PROLOGUE

14 2 0
                                    

"Te Quiero, Mi Vida"

Agad akong napatigil sa pagtytype ng may bigla akong narinig. Tumayo ang aking mga balahibo. May nag salita? saan galing yun? wala namang tao dito ako lang! hala! hala!

Nakaramdam agad ako ng takot. wait lang pwede bang tapusin ko muna itong trabaho ko? please.

"Sinong nadyan?" kabadong sabi ko sabay kuha ng cellphone at tinapat sa puntuan. "Sana pala hindi na ako nag overtime, uuwi na ako" agad agad kong kinuha ang mga gamit ko sa desk at mabilis na pinasok iyon sa aking bag.

Hindi ako matatakutin pero iba na talaga 'to, iba nararamdaman ko. Sa naaalala ko ay never pa akong naka experience ng kahit na anong paranormal activity kaya hindi ko alam kung dapat naba akong matakot sa aking narinig. Pero ako lang mag isa tapos may mag sasalita? Tapos 'diko pa alam kung anong lengwahe yun! Te qui... Ano?

Nag overtime lang naman ako para mabawasan ang gawin ko bukas at para din hindi sayang yung oras. Marami pang gawain ang gagawin ko bukas. Tapos may multo pala dito, eh!

"I confide in you, through all my darkest moment" pag kakanta ko sa isang worship song habang dahan dahan na binabaktas ang daan papalabas ng office. hawak hawak ko parin yung cellphone at naka bukas din yung flashlight. parang nasa horror movie ako, tapos kakainin na ako! No!

"And I live to worship you, my Jesus You're the only one for me" pagpapatuloy hanggang makarating na ako sa elevator. pucha, paano na ako nito? Baka biglang may sumabay sakin sa elevator! kabado pa ako sa salitang kabado. 

kakafully paid palang ng iphone ko! wait lang! ayoko pa mamatay okay! mga.. mga next year na! Sabay himas sa cellphone kong ngayon ay nakatutok sa pinto ng elevator. papasok ba? kung mag eelevator ako ay mapapabilis yung pag alis ko sa OMGing lugar na 'to pero what if ma stuck ako dito tapos.. tapos aaah! kung mag hahagdaan ako, paano naman kung biglang may humabol sakin?

bahala na!

hawak hawak ko ang cellphone ko sa kabilang kamay ko ay sa kanan naman ay ang bag ko na ginawa kung pananga.  pumasok ako sa elevator kahit na nag aagam agam ang aking batang isipan.

"kumalma ka, hindi kana 18 year old na matatakutin sa mga multo. baka na bingi ka lang kanina at may biglang hangin na pumasok sa office, hangin lang yu-" hindi natapos ang pag uusap ko sa sarili ko ng biglang may kamay na pumigil sa pag-sara nang papasarang pinto ng elevator. Wait lang, extend muna natin yung buhay ko!

"whaaa!" malakas na sigaw ko at napaupo nalang sa sahig ng elevator na naka pikit ang mata at nakatakip ang tenga. I swear, kung mabubuhay man ako, hindi na ako mag oovertime!

"Dear father God, sorry sa mga nagawa ko, alam kong makasalanan ako pero 23 palang ako Father God, tapos mamatay pa ako dahil lang sa multo. Wag naman oh" pagdadasal ko habang umiiyak, yakap yakap ang aking tuhod.

"you're not praying, you're complaining"
agad akong napasigaw ulit sa takot ng biglang may nag salita! demonyo! demonyo!

"stop shouting, I'm not a ghost for God sake" hindi daw siya multo? dogshow ba 'to? Nag angat ako ng tingin na kahit natatakot ako ay susubukan parin.

Ngayon ko lang napagtanto kung sino ang kasama ko sa elevator na 'to. Hindi ako makapaniwala, sana pala ay hindi ko na minulat ang mga mata ko.

Nag tama ang aming mga mata pero  agad siyang nag iwas ng tingin at kasabay ng pag tunog ng elevator na hudyat na nasa baba na kami ay agad din siyang lumabas na para bang isa lamang akong anino, na parang hindi niya ako kilala at nakita.

its him.

Te Quiero, Mi VidaWhere stories live. Discover now