"Ingat ka roon, ha? Huwag kang lalayo sa teachers at mga kasama mo... galingan mo!" Nakakatatlo na ata nang sabi si mama ng litanya niya bago ako umalis. Kaka-unti nalang ay makakabisado ko na.
Tumango na lamang ako sa kanya at lumabas na ng bahay. Dumadagdag sa kabang nararamdaman ko ang nakakasulasok ang amoy ng usok na nanggagaling sa tambutso ng jeep, ang nagagawang ingay ng mga taong nag-aabang ng kanilang sasakyan, at ang utak kong gumagawa ng kung ano-anong senaryo na maaring mangyari mamaya.
Pakiramdam ko ay natatae ako!
Pumara na ako ng jeep na na-ayon sa pupuntahan ko dahil naririnig ko na ang vibrate at sound na nagmumula sa cellphone ko. Paniguradong nagchat na ang mga kaibigan ko, tinatanong kung nasan na ako.
Nang makasakay na ako ng jeep ay inabot ko na agad ang bayad ko at inilabas ang cellphone ko na patuloy pa rin ang pagvi-vibrate hanggang ngayon!
gc ng mga tanga
tangaevery2am: @tangaeveryday, bading san ka na
tangaeveryday: otw na, jeep pa lang
controlvariable: magsisimula na teh, nalapa ka na ba ng jeep
tangaeveryday: tanginamo kasasakay ko lang
tangaevery2am sent a picture.
Ang dalawang gaga ay nagsend ng picture na naka-pakyu sign, natawa na lamang ako at nagscroll nalang sa iba't ibang social media platform habang naghihintay na makarating sa location.
Kailangan ko rin kasing magbasa basa ng mga balita dahil journalism ang contest na sinalihan ko. May instances kasi na ang balitang ginagawa nilang paksa ay yung mga bagong balita sa diyaryo o di kaya mga chismis sa twitter at facebook.
"Para po." Bumaba ako ka-agad nang makita ko na nasa paaralan na ako kung saan gaganapin ang competition. Ibang iba ang hangin dito kaysa sa school namin, grabe. Feel ko if nagjoke ako ng kanal, maca-cancel ako!
gc ng mga tanga
tangaeveryday: huy nandito na 'ko, pilipinas ba 'to bat ang daming pogi
tangaevery2am: tanga heaven 'yan. mas marami rito sa loob gaga
tangaeveryday: di ko alam san pupunta pota, parang ang laki naman neto.
controlvariable: true! nahiya ang isang building ng school natin
tangaevery2am: TANGINAMO HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA BASTOS
controlvariable: @tangaeveryday dire-diretso ka lang may mga sign naman diyan tas pasok ka sa hall nila nasa 4th row kami sa right side
tangaeveryday: sige
Sinunod ko lang ang sinabi ni Hadji kasi totoo naman dahil kakaonting lakad ko lang ay may mga sign na, "Journalism Contest, this way." "Campus Journalist 2023, this way" , kaya naman ay nakarating agad ako sa hall na sinasabi nila.