris, gaya nang sabi ko, ako ang mas naiinggit sayo.
Dahil may kaya ang pamilya mo.
Maganda ka rin.
Matalino.
At higit sa lahat, naakit mo ang puso nang taong mahal ko.
Ikaw ang nagmamay ari sakanya.

Thank you, Iris.
Thank you nang dahil sayo naramdaman ko ang pakiramdam nang may kaibigan.
Kahit sabi mo pagpapanggap lang lahat.

Thank you nang dahil sayo nakilala at minahal ko si Kendrick.
Utang ko sayo yun.

Seryoso na 'tong pagpapasalamat ko.
Walang halong sarkasmo o sarkastiko.

Iris, pinapatawad na rin kita.
Hindi kapa man humihingi nang sorry, pinapatawad na kita.

Oo nga pala, umalis na kami nang Baryo Maligalig.
Hindi namin alam kung babalik paba kami o hindi na.
Basta ii enjoy na lang namin ang pagtira sa bago naming tirahan.

Yun lang,
Salamat, paalam at..

Pinapatawad na kita.

Nagmamahal,
Avery.

Can i be the oneWhere stories live. Discover now