Minamahal kong mambabasa,
Isa aking mga likha ang serye na Sumasaiyo, Dulce. Ang kwentong ito ay hango mula sa aking sariling karanasan na hinaluan ng iba't ibang pampalasa upang mas lalong gumanda ang istorya. Nawa'y magsilbi itong inspirasyon sa inyo at mapulutan ng mga aral na maaring makatulong sa inyo sa kasalukuyan.
Para sa'yo,
Itinuturing ko bilang isang biyaya na makilala ka, isa ka sa mga taong nagbigay ng rason para magkaroon ako ng sigla sa mga araw na nangyari iyon. Wala akong ibang hinihiling kundi ang kasiyahan at kasaganahan para sa buhay mo. Patuloy ka sanang magbigay ng liwanag sa mga taong makakasalamuha mo gaya ng pagbibigay mo ng ilaw sa buhay ko. Ang pagsulat ko ng istorya ito ay simbolo ng pagmamahal at pamama-alam ko sa iyo dahil. . .
Sa wakas, graduate na ako!
Sumasaiyo, Z.
© all rights reserved