CHAPTER 6: PASSERS 2

14 5 0
                                    

༒༺༺༺༺༺༒



Nang biglang umabante ang oras sa taas namin ay hud'yat non na magsisimula na kung ano man ang pakulong sinasabi nila.

Naging mapagmat'yag lang ako sa mga mangyayari dahil maski ako hindi alam kung anong meron.

"Ate anong dapat naming gawin?" tanong nang isa sa pinakamatanda sa kanila.

"Sige ganito, magkunwari lang kayong nakikipaglaban at ako na bahala.." balik kong sagot sa isip namin tsaka ko sila kinindatan, napatawa pa ang isa sa kanila. Ha cute!

Bigla akong naalerto nang maramdaman kong may susugod banda sa pwesto namin, agad akong umabante habang ang sampo kong Kasama ay nagpabilog, ang pitong pinakabata sakanila ay pinalibutan nang tatlong pinakamatanda sa kanila. Habang ako naman ay nasa pinakaunahan nila.

"Ahh!" Bigla akong napaaray nang maramdaman kong may tumama sa kanang bahagi nang braso ko, aishh! Sayang outfit ko nakakaloka!. isa yung palaso galing sa pana.

"ATEE!!!" Bigla namang napasigaw ang sampo kong kasama.

"Diyan lang kayo wag kayong aalis'!!" Balik kong sigaw sa kanila. 'change of plan tayo wag kayong mag hihiwalay ako lang ang gagalaw!' pakikipag usp ko sa isip nila.

Bigla akong napaangat nang tingin nang makita ko ang pumana sakin, nakasuot ito nng cloak na kulay silver at natatakpan non ang mukha nito. agad naman itong umalis nang titigan ko. Nangyari dun?

'ughhh! Nakpitch!' lumingon ako sa paligid ko at marami rami naring nadisqualified, naglalaho sila kapag lubha silang nasasaktan oh napapatay sila mismo dito sa loob ngunit buhay parin naman, dahil kitang kita nang mata ko na napupunta sila sa labas nitong arena ayon sa hologram na lumilitaw sa taas. Kada disqualified ay nag aapear iyon sa pamamagitan nang malaking hologram.

Nu bayan panay nalang bang hologram dito nasan nayun mga pogi?...oopss speaking of pogi may Nakita ako sa bandang gitna mukhang nahihirapan, chineck ko naman ang kanang braso ko at kita kong naglalaho ito, WAHHHHH!

Para itong naging invisible ngunit ramdam ko panaman, bumaling ako sa sampo kong kasama at nilagyan ko sila nang invisible barrier, para kahit sino mang magtangkang manakit sa kanila ay walang makakapalag. 'dont worry your all safe in my hands'

'anong ibig mong sabihin?' sagot ito ni rohan 'you see' nakita ko naman ang confusion sa mata niya sa last na sinabi ko. Ngunit bumaling na ako sa lalakeng nakita ko kanina, i mean pogi.

Agad na kuminang ang mata ko at lalapitan na sana siya nang mahagip nang tingin ko ang dagger na may apoy na papunta sa kanya. Nagmadali akong tumakbo at pinigilan ang dagger na tuturok sana sa kanya.

"Ugh! sheeshh!! bakit ganito ito, Ikaw hoy! p'tang'na mo! patigilin mo ito!" sigaw ko sa babaeng naghagis nang dagger, sinamaan naman ako nang tingin nito, shessh first time ko kasi makaexperience nito, dati nakikita ko lang ang mga ganitong pangyayari sa tv, movie at libro ngayon nasa naeexperience kona KYAHHH!

Oo hindi ako takot kundi kinikilig ako! Nang maalala kong may powers nga pala ako, tumingin din ako nang masama sa babae dahil nararamdaman ko na ang hapdi sa kamay ko huhu bat koba kasi tinutulungan ang isang ito?.

Lumingon ako kay pogi este kung sino man siya dahil hirap na hirap siyang kalabanin ang isa sa umaatake sa kanya bali tatlo kasi sila tapos saakin  isa lang. Bumaling ulit ako sa babae infaireness ang ganda nito,   kumikinang ang mala black at may highlight na red nitong buhok, ngunit suplada ata.

RANEAH OF SHELDONWhere stories live. Discover now