"Ilan wrong mo?" Pabulong na tanong sakin ni Iya.
"Isa lang, sa number 18" mahinang sabi ko. Lumingon naman siya keyla Dein at Ziena, mukhang tinatanong din kung ilan yung mali nila.
"Dalawa lang wrong ko, 12 to 13, nakalimutan kong lagyan ng sagot, naging blanko. Tatlo kay Ziena, apat naman kay Dein" not bad, stuck knowledge at hula hula quiz lang naman 'to para sa lesson namin today. 'di pa 'to na didiscuss.
"Si Toshiro?" Tanong ko. Nasa panhuli siya. Limang chairs kada row at ang nangayari sa row namin ay ako ang nauna, tapos Ayi, Ziena, Dein, at Toshiro.
"Mind your own business nalang daw" natatawang sabi niya na ikinatawa ko naman. Kunwari pa 'tong si toshiro, eh, perfect naman palagi.
"Pustahan tayo, perfec-" hindi natuloy ang sasabihin ni Ayi ng biglang sumigaw si ma'am Amparo. Takte patay na! siya pa naman yung kinakatakotang teacher dito. Buntis siya last year kaya hindi namin siya naging subject teacher. Ayokong ma guidance.
"People at the first row! Nasa first row pa naman kayo pero ang iingay niyo!" Nanlilisik mata na sigaw samin ni ma'am "mas makabulohan ba yang pinagchichismisan niyo keysa sa tinuturo ko dito?" Sabi niya habang pinagtuturo ang mga naka sulat sa black board.
"I'm sorry ma'am, may tinatanong lang po ako kay Iya" Pagpapalusot ko. Siniko naman ako ni Iya at binigyan ng "Anong ginagawa mo" tingin.
"Important ba yang tinatanong mo? Na hindi pwede mamaya mo nalang itanong?" bambabatigos niya sa sinabi ko.
"No ma'am, I'm sorry po" I gave her an I'm really sorry look. Mali naman talaga ang ginawa namin.
"Next time, makikinig kayo. Ayokong magsayang ng laway at oras kakasalita tapos hindi kayo makikinig. Pwede hindi ako magturo tapos bigyan ko lang kayo ng 90 para tapos agad ang trabaho ko, easy money. Alam ko yung iba dito sa inyo ay walang pake kung may matutonan basta makakuha lang ng mataas na grades ay okay na. Pero ang sweswerte niyo dahil nandito kaming mga guro na handang mag turo" pangagaral samin, lahat.
"Yes ma'am, we're really sorry ma'am. Hindi na po mauulit" panghihingi ko ulit ng pasensya
"sorry po ma'am " sabay sabay na sabi ng mga kaibigan ko."Maupay" nakangiting sabi ni ma'am sabay thumb up. Mabait naman pala si ma'am, bakit mali yung naririnig namin sa kanya!
Maagang natapos ang klase namin dahil biglang nagka emergency yung subject teacher namin kaya napaaga. Talagang gumagawa si lord ng paraan.
Sana magkita kami doon sayang naman kung hindi. Pinili ko pa naman siya keysa sa study ko. Ano kaya name niya?
Naglalakad kami ngayon papuntang parking lot, wow may dala silang kotse?Sa aming magkakaibigan ay may kanya kanya kaming sasakyan pero si Iya, Toshiro, at Ziena ang palaging may dalang sasakyan. Hatid sundo parin kasi kami ng mga driver namin.
"Dala niyo ba mga sasakyan niyo?" Tanong ko habang inaamoy amoy ang ID ko, mabango. Amoy na sanitize na vanilla! Kabibili ko lang ng lace kahapon, hindi ko pa yun nasasanitize tapos Pure Seduction ng VC yung pabango ko.
"Naulol na ampota, ginawang rugby yung ID niya" Ani Ziena sabay tulak sakin. Natalisod pa ako dahil nga naglalakad ako tas biglang tinulak! Mabuti nahawakan niya naman yung bag ko hindi natuloy yung pagkakasubsob ko. Tinawanan pa nila ako.
"Aray! Tangina" malakas na sigaw ko. Kinuha agad ni Iya ang pocket notebook niya na attendance ng bad words namin. Malaki maiipupundo namin nito sa Christmas. Tag 150 pa naman kada mura!
Tinignan ko sila ng masama at kinuha yung wallet ko, Inabot ko yung 150 kay Iya na may ngiting hanggang langit.
"Yung crush mo oh" bulong ni Dein. Ako yung sinabihan niya pero pati sila lumingon. Ano ba yan, expected ko pa naman na fifty-fifty yung chance na magkita kami mamaya sa San Juanico, This. Is. A. Sign. Of. God. Charot.
YOU ARE READING
Te Quiero, Mi Vida
Romance"Convenient life, Study, Study and Study until you succeed" That the T of Amaryllis Cliantha Elestren for her life. She always pressure her self in any circumstances and doesn't think about any negative things because tinatamad siya just go with the...